Robin humingi ng P.2-M sa GMA para sa soap
September 22, 2002 | 12:00am
Sayang dahil hindi na matutuloy ang paglabas ni Robin Padilla sa bagong teleserye na gagawin ng GMA.
Nataasan daw ang pamunuan ng Siyete sa hinihingi nitong P200,000 per taping kaya humahanap na lamang daw ito ng makakapalit ni Binoe.
Samantala, dumating na si Robin sa US na kung saan ay nakasama siya sa concert ni Pops Fernandez.
Nakatakda na ring mapanood ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Judy Ann Santos sa Viva, sa Oktubre 23, ang Jeannie, Bakit Ngayon Ka Lang?
Kinukuha raw ng S-Files si Assunta de Rossi para mag-guest sa kanila matapos pakawalan ng mga kidnappers ang dalawang anak ni Cong. Jules Ledesma pero, di pumayag ang seksing aktres. Nagpaunlak itong mag-guest sa halos lahat ng programa ng GMA matangi sa S-Files dahilan daw sa mga binitawang salita ng host nito na si Richard Gomez tungkol sa kanyang nobyo.
Nalilito ako sa kung sino ba talaga ang may karapatan na mag-release ng album na "The Power Of Your Love" (Only Selfless Love) na ipinangimbita sa amin ng Universal Records kamakailan lamang. Natatandaan ko na una akong naimbita ng Star Records para sa nasabing album, hindi nga lang natuloy ito sa di ko malamang kadahilanan.
Anyway, sa album na ipinamamahagi ng UR at prodyus ni Jeanne Young at associate producer si Ito Rapadas, tampok ang "Only Selfless Love", isang komposisyon ni Fr. Carlo Magno S. Marcelo at theme song ng 4th World Meeting of Families. Magkasama itong inaawit nina Karylle at Jed Maddela kasama ang Youth For Christ Ensemble.
Mahigit sa 100 artist at prominenteng myembro ng clergy ang nag-participate sa album. Gaya ni Gino Padilla na umawit ng title track ng album; Carol Banawa ("Mariang Ina Ko"); Tillie Moreno/RayAn Fuentes ("Umagang Kay Ganda"); Jeanne Young ("Surrender"); Jolina Magdangal ("Sana"); Mikee Cojuangco with son Robbie Jaworski ("Please Know My Child"); Nonoy Zuniga ("Butterfly Kisses"); Pinky Marquez ("Papa Can You Hear Me"); Arnee Hidalgo ("Tanging Yaman"); Isay/Didang Alvarez ("Warrior Is A Child") at marami pa. Ang album ay mabibili sa isang special package na may kasamang minus one CD at isang libro ng selected prayers, para raw maiba sa mga ipinagbibiling pirated copies.
Nataasan daw ang pamunuan ng Siyete sa hinihingi nitong P200,000 per taping kaya humahanap na lamang daw ito ng makakapalit ni Binoe.
Samantala, dumating na si Robin sa US na kung saan ay nakasama siya sa concert ni Pops Fernandez.
Nakatakda na ring mapanood ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Judy Ann Santos sa Viva, sa Oktubre 23, ang Jeannie, Bakit Ngayon Ka Lang?
Anyway, sa album na ipinamamahagi ng UR at prodyus ni Jeanne Young at associate producer si Ito Rapadas, tampok ang "Only Selfless Love", isang komposisyon ni Fr. Carlo Magno S. Marcelo at theme song ng 4th World Meeting of Families. Magkasama itong inaawit nina Karylle at Jed Maddela kasama ang Youth For Christ Ensemble.
Mahigit sa 100 artist at prominenteng myembro ng clergy ang nag-participate sa album. Gaya ni Gino Padilla na umawit ng title track ng album; Carol Banawa ("Mariang Ina Ko"); Tillie Moreno/RayAn Fuentes ("Umagang Kay Ganda"); Jeanne Young ("Surrender"); Jolina Magdangal ("Sana"); Mikee Cojuangco with son Robbie Jaworski ("Please Know My Child"); Nonoy Zuniga ("Butterfly Kisses"); Pinky Marquez ("Papa Can You Hear Me"); Arnee Hidalgo ("Tanging Yaman"); Isay/Didang Alvarez ("Warrior Is A Child") at marami pa. Ang album ay mabibili sa isang special package na may kasamang minus one CD at isang libro ng selected prayers, para raw maiba sa mga ipinagbibiling pirated copies.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended