^

PSN Showbiz

April Boy, papaya soap ang 'beauty secret'

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Gusto namin ang tono at liriko ng bagong kanta ni April "Boy" Regino, ang "Nanghihinayang Ako", dahil napakalapit sa katotohanan ng paksa ng piyesa.

Istorya ‘yun ng isang taong naipit sa pagitan ng dalawang iniibig, pinili niya ang isa, pero nu’ng magtagal na ang kanilang relasyon ay hindi naman pala siya kayang ipaglaban nito, kaya hinayang na hinayang siya kung bakit hindi pa ang isa ang kanyang pinili.

Hindi rin lumayo ang tono ng kanta sa isang kanta niyang sinuportahan nang husto ng publiko, ang "Di Ko Kayang Tanggapin", dahil katwiran ni ABR ay ganu’n talaga sa mundo ng musika, hindi ka maaaring lumayo sa isang pormulang tanggap na ng publiko.

Nasa Star Records na ngayon si April Boy sa recording company na ilang taon na niyang pinapangarap na makatrabaho, napakalaki ng tiwala niyang mas makaaabot siya ngayon sa mas mataas na marka ng bentahan dahil sa ganda ng promosyon na maibibigay sa kanya ng nasabing kompanya.

May sariling istasyon ng telebisyon at radyo, may malawak na naabot hanggang sa iba’t ibang bansa, buong-buo ang kumpiyansa ng pambansang idolo na mas malawak na kasikatan ang aabutin ng "Nanghihinayang Ako" ngayong nasa ilalim na siya ng kompanyang pag-aari ng ABS-CBN.

Siyempre’y malaki ang alok na sangkot sa paglipat niya sa Star Records mula sa Ivory, pero hindi ‘yun ang mas mahalaga para sa pambansang idolo, kundi ang matagal na niyang pangarap na sana’y mapabilang siya sa mga kontradong mang-aawit ng Star Records.

Ang labing-isang kanta sa kanyang album na may titulong "Philippine Idol" ay siya mismo ang gumawa, kanya ang tono at ang liriko, isa lang ang kantang sinulat ng pamosong si Vehnee Saturno.

Ang kanyang carrier single na "Nanghihinayang Ako" hindi pa man ay alam na ng sambayanang Pinoy ang tono, samantalang nu’ng nakaraang Linggo ng tanghali pa lang naman sa ASAP inilunsad ‘yun.

Pero ‘yun naman kasi talaga ang lihim na karisma ng mga awitin ni April Boy, kayang-kayang sundan agad ng mga mahiligin sa musika ang kanyang mga kanta.

Nagkaroon na siya ng diamond award noon, ang pinakamataas na parangal na maaaring ibigay sa isang singer, dahil sa lakas ng benta ng kanyang mga album.
* * *
Nu’ng presscon ni ABR ay pinagpistahan ng mga dumalong manunulat ang kakinisan ng kanyang kutis, dahil ganu’ng nagdaan siya sa matinding hirap ay kung bakit walang anumang bakas ng kahirapan sa kanyang balat.

Ayaw sabihin ni April Boy kung ano ang tatak ng papaya soap na ginagamit niya sa kanyang mukha at katawan, basta, mga pinagtabasan lang daw ‘yun na ipinabibili niya sa pabrika.

Nang hapong ‘yun ay pinadalhan siya sa amin ng Prinsesa soap nina Tito Ernie at Tito Sam, ang may-ari ng produkto, pinasusubok nila kay ABR ang anim na uri ng kanilang mga produktong sabon na nakapagpapakinis at nakapagpapaalis ng dumi sa balat.

Natawa si April Boy, parang pamilyar sa kanyang paningin ang sabon, ganu’ng-ganu’n daw ang kanyang ginagamit, kaya nga lang ay ‘yung mga pinagtapyasan lang ang kanyang binibili.

Sobrang kinis ni ABR,nakakahiya ngang tumabi sa kanya, dahil magmimistula kang nunal sa kanyang kakinisan.

Malinis sa katawan ang Jukebox King, hindi siya lumalabas ng bahay nang hindi mabangong-mabango, dahil mabangong pagtanggap din daw naman kasi ang suportang ibinibigay sa kanya ng sambayanang Pilipino.

vuukle comment

APRIL BOY

DAHIL

DI KO KAYANG TANGGAPIN

KANYANG

NANGHIHINAYANG AKO

SIYA

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with