Angelu ayaw ng kasal!
September 19, 2002 | 12:00am
Isang mapuwersang "No! no more!" ang namutawi sa bibig ni Angelu de Leon sa katanungang kakailanganin ba nitong magpakasal para may tumayong ama sa kanyang dalawang anak. Dulot ng dalawang pag-ibig nitong di naging matagumpay ay parang na-trauma na ang aktres kaya kung pag-uusapan ninyo ang salitang kasal ay siguradong dadaan lang ito sa kanyang tenga at lalabas sa kabila.
Sa estado ngayon ng buhay ni Angelu na may dalawang magagandang anak, may soap opera at di nauubusan ng pelikula na pwede niyang ipagmayabang na kaya na nitong mamuhay ng kahit di na magtatrabaho dahil nakamana ito ng malaking pera.
Napailing siya nang tanungin kung may suporta si Joko Diaz sa anak nito. "Wala siyang ibinibigay na suporta," diretsahang pahayag nito at inamin na hindi pera ang kailangan ng kanyang anak kundi ang suporta ng ama sa pag-aaral nito.
"Kailangan nandoon siya sa meeting ng mga magulang sa school. Sana kung kailangan ang presensya naming dalawa ng aming anak ay dapat nandodoon kami. Malaking tulong ito sa pag-aaral ng aming anak. Ito lang ang hinihingi ko sa kanya at hindi pera," sabi ng aktres. (Ulat Ni Alex Datu)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended