^

PSN Showbiz

Aiza hinakot ang Awit Awards!

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Si Aiza Seguerra ang nagwaging best performance by a female recording artist sa katatapos na Awit Awards 2002 ng Philippine Association of the Record Industry (PARI). Tatlo pang awards ang nakamit ng kanyang kantang "Pagdating ng Panahon", kasama ang best pop recording, song of the year at best produced album of the year.

Dapat naman talagang ibigay kay Aiza at sa biggest hit noong taong 2001 ang maraming award dahil siya at ang kanyang kanta ang muling nagpasigla sa local music industry noong nakaraang taon.

Sinimulan ni Aiza ang lumikhang muli ng isang malaking hit sa noon ay nanamlay na industriya. Tagos agad sa puso ng mga music lovers ang "Pagdating ng Panahon", dahil sa tunay na maganda ang kanta at mahusay ang pagka-interpret ni Aiza.

Sa tagumpay ni Aiza at ng "Pagdating ng Panahon", nabuhayan ng loob ang mga record producers at dumaming muli ang mga album na release ng ating mga homegrown talents.

Dalawang trophy naman ang nakopo ni Ogie Alcasid, ang best performance by a male recording artist para sa "Ikaw Sana" at ang kanyang "A Better Man" bilang album of the year. Dahil isa sa mga major awards ang album of the year, may trophies din ang executive producer nito na si Vic del Rosario at ang mga line producers ng album na sina Ogie at Rene Salta.

Si Karylle ang nahirang na best new female recording artist. Talaga namang naghahakot din ng awards ang very talented na anak ni Dr. M at Zsazsa Padilla. Kailan lang ay nanalo siyang best new artist at best female artist sa MTV Philippines Music Awards.

Kasama sa mga top awardees ang The Company (Best Performance by A Duo or Group), Dessa at Ranie Raymundo (Best Performance by A Duet para sa "Noon, Ngayon"), Gabby Eigenmann (Best New Male Artist para sa "Loving"), John Lesaca (Best Instrumental Performance para sa "Heal Our Land"), Roots From Jesse (Best Performance by a New Duo or Group para sa "Too Far Too Fast").

Isang award ang napanalunan ni Martin Nievera, Best Christmas Recording sa "Can’t Stop Christmas" na sinulat nila ni Rowell Santiago.

Sa mga musical numbers ay naging kwela ang tribute nina Hajji Alejandro, Rey Valera, Richard Merck at Rico Puno para kay Sharon Cuneta. Kinanta nila ang mga naging hits ng megastar na pinarangalan bilang "Dangal ng Musikang Pilipino" na equivalent sa Lifetime Achievement Award. Sayang nga lamang at wala ang awardee upang personal na tanggapin ang kanyang trophy.

The performance of Dulce, Dessa, Ladine Roxas and Arnee Hidalgo of the grand prize winning song of Vehnee Saturno sa 2002 Voice of Asia International Song Festival also brought the house down.

Binigyan ng special award sina Vehnee at kapatid niyang si Doris Saturno at ang interpreter ng kantang si Ladine Roxas para sa karangalang bigay nila sa ating bansa.

Nagtaka lamang kami nang si Kuh Ledesma, ang tunay na pop diva na di tulad ng ibang mga self-proclaimed na di vale na lang, ang mag-perform, maraming tao ang lumabas upang magpunta sa toilet o magmeryenda.

Nagkataon lang kaya na sa puntong iyon sila na-jinggle o ginutom? O talagang wala na sa uso si Ms. Kuh? Well, kanya-kanyang panahon talaga yan.

Magaling ang ginawang pag-host nina Randy Santiago at Rachel Alejandro. Co-host nila sina Franco Laurel at Roselle Nava.

May isang presentor (di ko matiyak kung Diwata o Halina ang pangalan) ang halos lumuwa na ang dalawang boobs at utong na lang ang may takip. Ewan kung nakalusot ito sa MTRCB sa telecast last Saturday.

Ang maganda sa Awit Awards sa taong ito ay hindi unti-unting nag-aalisan ang mga tao habang patagal nang patagal ang ceremonies. Kahit ang ilan sa mga nominees na dumalo at hindi naman nagwagi ay tinapos ang programa. Di tulad ng mga artista sa mga movie awards na aalis agad pag talunan na.

At least nakita namin na ang ating mga musical artist ay may courtesy at paggalang sa kanilang mga kapwa musiko. Sa mga artista sa pelikula at TV awards, bigla na lang sila naglalaho, kapag tapos na ang pagiging presentor o hindi sila ang nanalo.

AIZA

AWARDS

AWIT AWARDS

BEST

BEST PERFORMANCE

LADINE ROXAS

PAGDATING

PANAHON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with