Panalo ang biyahe ni Imelda Papin sa US/Canada
September 15, 2002 | 12:00am
Kahit abala sa kanyang mga gawain bilang Vice Governor ng Camarines Sur si Imelda Papin at sa kanyang pagre-recording ng kanyang second album sa Universal Records, nakuha pa niyang magbiyaheng muli sa ibang bansa. Kamakailan ay nagtungo siya sa USA at Canada.
Siyempre naman ang pag-alis na ito ng bise gobernador ay may pahintulot ni Governor Luis Villafuerte.
Noong nakaraang biyahe niya sa Australia, nabigyan ang kanyang probinsya ng isang mobile dental van at iba pang donasyon tulad ng mga salamin sa mata, libro at gatas para sa kanyang feeding program.
Kamakailan naman sa Amerika at Canada, nagbigay ng dalawang dialysis machines si Boy Banate ng UniGlobe Freight International, maraming gatas, crop seeds for farmers at ibat ibang gamot.
Ang mga dialysis machines ay bigay sa Imelda Papin Foundation at ididiretso naman ni Mel sa Bicol Medical Center. Lahat ng mga donasyong ito para sa Camarines Sur ay dineliver sa bansa through UniGlobe Freight International, Forex at Manila Forwarders ng libre.
Sa US ay nakausap din ni Mel ang Fil-Am Mayor ng New Jersey na si Bobby Rivas. Maaaring ang Pili sa Cam. Sur ay maging sister city ng Bergenfield, N.J., sa National City, San Diego naman ay nabanggit ni Mayor George Waters ang posibilidad na maging sister city ng nasabing lugar ang isa sa mga siyudad sa Camarines Sur.
Siyempre naman tinampok si Imelda Papin sa isang fund-raising concert sa Los Angeles, California, organized by a Pinoy group there, headed by Benny Bautista. Ang concert na A Night For A Cause ay topbilled din ng kapatid ni Mel na si Glo at ng anak ni Vice Governor na si Maffi. Ilan sa mga guest performers ay ang mga Pinoy doon tulad ng singing dentist na si Dr. Ner Azaula, sina Joey Piano, Kristina Mercado, Sheri Ong at Susie Davies.
Nagtanghal din si Mel sa Toronto at Windsor, Canada para makalikom ng funds sa pagpapatayo ng isang Filipino Center sa Toronto. Nag-show din siya sa New York, Washington, D.C., San Diego, California at Kauai, Hawaii.
Sa lahat ng kanyang dinalaw na lugar, hinikayat niya ang mga Pinoy doon na magbalikbayan. Si Mel ang Chairperson ng Cultural Affairs ng Vice Governors League of the Philippines, kayat tuwing nasa ibang bansa, inuuna niyang i-promote ang kulturang Pilipino.
Ngayong nasa bansa na siya, haharapin naman niya ang maraming tungkulin sa kanyang probinsya at tatapusin ang kanyang second album.
Kung ako ang papipiliin ng "Woman of the New Millennium", si Kris Aquino agad ang aking iboboto.
Si Kris kasi ang dapat kumatawan sa kababaihan ng bagong milenyo dahil wala siyang takot gawin kung ano ang gusto niya. Ang maganda pa kay Kris, she gets what she wants and she wants what she gets.
Marahil tulad ko rin, naniniwala siya na ang moralidad na base sa kaipokritahan ay balewala.
Kung hindi siya mula sa angkan ng Aquino at Cojuangco, tiyak na higit na walang pakundangan sa kanyang mga desisyon si Kris. Kaya nga lamang ay medyo nagagapusan pa rin siya ng mga sinaunang tradisyon at bahagya pa rin niyang binibigyang-pansin ang sasabihin ng mga kamag-anak niya.
Hindi na makakarating sa ating bansa si Pope John Paul II sa darating na 4th World Meeting of Families sa Enero 2003.
Mahina na kasi ang Santo Papa dala ng kanyang sakit at katandaan. Kung sakali namang magkakaroon na ng bagong Papa ng Simbahang Katoliko, tiyak daw na dadalaw siya sa Pilipinas kung matataong elected na siya sa darating na international event. Importante kasi sa simbahan ang okasyong ito kaya kailangang dumalo ang Papa.
Narinig na ba ninyo ang version ng "Only Selfless Love" na duet nina Karylle at Jed Madella?
Ibang klase ang version na ito ng kanta para sa 4th World Meeting of Families. Tiyak na higit na ma-appeal ito sa mga kabataan. Kasama ang kanta sa "Power of Your Love" album na produced ni Jeanne Young para sa Universal Records.
Si Gino Padilla ang kumanta ng title cut, "Power of Your Love".

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended