Ipinakikilala ang Gigglers, Inc.
September 21, 2002 | 12:00am
Nung September 16, inilunsad ang comedy group na mapapanood lamang sa Giggles Comedy Bar, ang Gigglers, Inc. na binubuo nina Arexu, Gino, Izel, Chubbylyta, Shawie at Emma.
Si Arexu ay isang registered nurse at Production Supervisor/Training Specialist bago naging isang stand-up comedian. Ayon sa kanya, nais niyang makilala bilang isang "ageless at sexless diva!" pagdating sa performing stage. Every Wednesday at Saturday siya nagpe-perform sa Giggles.
Si Gino isang ex-OFW na siyam na taong nagtrabaho sa Singapore bilang miyembro ng isang banda ay tuwing Wednesday, Thursday at Saturday mapapanood. Member din siya ng ABS-CBN Talent Center Comedy Pool since May 2002. Kabilang din siya sa sex-comedy movie na Kasiping na malapit nang ipalabas ng Seiko Films. Take note, kayang-kaya niya ang mga awitin ni Frank Sinatra pati na ang ilang alternative pop tunes.
Tulad nina Tessie Tomas at Jon Santos, produkto din ng University of the Philippines-Diliman College of Mass Communications (UP-CMC) ang 21-year old na si Izel. Naging kilala siya sa karakter na "Estrella Karunungan", isang old-maid teacher-turned midnight dancer, sa sikat na variety show ng UP na "Live Aids" na itinaguyod ng Samaskom (Samahan ng mga Mag-aaral sa Komunikasyon). Pop, R&B at black music naman ang forte ni Izel na mapapanood tuwing Miyerkules.
Si Chubbylyta (na hango sa isang Mexican telenovela ang pangalan), ay nagsimula ng kanyang hosting career sa sing-along joints sa Tacloban. Pagkatapos ng isang taon, tumulak siya sa Maynila kung saan siya ngayon naka-base. Almost six feet tall siya at madalas siyang tuksuhing "higante". Magaling din siyang sumayaw dahil dati siyang dance instructor. Kapag Sabado, siya ang isa sa mga hosts ng Giggles.
Mala-Janno Gibbs at Ogie Alcasid kumanta at magpatawa itong si Shawie. Limang taon na siyang sing-along master at di niya makakalimutan nang minsay mahulog siya sa entablado habang nagpi-perform. Tuwing Biyernes at Linggo siya mapapanood.
Naging pagsubok naman para kay Emma ang pagbutihing kumanta bago siya naging sing-along master. Pinagtawanan siya ng tao nang minsang magpunta sila ng kanyang barkada sa isang sing-along bar sa Malate. Mula noon, hinasa niya ang kanyang singing talent at ngayoy ipinagmamalaki niya kapag kumakanta siya ng mga awiting "One Day Ill Fly Away" ni Randy Crawford at "Dont Cry Out Loud" ni Melissa Manchester. Panoorin nyo na lang siya every Thursday.
Huwag palalampasin ang show ng Gigglers, Inc. sa Giggles Comedy Bar na malapit sa Sta. Lucia East Grand Mall, along Felix Avenue, Marikina City. Para sa iba pang detalye at ticket reservations, tumawag sa telephone number 682-2280 to 81.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended