Disqualified ang 'Balangiga'
September 22, 2002 | 12:00am
Nakakapanghinayang at na-disqualified ang Balangiga Massacre sa MMFF. Hindi natapos ang pelikula at wala silang natatanggap na paliwanag mula sa direktor na si Gil Portes. Dalawa ang pinagpiliang ipalit dito, ang Hibla na tinatampukan nina Rica Peralejo at Maui Taylor. Pero may halong maiinit na eksena ang movie kaya ang napiling ipinalit ay ang Kulimlim ng Neo Films kung saan tampok sina Assunta de Rossi, Jomari Yllana at Jay Manalo.
Maraming nagtatanong sa akin kung mase-shelved na rin ang pelikulang Lapu-Lapu dahil sa balitang hindi ito nakabayad sa mga crew. Pero ayon sa isang source ay magre-resume na sila ng syuting next week at hinihintay lang ang malaking perang manggagaling sa Japan.
Laging sinasabi ni Direk William Mayo na kahit anong hirap ang danasin nila ay tatapusin nila ang pelikula para makasama sa darating na MMFF. Naglaan sila ng 36 milyong budget para rito.
Inamin ni Lara Morena sa presscon ng Kapag ang Palay Naging Bigas... May Bumayo na nagkaroon sila ng panandaliang relasyon ni Mike Magat. Na-in love sila sa isat isa habang nagsusyuting sa Romblon pero nagkahiwalay din. Sinabi nitong minahal niya ang aktor. Ngayon ay closed book na ito at nanatili na lang silang magkaibigan.
Samantala, hindi ako makapaniwala na nakatira si Lara sa Marina Condo. Tinanong namin kung galing ba ito o regalo sa kanya ni Mark Jimenez. "Naku! Tita, galing sa kita ko ang ipinambili ko diyan. Ngayon ay may ka-on ako na isang pulitiko at na-love at first sight siya sa akin. Nagkita kami two years ago sa Virgin Café (Makati) at this year sa Ratsky. Doon nagsimula ang aming pagiging mabuting magkaibigan hanggang humantong sa isang magandang relasyon," paliwanag nito.
Umiikot ang mundo niya sa dalawang anakisang tatlong taong gulang na babae at magdadalawang taong gulang na lalaki. "Hindi naman ako nanghihingi sa aking dating asawa pero kung susuportahan niya at bibigyan ng sustento ang aming anak ay matutuwa ako," aniya.
Pangarap din ni Lara na makapagpatayo ng bar dahil magaling din siyang kumanta.
Akala namin ay matetengga na ang pelikulang Virgin People 3 pero dahil premyadong direktor si Celso Ad Castillo ay hindi nila pinabayaan ang pelikula. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang bagong producer ng Heraxus Films na si Norie McCullick ay naakit na tubusin ito sa unang nagprodyus na si Dan Barateta. Sinagip din ni Norie ang pelikula dahil ang kanyang anak na si Lexus McCullick ay introducing dito.
Walang pagsisisi ang prodyuser dahil maganda naman ang kinalabasan ng pelikula. Nagtataka lang ito kung bakit dumami ang gustong sumabit sa Virgin People 3. Sabi nga nito ay "Diyos na lang ang bahala sa kanila lalo na doon sa gustong manloko sa amin," anang produ.
May nakausap kaming ilang kapatid sa hanapbuhay na nakapuna na class na ang dating ni Assunta de Rossi sapul nang magkaroon ng kaugnayan kay Congressman Jules Ledesma. "Panay na ang Ingles nito at mapili na sa mga damit na isinusuot. Sossy na ang tingin namin sa kanya," anang reporter.
Laging sinasabi ni Direk William Mayo na kahit anong hirap ang danasin nila ay tatapusin nila ang pelikula para makasama sa darating na MMFF. Naglaan sila ng 36 milyong budget para rito.
Samantala, hindi ako makapaniwala na nakatira si Lara sa Marina Condo. Tinanong namin kung galing ba ito o regalo sa kanya ni Mark Jimenez. "Naku! Tita, galing sa kita ko ang ipinambili ko diyan. Ngayon ay may ka-on ako na isang pulitiko at na-love at first sight siya sa akin. Nagkita kami two years ago sa Virgin Café (Makati) at this year sa Ratsky. Doon nagsimula ang aming pagiging mabuting magkaibigan hanggang humantong sa isang magandang relasyon," paliwanag nito.
Umiikot ang mundo niya sa dalawang anakisang tatlong taong gulang na babae at magdadalawang taong gulang na lalaki. "Hindi naman ako nanghihingi sa aking dating asawa pero kung susuportahan niya at bibigyan ng sustento ang aming anak ay matutuwa ako," aniya.
Pangarap din ni Lara na makapagpatayo ng bar dahil magaling din siyang kumanta.
Walang pagsisisi ang prodyuser dahil maganda naman ang kinalabasan ng pelikula. Nagtataka lang ito kung bakit dumami ang gustong sumabit sa Virgin People 3. Sabi nga nito ay "Diyos na lang ang bahala sa kanila lalo na doon sa gustong manloko sa amin," anang produ.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended