^

PSN Showbiz

GMA, FPJ, nagtagpo!

- Veronica R. Samio -
Umugong ang malakas na palakpakan at sigawan sa Malacañang Heroes Hall kahapon ng hapon sa pagtatagpo ng sinasabing magiging mahigpit na magkalaban sa presidential election sa year 2004, sina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Fernando Poe, Jr.

Hindi magkamayaw ang mga potograpo sa pagkuha ng larawan sa dalawa na ang pagkakamay ay naging mas matagal pa sa ordinaryong pagkikita.

Nagpunta ng Malacañang ang Hari ng Aksyon bilang isang kinatawan ng Industriya ng Pelikula na sa kasalukuyan ay tumatanggap ng P50M Presidential Subsidy. Siya ang prodyuser at star ng isa sa 10 pelikula na pagpipilian sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines na mapapanood di lamang sa Kamaynilaan kundi maging sa ilang key cities ng bansa. Pito sa mga ito ang pipiliin.

Lahat ng mga prodyuser at scriptwriter ng 10 pelikula ay binigyan ng pagkilala sa Malacañang. Inaward na rin ang tig-P500,000 sa napiling dalawang pinakamagagandang movies para sa buwan ng Hulyo (Regal’s Pakisabi Na Lang Mahal Ko Siya) at Agosto (Star Cinema’s Jologs). Bahagi ito ng Filipino Great Movie Arts Awards na ibinibigay ng Pangulo sa industriya bilang incentives para makalikha pa ng mas magagandang pelikula.

The industry was well represented. Bukod sa mga producer at writer ng 10 pelikula, dumalo rin sina Bong Revilla, Rudy Fernandez, Dolphy, Assunta de Rossi at Cong. Jules Ledesma, Onemig Bondoc, Jeffrey Quizon, Eric Quizon, Atty. Esperidion Laxa at marami pa.

Nagbigay ng kanilang report para sa MMFFP sina Mayor Rey Malonzo at MMDA Chairman Bayani Fernando.
*****
Hindi pa man nakikilala si Rose Valencia sa mundo ng pelikula dahil ipinakikilala pa lamang siya sa pelikula ng LED Cinema na pinamagatang Kapag Ang Palay Naging Bigas... May Bumayo ay nakatanggap na agad siya ng pananaray ni Niño Muhlach. Naganap ito nang sabay silang mag-guest sa isang pang-umagang programa sa TV.

"Magkakilala na kami pero, dahil bago pa ako, syempre nahihiya akong unang bumati. ’Yun pala nainsulto siya, dahil parang ako pa ang nang-isnab sa kanya," kwento ng bagong star sa presscon ng kanyang first movie na nagtatampok din kina Lara Morena, JC Castro at Brando Legaspi, sa direksyon ni Roland Ledesma.

Magkapatid sila ni Lara sa movie at pinag-aagawan nila si JC.

"May breast exposure ako rito at maraming lovescene kay JC," sabi niya. Nagtatrabaho siya sa Pegasus nang madiskubre for the movies. "Pinansyal ang dahilan kaya ako nag-bold.

"At saka, hindi naman habang buhay ay nasa club ako. Kailangan namang lumihis ako ng konti, para malaman ko rin kung may iba pang mundo bukod sa club," ulit niya.

Bukod sa sumikat sa pelikula, pangarap ni Rose na makadaupang palad ang matagal na niyang iniilusyon na si Paolo Bediones.

"Ang impresyon ko sa kanya ay parang napakabait niya at napakatalino."

Sinabi niya na ang lamang niya sa maraming bold stars ay hindi siya retokada. "Walang binago ano man sa aking katawan." Orig ang kanyang katawan na ipakikita niya sa kanyang pelikula.
*****
Hindi naniniwala si Patrick Garcia na nagdaos kamakailan ng kanyang ika-21 taong kaarawan na malaking balakid sa kanyang career ang pagkakaroon niya ng boyish image. "Bakit po naman si Aga Muhlach, walang ganitong problema?" may pagka-pilosopo niyang nawika nung makausap ko siya.

"Ang importante ay magampanan ko ng mahusay ang anumang role na ibigay sa akin although at this point, inaamin ko na talagang hindi pa ako matanggap na seryoso ng tao pero, darating din ang panahong ito," aniya.

Pagkatapos ng Jologs ay may mga inihahandang pelikula para sa kanya. Nasa plano rin ang pagkakaroon niya ng solo show.

Malaking inspirasyon sa kanya ang kanyang non-showbiz gf.

AGA MUHLACH

AKO

BONG REVILLA

BRANDO LEGASPI

BUKOD

MALACA

NIYA

PELIKULA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with