^

PSN Showbiz

Bakit ba, Mother Ricky?

-
Hindi lamang ang pagiging mabuting anak at kapatid ang dahilan ng di na mapigil na tagumpay niya sa buhay. Bukod sa pagiging masipag niya at matiyaga hindi siya tumitigil upang mapabuti ang kanyang craft.

Ehemplo ang hair straightening. Ngayon ay may Straight Perm (nagpapaunat sa mga natural na buhok na kulot) na hindi nagpaparupok ng buhok at tumatagal ang pagkaunat nito. Tuwang-tuwa si Ruffa Gutierrez nang makita ang resulta ng pagkaunat sa kanyang buhok. Natural na natural na nagpalutang lalo sa kanyang kagandahan. Si Ruffa ang unang image model ng Gandang Ricky Reyes.

Sa kanyang success ay lagi niyang ibinabahagi sa iba. Ang kanyang unang project noon para sa mahihirap ay ang Isang Gunting, Isang Suklay na nagtuturo ng paggupit, pagkukulot at marami sa mga nagsipagtapos ang ngayon ay may sarili na ring parlor at kumikita na ng sapat para sa kani-kanilang pamilya. Mayroon na rin siyang Ricky Reyes Beauty School na mula sa Anonas sa QC ay may branch na ngayon sa Quiapo, sa site ng dating Realistic Beauty Salon. Hindi pa rin siya tumigil doon. May Computer School na rin siya dahil alam niyang ngayon ay computer age na at malaki ang advantages ng may kaalaman dito.

Marami ng branches ang parlor ni Ricky Reyes na lahat ay dinudumog ng mga kostumer. Habol nila ang gandang Ricky talaga. At lahat ng branches na iyan ay personal na isinu-supervise ni Mother. Hindi siya nagpapa-franchise. Mas kumportable siya na sarili niyang lahat ang kanyang mga tauhan at nasusunod ang nai-set niyang mataas na standard ng kanyang pagpapaganda sa mga suki.

Hindi pa nagkasya si Mother Ricky sa pagpapakalat ng biyaya sa iba sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng karunungang pampaganda. Sumusuporta rin siya sa mga cancer patients, pangunahin ay sa Philippine General Hospital. Nangunguna sa kanyang pagtulong ay ang mga bata, aniya pa. So helpless daw ang mga bata na kung hindi kayang ipagamot ng mga magulang ay paano na?

At sa kabilang dako rin ay ang mga matatanda. Inaalaala niya ang mga magulang, lolo, lola na hindi na kayang kalingain ng mga kaanak dala ng kahirapan ng buhay. Nakikita niyang hindi sapat ang pampamahalaang bahay ampunan para sa kanila. Kaya aniya, bibigyan niya sila ng pansin. Sa kanyang agency ay isa sa prayoridad niya ang home for the aged and infirmed. Ang paglilingkod daw sa mga ito’y para na ring pagbibigay niya ng tulong sa matatanda ng kanyang pamilya.

Sana dumami pa ang tribu ni Mother Ricky. Lahat sana ng mga mapapalad na katulad niya’y hindi nagdaramot na i-share sa iba ang kanilang tinamong tagumpay. Mimi Citco

GANDANG RICKY REYES

ISANG GUNTING

ISANG SUKLAY

KANYANG

MAY COMPUTER SCHOOL

MIMI CITCO

MOTHER RICKY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with