Vilma, lalabas sa "Ikaw Lang Ang Mamahalin"
September 10, 2002 | 12:00am
Ikakasal na si Angelika dela Cruz sa Ikaw Lang Ang Mamahalin na malapit nang magwakas.
Magiging engrande ang "kasalan" dahil pangungunahan ni Mayor Vilma Santos ang listahan ng mga ninang at ninong na puro malalaking tao at iginagalang na celebrities ang magiging bahagi gaya nina Rudy Fernandez, Bong Revilla Jr., Rosanna Roces, Armida Siguion Reyna, Mel Tiangco at iba pa. Ang mapalad na lalaki ay si James Blanco na leading man ng magandang aktres sa soap opera.
Painit nang painit ang bawat eksena kung saan tuluyan nang gumaling si Mylene na ginampanan ni Angelika mula sa pagkakaroon ng amnesia. Nagkabalikan sila ni James na tapat na nagmamahal sa kanya sa kabila ng mga balakid.
Ninerbiyos si James dahil aakalain na totoong kasalan ang magaganap lalo na ang babaeng ihaharap niya sa altar ay crush niya sa tunay na buhay.
Sa pagtatapos ng soap opera ngayong Oktubre ay puro papuri ang ibinibigay ng mga executives ng Siyete kay Sunny (palayaw ni Angelika), dahil wala silang naging problema sa kanya. Kahit may dinaramdam ito ay tuloy pa rin ang taping dahil naaawa siya sa mga crew kaya never na ipinapapack-up ang taping. Higit sa lahat, kinagigiliwan siya ng mga senior stars dahil marunong siyang makisama at may respeto sa kanila.
Kaya naman sa pagtatapos ng serye, si Angelika pa rin ang bida sa susunod na soap opera na puro malalaking artista rin ang kasama. Natutuwa naman ang aktres dahil sa patuloy na suportang ipinagkakaloob ng Siyete sa kanya.
Isang taon at kalahati rin ang itinagal ng Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Sa kabilang banda ay may offer ang aktres mula sa isang independent outfit na iri-release internationally para sa isang action movie katambal si Victor Neri. Malamang na ang shooting ay gagawin pa sa Los Angeles.
Hataw pa rin ang kanyang singing career kung saan baka magkaroon siya ng series of shows sa Japan.
May aral sa bahagi ng mga magulang ang Magandang Gabi Bayan noong nakaraang Sabado sa episode na "Mga Batang Sentensyado" na ang karamihan sa mga nakakulong na kabataan ay mga kasong rape ang krimen. Sa gulang na 16 ay nakapatay naman ang isang nakakulong doon dahil sa pagpatay sa principal ng pinapasukang iskwelahan dahil lang sa nasuspinde ito. Nagtanim ng galit ang istudyante nang minsan siyang murahin sa harap ng kanyang magulang. Nang puntahan niya ito sa bahay at humingi ng paumanhin ay hindi siya pinagbigyan kaya nagdilim ang isip at sinaksak ito sa leeg.
Karamihan naman sa mga nang-rape (kabilang sa biktima ang tatlong taong gulang na bata kung saan pinatay pa ito) ay sabog sa ipinagbabawal na gamot.
Kung susuriin ilang mahahalagang dahilan kung bakit nakukulong ang mga kabataan ngayon ay dahil sa kahirapan ng buhay at tuluyang napapabayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak kaya humahanap sila ng ibang kalinga na ang kinasasadlakan ay masamang barkada. Isa ring dahilan ay ang napapanood nila sa pelikula na puro kalaswaan.
Nanghihinayang kami sa actor na ito dahil kung di siya nagpabaya sa kanyang trabaho ay baka ratsada pa rin ito sa pagiging kontrabida.
Balitang nagumon din ito sa ipinagbabawal na gamot kaya nawala sa limelight.
Magaling umarte ang aktor lalo na sa character role dahil nagmana ito sa kanyang ama na isa ring magaling na kontrabida.
Naibulong ng aking source na ngayon ay nakikita ang actor na nagbebenta ng aliw sa mga mayayamang matrona. Makisig din kasi ito at matikas pa ang pangangatawan.
Nanggaling sa pamilya ng mga artista ang mestisong character actor.
PAKIKIRAMAY:
Sa pagpanaw ng ama ng aming kaibigang si Laila Dee na si Antonio Chua na namatay noong Agosto 31 sa Lipa, Batangas.
Magiging engrande ang "kasalan" dahil pangungunahan ni Mayor Vilma Santos ang listahan ng mga ninang at ninong na puro malalaking tao at iginagalang na celebrities ang magiging bahagi gaya nina Rudy Fernandez, Bong Revilla Jr., Rosanna Roces, Armida Siguion Reyna, Mel Tiangco at iba pa. Ang mapalad na lalaki ay si James Blanco na leading man ng magandang aktres sa soap opera.
Painit nang painit ang bawat eksena kung saan tuluyan nang gumaling si Mylene na ginampanan ni Angelika mula sa pagkakaroon ng amnesia. Nagkabalikan sila ni James na tapat na nagmamahal sa kanya sa kabila ng mga balakid.
Ninerbiyos si James dahil aakalain na totoong kasalan ang magaganap lalo na ang babaeng ihaharap niya sa altar ay crush niya sa tunay na buhay.
Sa pagtatapos ng soap opera ngayong Oktubre ay puro papuri ang ibinibigay ng mga executives ng Siyete kay Sunny (palayaw ni Angelika), dahil wala silang naging problema sa kanya. Kahit may dinaramdam ito ay tuloy pa rin ang taping dahil naaawa siya sa mga crew kaya never na ipinapapack-up ang taping. Higit sa lahat, kinagigiliwan siya ng mga senior stars dahil marunong siyang makisama at may respeto sa kanila.
Kaya naman sa pagtatapos ng serye, si Angelika pa rin ang bida sa susunod na soap opera na puro malalaking artista rin ang kasama. Natutuwa naman ang aktres dahil sa patuloy na suportang ipinagkakaloob ng Siyete sa kanya.
Isang taon at kalahati rin ang itinagal ng Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Sa kabilang banda ay may offer ang aktres mula sa isang independent outfit na iri-release internationally para sa isang action movie katambal si Victor Neri. Malamang na ang shooting ay gagawin pa sa Los Angeles.
Hataw pa rin ang kanyang singing career kung saan baka magkaroon siya ng series of shows sa Japan.
Karamihan naman sa mga nang-rape (kabilang sa biktima ang tatlong taong gulang na bata kung saan pinatay pa ito) ay sabog sa ipinagbabawal na gamot.
Kung susuriin ilang mahahalagang dahilan kung bakit nakukulong ang mga kabataan ngayon ay dahil sa kahirapan ng buhay at tuluyang napapabayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak kaya humahanap sila ng ibang kalinga na ang kinasasadlakan ay masamang barkada. Isa ring dahilan ay ang napapanood nila sa pelikula na puro kalaswaan.
Balitang nagumon din ito sa ipinagbabawal na gamot kaya nawala sa limelight.
Magaling umarte ang aktor lalo na sa character role dahil nagmana ito sa kanyang ama na isa ring magaling na kontrabida.
Naibulong ng aking source na ngayon ay nakikita ang actor na nagbebenta ng aliw sa mga mayayamang matrona. Makisig din kasi ito at matikas pa ang pangangatawan.
Nanggaling sa pamilya ng mga artista ang mestisong character actor.
PAKIKIRAMAY:
Sa pagpanaw ng ama ng aming kaibigang si Laila Dee na si Antonio Chua na namatay noong Agosto 31 sa Lipa, Batangas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended