Manager nagselos sa gf ng alaga
September 16, 2002 | 12:00am
Noon pa man ay may lihim nang pagtatangi ang manager sa kanyang alagang sikat na young actor. Dahil sa tulong at kabaitan ng manager ay nahulog din ang loob ng aktor sa kanya.
Hanggang may niligawang non-showbiz bagets ang young actor na lingid sa kaalaman ng manager. Kaso, mapagbiro ang tadhana dahil di sinasadyang nagkita ang talent at manager sa isang sikat na restoran kung saan kasama ng kanyang alaga ang nobya. Kitang-kita ng manager kung gaano ka-sweet ang dalawa. Nagtatalak ang manager sa kanyang alaga at di inalintana ang ibang taong kumakain doon.
Mabilis gumawa ng pangalan ang young actor na ito dahil guwapo. Una siyang nakilala sa komersyal.
Malalaking artista, scriptwriters at mga prodyusers ang dadalo sa Awarding Ceremony ng Metro Manila Film Festival Philippines 2002 sa September 19 sa Malakanyang sa ganap na alas-dos ng hapon. Itoy pangungunahan ni Fernando Poe, Jr., Rudy Fernandez, Bong Revilla Jr., Dolphy at iba pa. Ipagkakaloob ang cash incentives na 100,000 sa mga nanalong scriptwriters sa ginawang pakontes ng MMFFP.
Ang pinirmahang deed of donation with the producers ay sasaksihan ni Pangulong Gloria Macapagal at ipagkakaloob din ang cash incentives na 500,000 para sa mga nanalong best quality films. Kabilang dito ang pelikulang Pakisabi Na Lang... Mahal Ko Siya ng Regal Films para sa buwan ng Hulyo at Jologs para sa buwan ng Agosto.
Ayon kay Mayor Rey Malonzo, over-all vice chairman ng MMFFP 2002, mismong ang presidente ang magkakaloob ng parangal.
Maganda ang tinig ni Clarissa Mercado na isa sa bidang bituin ng Tukaan ng Leo Films. Kaya niyang abutin ang mataas na tono ng boses ni Lani Misalucha nang magparinig ito ng awitin during the presscon of the said movie. Gusto nga niyang kumuha ng voice coach para lalo pang mahasa sa pagkanta. Balitang may offer itong maging recording artist. Pero gusto muna ni Clarissa na mahasa pang lalo sa pagkanta.
Sa ngayon ay prioridad muna niya ang pag-aartista.
Isa sa malaking dahilan kung bakit siya ang napiling PCS Leading Lady 2003 ay dahil hindi siya takot sa manok. Okey lang na magkaroon siya ng nobyong sabungero bastat hanggang libangan lang ito.
Sa isang pakikipagkwentuhan kay Yam Ledesma ay inamin niyang hindi na siya mapagkatulog dahil sa nerbyos. Kabado siya sa nalalapit niyang concert sa October 18. "Pakiramdam ko kasi, hindi pa ito ang right time para magkaroon ako ng isang malaking solo concert kasama ang mga sikat na banda at mang-aawit gaya ng True Faith, Gladys & The Boxer, Mystica, Lloyd Umali, Joy Viado, Gerry Matias Band & Dance Promo. Araw-araw ay nagpapraktis na ako with my vocal coach si Joy Viado after Lunchbreak Muna ay may one-on-one session kaming dalawa. Noong unang sinabihan ako ni Mommy na magkakaroon ako ng solo concert ay hindi ko ito sineryoso sa pag-aakalang nagbibiro lang siya. Pero nang malaman ko na may kinakausap na siyang mga sponsors at nakita ko ang poster ay saka ko na-realize na hindi pala nagbibiro si Mommy. Bilang paghahanda sa concert ay kinuha ako ng wardrobe consultant kaya kailangan kong magbawas ng timbang ngayon," aniya.
Pero ang talagang hilig noon ni Yam ay mag-artista at nagtatampo siya kapag may kinukuhang ibang artista sa halip na siya ang isama sa proyekto ng amang direktor. Katwiran nito ay bata siya (13 years old) at ayaw niyang masira ang kanyang pag-aaral. Dumating sa puntong hindi nakarating ang artista minsan sa syuting kaya pinilit niya ang amang isama siya sa proyekto. At doon nagsimula ang pag-aartista niya.
Ngayon ay prioridad na niya ang pagkanta at desidido rin siyang maging sikat na recording artist someday. First time niyang magkaroon ng malaking solo concert. "Biruin mo naman Tita, ang mga kakantahin ko halimbawa ay yong "All By Myself" ni Celine Dion," dagdag pa niya.
Pinamagatang Jam With Yam In Concert na idaraos sa AFP Theater, ito ang magsisilbing bonggang major concert ng singer sa direksyon ni JR Ledesma.
Masinop sa pera ang actress-singer kaya nakapagpatayo na siya ng tatlong negosyo na kinabibilangan ng parlor, internet at trading furniture home decor.
Hanggang may niligawang non-showbiz bagets ang young actor na lingid sa kaalaman ng manager. Kaso, mapagbiro ang tadhana dahil di sinasadyang nagkita ang talent at manager sa isang sikat na restoran kung saan kasama ng kanyang alaga ang nobya. Kitang-kita ng manager kung gaano ka-sweet ang dalawa. Nagtatalak ang manager sa kanyang alaga at di inalintana ang ibang taong kumakain doon.
Mabilis gumawa ng pangalan ang young actor na ito dahil guwapo. Una siyang nakilala sa komersyal.
Ang pinirmahang deed of donation with the producers ay sasaksihan ni Pangulong Gloria Macapagal at ipagkakaloob din ang cash incentives na 500,000 para sa mga nanalong best quality films. Kabilang dito ang pelikulang Pakisabi Na Lang... Mahal Ko Siya ng Regal Films para sa buwan ng Hulyo at Jologs para sa buwan ng Agosto.
Ayon kay Mayor Rey Malonzo, over-all vice chairman ng MMFFP 2002, mismong ang presidente ang magkakaloob ng parangal.
Sa ngayon ay prioridad muna niya ang pag-aartista.
Isa sa malaking dahilan kung bakit siya ang napiling PCS Leading Lady 2003 ay dahil hindi siya takot sa manok. Okey lang na magkaroon siya ng nobyong sabungero bastat hanggang libangan lang ito.
Pero ang talagang hilig noon ni Yam ay mag-artista at nagtatampo siya kapag may kinukuhang ibang artista sa halip na siya ang isama sa proyekto ng amang direktor. Katwiran nito ay bata siya (13 years old) at ayaw niyang masira ang kanyang pag-aaral. Dumating sa puntong hindi nakarating ang artista minsan sa syuting kaya pinilit niya ang amang isama siya sa proyekto. At doon nagsimula ang pag-aartista niya.
Ngayon ay prioridad na niya ang pagkanta at desidido rin siyang maging sikat na recording artist someday. First time niyang magkaroon ng malaking solo concert. "Biruin mo naman Tita, ang mga kakantahin ko halimbawa ay yong "All By Myself" ni Celine Dion," dagdag pa niya.
Pinamagatang Jam With Yam In Concert na idaraos sa AFP Theater, ito ang magsisilbing bonggang major concert ng singer sa direksyon ni JR Ledesma.
Masinop sa pera ang actress-singer kaya nakapagpatayo na siya ng tatlong negosyo na kinabibilangan ng parlor, internet at trading furniture home decor.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended