Ina, Priscilla pakanta-kanta na lang!
September 6, 2002 | 12:00am
Kung kailan mabenta ang mga sex movies ay saka pa nagpasyang mag-lay low ang dalawa sa pinaka-daring na bold stars sa local movies sina Priscilla Almeda at Ina Raymundo. Matatandaan na hindi basta-basta bold movies ang ginawa ng dalawa. Ang Burlesk Queen ni Ina ay gumawa ng malakas na ugong samantalang ang Sutla ni Priscilla ay umabot pa ng Senado.
Pag-ibig ang pangunahing dahilan ng pagbabago ng imahe ng dalawang bold queens. Nabuntis si Ina ng kasintahang si Brian Poturnak nung nasa abroad siya. Naipasya nila ng kanyang kasintahan na sa Canada na siya magsilang, sa piling ng pamilya ni Brian. Sampung buwan na ang anak nilang si Erika Rae.
Nagsu-shooting naman ng Batang Westside sa US si Priscilla nang makatagpo ng pag-ibig sa katauhan ni Shoff Ricablanca, isang Fil-Am na medical technician sa isang ospital sa New York. Nang umuwi ang cast ng ginagawa niyang movie, hindi na siya sumama. Nagbuntis siya at dun na rin isinilang ang kanilang first baby, si Maria Tippi Farrel.
Andito na sila ngayon pareho, shy nang mag-bold, kundi man dahilan sa kanilang bagong katayuan sa buhay ay dahilan sa kanilang mga anak. Sa malas, kuntento na sila sa soap opera, si Ina sa Pangako Sa Yo at si Priscilla sa Sa Puso Ko, Iingatan Ka.
Pareho silang may tinatapos na album, sa kumpanya ni G. Howard Dy, ang Dyna Music. Kaugnay nito, maghaharap ang dalawa sa isang singing showdown, kaugnay ng kanilang simultaneous promo tour. Ngayong Biyernes, 4 nh, sa SM City North Edsa. Sino ang mas magaling? Kayo na ang humusga.
Di na ako worried. Pabayaan man ako ng mga anak ko sa aking katandaan. Mayroon na kaming mapupuntahan ng asawa ko, isang matatawag na tahanan na kakalinga sa mga may edad na, isang home for the aged na sinisimulan nang planuhin sa pamumuno ni Ricky Reyes, isang beauty salon magnate at isang matatawag na pilantropo na walang tigil sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.
Isang matagal nang kaibigan si Mother Ricky na muli kong nakita sa ika-apat na anibersaryo ng Munting Paraiso, isang wing sa Philippine General Hospital na nakalaan para sa mga may sakit na cancer. Dito nagbibigay ng tulong ang aking kaibigan. Sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng panibagong pag-asa ang mga may karamdaman na tanggap nating mahirap nang pagalingin. Pinaliwanag ang dati ay madilim na kapaligiran. Sa pamamagitan ng tulong ng mga may mabubuting kalooban, dumagsa ang mga gamot, tulong na pinansyal, mga pagkain. Natuto ring pangalagaan ng mga may cancer ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga staff ng Ricky Reyes Salons na regular na pumupunta dun para gupitan at ayusan ang mga may sakit.
Nagkaroon ng isang maikling musical program na sinalihan ng ilang mga entertainers. Dumating din si Ruffa Gutierrez para pasayahin ang mga may karamdaman at magbigay ng mga regalong pagkain at gamot.
Sa saya na nakita ko na ipinamalas ng mga may sakit ng cancer, ang panahon, at konting halaga na maibabahagi natin sa kanila ay isa nang malaking bagay para maging masaya ang kanilang bilang ng panahon sa mundo. Tinatawagan ko ang mga may mabubuting puso to give your share to the cancer victims ng PGH. Maniwala kayo, nakakapagpasaya ito ng puso.
