^

PSN Showbiz

Ibang klase si daboy!

RATED A - Aster Amoyo -
Nakakataba ng puso kapag personal kang nakakatanggap ng tawag mula sa isang artista para magpasalamat dahil sa isang item na naisulat sa kanila at isa sa mga ito ay si Rudy Fernandez.

Kararating lang ni Daboy mula sa kanilang two-day trip to San Francisco, California ng kanyang misis na si Lorna Tolentino nang mabasa niya ang item na naisulat namin sa kanya dito sa PSN na may kinalaman sa Daboy en Da Girl nang makatanggap kami ng tawag mula sa kanya.

"Salamat, mare," bungad niya sa kabilang linya na ang akala pa namin ay tawag galing sa Amerika.

"Nabasa ko ‘yung sinulat mo sa Pilipino Star, maraming salamat ha," patuloy niya.

Actually, si Daboy ay isa lamang sa ilan sa mga celebrity na marunong magpahalaga kahit sa mumunting nasusulat tungkol sa kanya at dito ay lalo niya kaming pinahanga. Bibihira kasi sa mga showbiz personalities ang marunong magpasalamat sa mga movie writers. Kantihin mo sila nang kaunti ay masama ka na sa kanila at kakalimutan na ang magagandang bagay na nasulat mo sa kanila in the past.

Sa mga nagdaang taon ay lalo lamang siyang napapalapit sa amin at sa maraming movie writers dahil sa kanyang pagiging totoo sa kanyang pakikitungo sa kanyang kapwa at ito’y mapapatotohanan din ng ating mga kasamahan sa panulat tulad nina Tito Ross Celino, Rowena Agilada at iba pa.

Maraming pagkakataon na ring na-witness namin ang kabutihan ni Daboy kahit sa mga taong hindi niya kilala. There was even a time that he went out of his way para puntahan ang burol ng isang fan niya somewhere in Bulacan at tinulungan pa niya ang pamilya ng namatayan lalupa’t mahirap lang ito.

Samantala, napag-alaman namin kay Daboy na sinimulan na niya last Thursday ang kanyang second movie sa taong ito, ang Uno Corinto na muling ididirek ni Edgardo ‘Boy’ Vinarao, this time for Reflection Films. Ito’y tinatampukan din nina Ara Mina, Carlos Morales, Janine Desiderio at iba pa at nakatakdang ilahok sa darating na Metro Manila Film Festival.
* * *
Ano nga ba ang real score between Dingdong Dantes at Tanya Garcia?

Contradicting ang mga balitang nasasagap namin. Nariyang more than friends ang tinginan ng dalawa at may nagsasabi naman na ang kanilang sweetness ay sa soap opera lang napapanood pero off-cam ay iba ang kanilang pakita.

May mga nagsasabi na tuloy pa rin umano ang relasyon ni Dingdong sa kanyang (dating?) girlfriend na si Antoinette Taus habang si Tanya naman ay may ibang manliligaw na taga-showbiz din. Pero may mga nagsasabi naman na kung ano umano ang sweetness na ipinapakita ng dalawa sa kanilang sinusubaybayang teleserye na Sana ay Ikaw Na Nga ay ganundin umano sa likod ng kamera na hindi naman katakatakang mangyari dahil madalas nilang pagsasama sa taping at sa iba pang okasyon.

"We’re just friends," ang palasak nang showbiz lines na madalas sabihin nina Dingdong at Tanya sa tuwing sila’y tinatanong sa real score ng kanilang relasyon.
* * *
Si Maui Taylor ang pinakabagong build-up sexy star sa bakuran ng Viva Films after Rica Peralejo. Naging malaking tagumpay ang launching movie niyang Gamitan. Since Contract star din ng Viva si Rica, minabuti ng film company na pagsamahin ang dalawang sexy star sa pelikulang Hibla na pinamamahalaan ni Yam Laranas. Bukod kina Rica at Maui, tampok din sa Hibla sina Ricky Davao, Antonio Aquitana at ang nagbabalik na si Tina Monasterio.

Dahil sa pagsasama sa pelikula nina Rica at Maui, hindi kami magtataka kung sila’y pagsasabungin bagay na dapat paghandaan ng dalawang sexy.
* * *
Simula kagabi (September 6), September 7 at 8, matutunghayan na sa CCP Main Theater ang pagpupugay sa mga national artists na sina Levi Celerio, Atang de la Rama at Maestro Lucio San Pedro sa pamamagitan ng isang musical show na tatampukan ng mahigit 30 kilalang mang-aawit ng bansa. Pinamagatang Lagi Kitang Naaalala, ito’y ididirek ni Chris Millado with Chino Toledo as musical director. Ang kikitain ng three-day tribute concert ay gagamitin para sa pagpapatayo ng Museum/Gallery for National Artists na kung saan idi-display ang kanilang mga likha at memorabilia.
* * *
Email:[email protected]

vuukle comment

ANTOINETTE TAUS

ANTONIO AQUITANA

ARA MINA

CENTER

DABOY

NIYA

RICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with