^

PSN Showbiz

6 na buwan lang ang kontrata ni Nora sa Dos

RATED A - Aster Amoyo -
Matagal-tagal ding nahinto sa pag-arte ang kaisa-isang superstar na si Nora Aunor na huling napanood sa Sidhi with Albert Martinez and Glydel Mercado which was more than three years ago. Pero sa kabila ng kanyang pagiging inactive sa showbiz, wala pa ring puwedeng umagaw sa kanyang titulong superstar.

Since ang labanan ngayon sa telebisyon ay sa pamamagitan ng teleserye, hindi nag-atubili ang ABS-CBN na alukin si Guy ng sarili nitong soap opera na hindi naman matanggihan ng huli. Gandang-ganda siya sa istorya na sinulat ni Ricky Lee.

Dahil sa paniniwala ni Guy sa kanyang bagong project, ganadung-ganado ito ngayon sa kanyang trabaho. She always comes on time at never na naging cause of delay sa taping tulad ng gustong palabasin ng kanyang mga detractors.

Happy si Guy sa magandang treatment na ibinibigay sa kanya ng management ng Dos. Although six months lamang ang pinirmahang kontrata ng superstar, maaari pa itong mag-extend to another year o kung hindi man, dalawang taon depende na rin sa magiging takbo ng istorya.

At ngayong nasa Dos na si Guy, hindi rin malayong gumawa na rin siya ng pelikula sa bakuran ng Star Cinema na siyang unang nag-alok sa kanya ng pelikulang Dekada na napunta naman sa kanyang karibal at kumareng si Vilma Santos.

Sa muling pagbabalik ni Guy, marami ang nagsasabi na tiyak umanong mabubuhay na naman ang rivalry sa pagitan nila ni Vi.

"Huwag na. Pareho na kaming matatanda ni Mare (Vi) para intrigahin pa. Tama na ‘yung ganito. Hayaan na natin ang rivalry sa mga kabataan. Hindi na uso sa amin ‘yun ni Mare," ani Guy.

Samantala, kung kelan unti-unti na namang nabubuhay ang career ni Guy ay saka naman ito sinisira ni John Rendez na wala na yatang ginawa kundi ang sirain ang imahe ni Guy dahil sa mga gulong kanyang pinapasok. Marami ang nagsasabi at naniniwala na hangga’t hindi kumakalas si Guy sa anumang ugnayan niya sa controversial singer-actor ay ito umano ang magsisilbing kalawang sa career ng superstar. Pero sa parting ito, mukhang bingi si Guy dahil naroon pa rin ang kanyang malasakit kay John na siya umanong dahilan kung bakit lahat ng mga anak ni Guy ay lumayo sa kanya.
* * *
Aksidente lang pala ang pagiging movie producer ni Norine McCullick ng Heraxus Films. Kung hindi pa nagkaroon ng maraming problema ang pelikulang Virgin People 3 na pinamamahalaan ni Celso Ad. Castillo ay hindi siya magiging produ.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, si Dan Barateta umano ang original producer ng pelikula pero along the way ay nagkaroon umano ng maraming problema kaya napilitan si Norine na isalba ang proyekto dahil naniniwala siya rito. Pangalawa, introducing sa pelikula ang anak niyang si Lexus McCullick kaya lalo siyang nagpursige na ipagpatuloy ang pelikula na sinimulan ng iba. In a way, masaya na rin si Norine dahil unti-unti niyang natutunan ang ins and outs ng pagiging isang producer.

"Ganito pala talaga kagulo ang pagpu-produce, pero no regrets dahil marami naman akong natututunan," aniya.

Ang Virgin People 3 ay tinatampukan nina Barbara Milano, Allona Amor at Monina Perez. Nauna rito ang version na pinagbidahan nina Janet Bordon, Myrna Castillo at ang yumaong si Pepsi Paloma. Sumunod naman ang version nina Sharmaine Suarez, Sunshine Cruz at Ana Capri na pare-parehong gumawa ng pangalan.

ALBERT MARTINEZ

ALLONA AMOR

ANA CAPRI

BARBARA MILANO

GUY

KANYANG

NORINE

VIRGIN PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with