Samantala, mismong si Mother Ricky ang pumili ng mga winners sa "Star Salon" contest na ginanap sa Beauty Plus Sun., 11-12 pm RPN 9. Ang mga ito ay myembro ng Fil-Hair Co-Op, sila ay sina Peping de Guzman, 1st; Meinard Gicomo (2nd) at Manny Tolentino (3rd). Nanalo sila ng P5000, P3000 at P2000.
Kasabay ng awarding ay ang paglulunsad ng "Search For Kolour Masters" (tungkol sa pagkukulay ng buhok). Joint venture ito ng Splash at Scriptovision.
Pag-ibig ang pangunahing dahilan ng pagbabago ng imahe ng dalawang bold queens. Nabuntis si Ina ng kasintahang si Brian Poturnak nung nasa abroad siya. Naipasya nila ng kanyang kasintahan na sa Canada na siya magsilang, sa piling ng pamilya ni Brian. Sampung buwan na ang anak nilang si Erika Rae.
Nagsu-shooting naman ng Batang Westside sa US si Priscilla nang makatagpo ng pag-ibig sa katauhan ni Shoff Ricablanca, isang Fil-Am na medical technician sa isang ospital sa New York. Nang umuwi ang cast ng ginagawa niyang movie, hindi na siya sumama. Nagbuntis siya at dun na rin isinilang ang kanilang first baby, si Maria Tippi Farrel.
Andito na sila ngayon pareho, shy nang mag-bold, kundi man dahilan sa kanilang bagong katayuan sa buhay ay dahilan sa kanilang mga anak. Sa malas, kuntento na sila sa soap opera, si Ina sa Pangako Sa Yo at si Priscilla sa Sa Puso Ko, Iingatan Ka.
Pareho silang may tinatapos na album, sa kumpanya ni G. Howard Dy, ang Dyna Music. Kaugnay nito, maghaharap ang dalawa sa isang singing showdown, kaugnay ng kanilang simultaneous promo tour. Ngayong Biyernes, 4 nh, sa SM City North Edsa. Sino ang mas magaling? Kayo na ang humusga.
Isang matagal nang kaibigan si Mother Ricky na muli kong nakita sa ika-apat na anibersaryo ng Munting Paraiso, isang wing sa Philippine General Hospital na nakalaan para sa mga may sakit na cancer. Dito nagbibigay ng tulong ang aking kaibigan. Sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng panibagong pag-asa ang mga may karamdaman na tanggap nating mahirap nang pagalingin. Pinaliwanag ang dati ay madilim na kapaligiran. Sa pamamagitan ng tulong ng mga may mabubuting kalooban, dumagsa ang mga gamot, tulong na pinansyal, mga pagkain. Natuto ring pangalagaan ng mga may cancer ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga staff ng Ricky Reyes Salons na regular na pumupunta dun para gupitan at ayusan ang mga may sakit.
Nagkaroon ng isang maikling musical program na sinalihan ng ilang mga entertainers. Dumating din si Ruffa Gutierrez para pasayahin ang mga may karamdaman at magbigay ng mga regalong pagkain at gamot.
Sa saya na nakita ko na ipinamalas ng mga may sakit ng cancer, ang panahon, at konting halaga na maibabahagi natin sa kanila ay isa nang malaking bagay para maging masaya ang kanilang bilang ng panahon sa mundo. Tinatawagan ko ang mga may mabubuting puso to give your share to the cancer victims ng PGH. Maniwala kayo, nakakapagpasaya ito ng puso.
Samantala, mismong si Mother Ricky ang pumili ng mga winners sa "Star Salon" contest na ginanap sa Beauty Plus Sun., 11-12 pm RPN 9. Ang mga ito ay myembro ng Fil-Hair Co-Op, sila ay sina Peping de Guzman, 1st; Meinard Gicomo (2nd) at Manny Tolentino (3rd). Nanalo sila ng P5000, P3000 at P2000.
Kasabay ng awarding ay ang paglulunsad ng "Search For Kolour Masters" (tungkol sa pagkukulay ng buhok). Joint venture ito ng Splash at Scriptovision.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended