^

PSN Showbiz

Aware ba si Goma sa trabaho ng isang host?

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Sa isang umpukan ng mga manunulat ay sinentruhan ang pagiging madulas ng dila ni Richard Gomez sa pagmamaniobra ng isang talkshow.

Nitong mga huling araw kasi ay naging negatibo ang dating ni Richard dahil sa pagpapakawala niya ng opinyon tungkol sa maraming isyu at personalidad na para sa panlasa ng nakakarami ay hindi maganda.

Ang lantaran niyang pagsasabi na marami siyang alam na sikreto ni Congressman Willy Villarama na pwede rin niyang isiwalat sa publiko, kaya sana’y huwag nang nakikialam pa ang pulitiko sa mga isyung pang-showbiz na tulad ng pagtuligsa nito sa "Sak Mo!" ng Eat Bulaga.

Diretso rin niyang sinabi na kaliit-liit ni Congressman Jules Ledesma, ang karelasyon ni Assunta de Rossi, pero ang yabang-yabang nito.

Hindi kasi nagustuhan ni Goma ang paghahamon ng suntukan ng kongresista kay Alessandra de Rossi, kaya biglang uminit ang dugo ng actor-TV host.

Ang lahat ng sinasabi noon sa amin ng isang malapit na kaibigan ni Goma, kung gusto mo raw matanggap si Richard bilang tao ay kailangang kilalanin mo muna siya nang lubusan, kung hindi mo raw bibigyan ng pagkakataong makilala ng personal si Goma ay habang panahon mo na lang siyang kaiinisan.

Totoo yun. Pwedeng napakadulas nga ng dila ni Goma sa pagbibigay ng opinyon, pero hindi naman natin siya mahuhusgahang duwag at walang bayag sa pagtaya sa kung ano ang tama at mali, ayon sa kanyang disposisyon.

Ang mga tulad ni Richard kung tutuusin ang kailangan natin, dahil kung tumaya siya ay buuan at hindi kala-kalahati lang, pero hindi nga lahat ay sasang-ayon sa ganung opinyon.

Ang tingin pa rin ng iba kay Richard ay isang artistang nagkukunwaring matalino, isang artistang nagmamalinis at naghihiwalay sa kanyang sarili sa dumi ng showbiz, dahil maselan ang kanyang posisyon bilang showbiz-oriented talk show host.
* * *
Sa aming pananaw at sa pananaw na rin ng iba ay hindi dapat nagpapakawala ng matatalim na komento si Richard sa ere dahil host siya na kailangang palaging nasa gitna lang ng mga isyu.

Hindi naman sa kinakampihan niya ang kung sino ang kanilang iniinterbyu, kundi lumalagay lang siya sa tamang puwesto, dahil ang isang host nga ay tagapamayapa at tagapagpalambot at hindi tagapagpalawak ng away.

Sa puwestong tinanggap ni Goma bilang talk show host ay talagang marami siyang makakabangga at makakaaway, napakadiretso kasi niyang magsalita, ang itim ay itim para sa kanya at ang puti ay puti at hindi maaaring maging ibang kulay.

Hindi masakyan ng iba ang mga ginagawa ni Richard sa ere dahil artista rin kasi siya, mahalay tingnan para sa isang tulad niyang artista rin ang humusga ng kapwa niya artista.

Mas madaling matatanggap ng publiko si Richard bilang isang TV host kung ibang larangan ang kanyang pinagmulan, kung hindi siya kabilang sa lahi ng mga artistang nasasangkot sa kung anu-anong isyu, dahil pangit ngang tingnan na hinuhusgahan ng isang labandera ang trabaho ng kanyang kapwa labandera.

Pero kung pagiging totoo ang pagbabasihan ay kasalu-saludo ang pagiging totoo ni Goma, ang sarap-sarap niyang panoorin habang nagbibigay ng matatalas na komento tungkol sa mga personalidad na nasasangkot sa iba’t ibang usapin.

Hindi kasi umuurong ang bayag ni Goma sa anumang uri ng laban, meron siyang sariling disposisyon, kahit pa purihin o laitin siya ng mundo sa kanyang pinaninindigan.

CONGRESSMAN JULES LEDESMA

CONGRESSMAN WILLY VILLARAMA

GOMA

ISANG

KUNG

RICHARD

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with