Kinakaliwa ng basketbolista ang sikat ding aktres
September 4, 2002 | 12:00am
Matagal din ang naging relasyon ng dalawang celebrities na itoisang sikat na basketbolista at sikat ding aktres. Naging maganda ang kanilang samahan kung saan nagtayo pa sila ng sariling negosyo. Marami nga ang nag-akala na magpapakasal na silang dalawa dahil matatag na ang kanilang kabuhayan.
Pero sabi nga minsan ay mapagbiro ang tadhana. Balitang nagkalabuan na ang dalawa dahil may third party involved at di kaya ng sikat na aktres na siyay kinakaliwa ng kanyang lover. Ang ending hiwalay na ang dalawa ayon sa isang source.
Natawa ako sa kwento ng isang reliable source tungkol kay Cherie Gil. Ayon sa premyadong kontrabida ay natakot ito sa mata ni Nora Aunor nang minsang magkaroon sila ng confrontation scene sa taping ng Bituin.
Nang magkaroon sila ng eye contact ay nanginig si Cherie. Para raw tumatalab ang mga mata nito at ang galing talagang umarte. Napaka-expressive talaga ng mga mata ni Nora.
Sa kabilang banda, bukod sa TV series ay may gagawin pang pelikula si Guy. Sana naman ay magtuluy-tuloy na ito at iwasan na ang pagiging unprofessional.
Sa dami ng nakakausap ko tungkol kay Maui Taylor ay walang naniniwala na hindi retokado ang kanyang boobs. Paano raw sa ilang eksena sa Gamitan ay nakita nilang hindi man lang gumalaw ng husto ang boobs nito habang nakikipagromansa sa kama. Parang kay tigas ng kanyang dibdib. Wala naman daw masama sakaling aminin niya ito pero talagang pinangangatawanan ni Maui na orig ang boobs niya.
Mapalad naman siya dahil kumita ang kanyang launching movie kaya may follow-up na ito kasama si Rica Peralejo.
Nagsyuting sa Baguio sina Lana Asanin at Ronald Gan para sa pelikulang Humanda Ka Hudas. Maraming nakapansin na totoo ngang may namumuong relasyon sa dalawa. Sobra ang concern ng action star sa kanyang leading lady. Asikasung-asikaso niya ito sa maraming bagay.
Tinanong namin si Ronald kung totoo ngang nililigawan niya si Lana. "Wala naman sigurong masama kung ligawan ko siya dahil binata naman ako at dalaga siya. Taglay din niya ang mga katangiang hinahanap ko sa isang babae. Naghahanap na rin ako ng magiging nobya ngayon. Im not getting any younger kaya sana nga ay makita ko na ang dream girl ko," aniya.
"Sobra ang pag-aasikaso niya sa akin kaya nahuhulog ang loob ko sa kanya. Baka nga ma-in love ako sa kanya," pahayag naman ni Lana.
May kissing scene ang dalawa sa Humanda Ka Hudas.
Natapos na rin ni Ronald ang pelikulang Stuntman (Buhay ang Puhunan) ng LED Cinema katambal si Jessa Zaragoza.
Mababa pala ang luha ni Sherwin Ordoñez. Nang malamang papatayin na ang karakter niya sa Ikaw Lang ang Mamahalin bilang isa sa leading man ni Angelika dela Cruz ay nag-iiyak ito. Napamahal na kasi sa kanya ang teleserye at naging ka-pamilya ang mga kasamahang artista dito lalo na si Angelika kung saan dahil sa pagiging malapit sa isat isa ay na-link pa nga ito sa kanya.
May programa pa rin si Sherwin titled Click at umaasa na sanay mabigyan din ng pagkakataong makalabas sa pelikula. May ibubuga naman sa pag-arte ang young actor kaya sinusuportahan ng GMA-7.
Nagpaligsahan talaga sa pag-awit ang mga singers at komedyante sa Back-To-Back-To-Back na pinakaaabangang segment ng SOP. Naunang kumanta si Janno Gibbs na sinundan ni Jaya. Ang galing ding umawit ni Allan K sa pormal na kasuotan at halatang may make-up. May K din sa pag-awit si Arnell Ignacio at di pa rin nagbabago ang kanyang tinig. Pinakahuling umawit si Regine Velasquez na bukod sa boses ay maganda ring magdala ng damit. Masasabing class na class ang dating ng programa.
Pero sabi nga minsan ay mapagbiro ang tadhana. Balitang nagkalabuan na ang dalawa dahil may third party involved at di kaya ng sikat na aktres na siyay kinakaliwa ng kanyang lover. Ang ending hiwalay na ang dalawa ayon sa isang source.
Nang magkaroon sila ng eye contact ay nanginig si Cherie. Para raw tumatalab ang mga mata nito at ang galing talagang umarte. Napaka-expressive talaga ng mga mata ni Nora.
Sa kabilang banda, bukod sa TV series ay may gagawin pang pelikula si Guy. Sana naman ay magtuluy-tuloy na ito at iwasan na ang pagiging unprofessional.
Mapalad naman siya dahil kumita ang kanyang launching movie kaya may follow-up na ito kasama si Rica Peralejo.
Tinanong namin si Ronald kung totoo ngang nililigawan niya si Lana. "Wala naman sigurong masama kung ligawan ko siya dahil binata naman ako at dalaga siya. Taglay din niya ang mga katangiang hinahanap ko sa isang babae. Naghahanap na rin ako ng magiging nobya ngayon. Im not getting any younger kaya sana nga ay makita ko na ang dream girl ko," aniya.
"Sobra ang pag-aasikaso niya sa akin kaya nahuhulog ang loob ko sa kanya. Baka nga ma-in love ako sa kanya," pahayag naman ni Lana.
May kissing scene ang dalawa sa Humanda Ka Hudas.
Natapos na rin ni Ronald ang pelikulang Stuntman (Buhay ang Puhunan) ng LED Cinema katambal si Jessa Zaragoza.
May programa pa rin si Sherwin titled Click at umaasa na sanay mabigyan din ng pagkakataong makalabas sa pelikula. May ibubuga naman sa pag-arte ang young actor kaya sinusuportahan ng GMA-7.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended