^

PSN Showbiz

Robin di natuloy sa GMA

RATED A - Aster Amoyo -
Para sa mga taga-GMA7, hindi malaking kawalan sa kanila ang paglipat sa ABS-CBN nina Dennis Padilla at Earl Ignacio.

Sa pagkawala ni Dennis sa programang Kool Ko Lang, kinuhang special guest for the month of September si Jomari Yllana at kung magiging maganda ang chemistry nito sa grupo ni Joey Marquez, malamang na gawin din siyang mainstay.

Si Earl naman ay agad pinalitan ng isa pang alaga ni Douglas Quijano na si Antonio Aquitania sa Idol Ko Si Kap.
* * *
Hindi pala tinanggap ni Robin Padilla ang alok ng GMA-7 na maging leading man ni Angelika dela Cruz sa bago nitong soap opera na ipapalit sa Ikaw Lang ang Mamahalin.

Ayon sa isang insider, hindi umano nagkasundo ang magkabilang panig sa budget na hinihingi ni Binoe.

Gusto pa naman sana ni Binoe na muling makatrabaho si Angelika na una niyang naging kapareha sa isang movie.

Bukod kay Angelika, makakasama rin sana ng action star si Ruffa Gutierrez na nagkaroon din ng ugnayan sa kanya noon.
* * *
Aminado si Patricia Javier na loveless pa rin siya hanggang ngayon. Pero hindi naman umano ito nangangahulugan na hindi siya masaya dahil super busy siya sa trabaho.

Dala-dalawa ang pelikulang pinagkakaabalahan niya ngayon ang Jumbo Day sa Viva Films at ang Malayo Man, Malapit Din ng MMG Films kung saan niya parehong kabituin ang presidential son na si Mikey Arroyo.

Hindi man si Patricia ang kapareha ni Mikey sa Jumbo Day, pareho pa rin umano ang treatment na ipinakikita sa kanila ng panganay ni Pangulong GMA.

"Mabait, down to earth at thoughtful si Mikey. Sayang nga lang at may asawa na siya," may pagkapilyang sambit ng sexy star.
* * *
Kasalukuyang nasa Amerika si Pops Fernandez for a series of concerts na may kinalaman sa kanyang ika-20 taon sa entertainment business.

Pinamagatang Pops 2002, mapapanood si Pops ngayong September 13 sa San Diego Civic Theater at sa Grand Olympic Auditorium on September 14. Sa dalawang concert ay special guest niya sina Robin Padilla at Aiai delas Alas. Ang dalawang nasabing concert ay produce ng KATZ Entertainment at Silverstar Entertainment na parehong naka-base sa Los Angeles, California.

Samantala, second chance na bale ni Robin na makarating ng Amerika. Earlier this year, isinama rin siya ni Pops sa kanyang concert doon. Si Pops bale ang tumulong kay Robin para makakuha ito ng US visa. Naging magkabarkada ang dalawa nang dahil sa kapatid ni Robin na si Rustom Padilla na isa rin sa closest friends ni Pops.

Speaking of Rustom, bakit hindi na lang si Pops ang kanyang ligawan? After all, pareho na silang libre sa kanilang respective previous commitments. Hindi rin naman siguro aalma sina Martin Nievera at Carmina Villaroel na kapwa na masaya sa kanilang present loves na sina Katrina Ojeda at Zoren Legaspi.

Bakit nga ba hindi na lang sina Pops at Rustom? Tutal bagay silang dalawa at natitiyak naming hindi kokontra si Robin na para na ring kapatid ang turing kay Pops.

Tahimik ngayon ang respective camps nina Kris Aquino at Joey Marquez ganundin naman si Alma Moreno. Mabuti na nga siguro ‘yung pare-pareho silang tahimik dahil tiyak na tatahimik din ang isyu tungkol sa kanilang tatlo.
* * *
Email: [email protected]

ALMA MORENO

ANGELIKA

CENTER

JOEY MARQUEZ

JUMBO DAY

POPS

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with