^

PSN Showbiz

Tulong sa Sabah deportees i-text sa ABC

-
Para sa libu-libong inabusong bata, matanda, babae at lalaking kapwa natin Pilipino na ipinatapon ng Malaysia pabalik dito sa Pilipinas, inihahandog ng ABC 5 ang kanyang buong sulong na suporta sa "Kababayan, Sagot Kita". TV Telethon Fundraiser ng administrasyong Arroyo na gaganapin sa AFP auditorium at mapapanood live sa tatlong istasyong pang telebisyon ng gobyerno bukas, ika-14 ng Setyembre alas-5:00 ng hapon hanggang alas-2:00 ng madaling araw kinabukasan.

Kusang loob na tumulong ang ABC 5 sa pamamagitan ng pagbibigay daan upang maiabot ng milyun-milyong manonood na Pilipino ang kanilang tulong pinansiyal sa mga Sabah deportees gamit ang kanilang mga cell phones. Kasama ang mobile games provider imGAME, inilunsad ng ABC 5 ang text telethon na magkakalat ang isang daang katanungan tungkol sa mga OCW sa lahat ng imGAME members. Ang bawat reply sa text, tama man o mali, ay katumbas ng pisong mapupunta sa pondo ng "Kababayan, Sagot Kita" project.

Upang makakalap ng mas malaking partisipasyon, mamimigay ang imGAME ng dalawang (2) Nokia 3350 cell phones units sa dalawang lucky texter at isang grand prize – trip to Hongkong for two sa pangatlong mapalad na texter. Malalaman ang mga nanalo sa Sabado mismo ganap na 8:00 p.m. at 11:00 p.m. na iaanunsiyo ng mga hosts sa telethon at 2:00 a.m. naman kinabukasan malalaman ang nanalo ng grand prize. Para sa libreng pagrerehistro sa imGAME, i-type ang kumpletong pangalan, tirahan, telepono, kasarian, kaarawan, at e-mail address at ipadala sa 2308 (Globe) or 208 (Smart). Maaari ring lumahok via PLDT landline, i-dial lang ang 1908-IAMJOIN gamit ang interactive voice response system o IVRS.

vuukle comment

KABABAYAN

KASAMA

KUSANG

MAAARI

MALALAMAN

NOKIA

PILIPINAS

PILIPINO

SAGOT KITA

TELETHON FUNDRAISER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with