^

PSN Showbiz

" Tuloy ang relasyon namin ni Bong habang buhay ang show " - Rufa Mae

- Veronica R. Samio -
"Dalawang taon na ang Idol Ko Si Kap (Sabado, GMA7, 7:30 n.g.) at isang taon at kalahati na ako sa show, wala na akong maipapaliwanag pa sa mga nagtatanong tungkol sa amin ni Bong (Revilla). Ilang ulit na akong nag-deny pero, parang walang naniniwala, paulit-ulit pa rin ang mga pagtatanong, ang pagbibintang. Nakakapagod na. Para matigil lang ang lahat, sinasabi ko na lamang na habang buhay ang show, tuloy ang relasyon naming dalawa," anang seksing aktres na ngayon ay nakakaranas ng di niya maipaliwanag na kaligayahan. "After the pain of losing my father, parang maligayang-maligaya ako. Ang gaang-gaang ng buhay ko, siguro dahil alam ko na naririyan lamang siya at binabantayan ako. Masaya na rin ako dahil hindi naman siya namatay ng malungkot. Nakita naman niya na nagtagumpay ako," ani Rufa Mae Quinto na umamin ding napakababaw ng kaligayahan niya ngayon." Konting patawa lamang pinapatulan ko na, halos sumakit na ang panga ko sa pagtawa."

Natatawa naman si Bong sa kanyang kapareha sa TV sitcom. "Sa tagal naming magkasama sa show, close na talaga kami. Sanay pa kami kapag dumating yan sa set ng balut na balot," dagdag pa niya.

Nagdiriwang ng kanyang second anniversary ang Idol Ko Si Kap ngayong buwan ng Setyembre. Magiging panauhin nila sa isang buwang anniversary episodes sina Phillip Salvador, Miriam Quiambao at Gladys Guevara bukod pa sa mga regulars na sina Leo Martinez, Kuya Germs, Jimmy Santos, Catalina Perez, Luz Valdez at Jolo Revilla. Kasama rin si Antonio Aquitania na join na rin sa Barangay Rancho Berde.

Bago na rin ang set ng Idol Ko... Supposed to be ay nadaanan ng MRT ang dati nilang komunidad kaya ini-relocate sila.

"Bukod sa napakaganda naming set, palaging may leksyon na natutunan ang mga manonood sa show. Kung napapansin n’yo, walang toilet humor ang show kaya, pwede sa mga bata.

"Kahit habang buhay ay pwede ko nang gawin ang show. Parang second family ko na ito, second home. Oo, nami-miss ko rin ang paggawa ng aksyon pero, komportable na ako sa komedi. Di na ako naninibago kahit mas mahirap sa TV kaysa sa pelikula," ani Bong.

Syempre, hindi kumpleto ang pakikipag-usap kay Bong kapag hindi nabanggit ang trabaho niya bilang chairman ng Videogram Regulatory Board.

"Nung July 6 lamang ako nagsimula ng trabaho ko rito pero bilyon na ang halaga ng mga pirated tapes and duplicating machines ang nahuhuli ko. Sabi nga ng marami, trabaho na ito para sa anim na taon. Natutuwa naman ako dahil nagagawa ko ng maganda ang trabaho kahit na lubhang mapanganib," aniya. At kahit kailangan na niya ng security hindi pa rin alintana ni Bong ang panganib na kanyang kinakaharap. "Lahat naman ng gawain ay may kaakibat na panganib. Kung palagi tayong matatakot, paano natin magagampanan ng mabuti ang ating trabaho?" tanong niya.

AKO

ANTONIO AQUITANIA

BARANGAY RANCHO BERDE

CATALINA PEREZ

GLADYS GUEVARA

IDOL KO

IDOL KO SI KAP

JIMMY SANTOS

JOLO REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with