Mystica at Diwata okey na
September 2, 2002 | 12:00am
Grabe talaga ang naging balitaktakan nina Mystica at Diwata sa programang The Buzz last Sunday. Nandoon kami mismo sa loob ng studio at saksi kami sa naganap na balitaktakan. Pinagharap ng live ang dalawa, with matching two security guards na naka-polo barong.
Bugawan ang isyung pinagtalunan. Inakusahan ni Diwata ang kaibigang si Mystica na ibinubugaw diumano sa isang anak ng congressman. Mahigpit itong pinabulaanan ni Tikay at nagsabing, kailanman ay wala pa siyang ibinugaw na tao, much more isang kaibigan pa mandin.
Inamin ni Tikay na ipinakilala niya sa kaibigang anak ng kongresista si Diwata. "Pero sapat na bang dahilan yun para sabihing ibinubugaw ko siya? Kapag ba may ipinakilalang lalaki sa kanya, pakiramdam niya bugawan na agad yun?
"Hindi ko naman inisip na ganoon kakitid ang mentalidad niya. Abay nasa may katawan na, kung pagkatapos nilang magkakilala, madebelop sila sa isat isa, wala na akong kinalaman doon.
"Bakit may tinanggap ba akong pera para sabihin niyang ibinugaw ko siya? Matagal ko nang kaibigan ang kongresista at ang pamilya nito. Naikot ko na halos ang buong Quezon para mag-show, sa paanyaya nila. Kabiruan ko na silang lahat doon.
"Aaminin kong marami na akong pinagdaanang intriga at kontrobersya in the past, pero huwag naman akong akusahan ng pambubugaw. Hindi ako yun, hindi ko kailanman gagawin yun.
"Marami naman akong natatanggap na blessing mula sa Itaas. Hindi naman ako nawawalan ng raket bakit ko gagawin yun. Kahit siguro dumating ang oras na dumalang ang trabaho, I will never be a pimp! Marami pa naman sigurong puwedeng pagkakitaan ng marangal diyan, no!" Anyway, kamuntik na silang magpang-abot ni Diwata habang nagsasagutan sa programa nina Boy Abunda at Kris Aquino. Dalawang ulit na sumugod si Tikay sa lugar ni Diwata, naaawat lang siya ng mga host ng show, katulong ang dalawang nakatalagang securities.
Halos pasigaw na ang sagutan ng dalawang kontrobersyal singers, halos hindi na namin maintindihan ang mga sinasabi nila. (Ulat ni BDC)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
14 hours ago
14 hours ago
Recommended