Daboy may malasakit pa rin kay Alma
September 1, 2002 | 12:00am
Nanatiling mabuting magkaibigan sina Alma Moreno, Lorna Tolentino at Rudy Fernandez, kaya ngayong nasa gitna ng labanan at problema si Ness ay nag-aalala si Daboy lalo na sa kalusugan nito.
Ayon sa aking source, kinausap na ng action star ang aktres at nag-offer ng tulong gayundin si LT. May nagtanong tuloy kung di ba nagseselos si LT. Sabi raw ni Alma ay "Love ko si LT dahil minahal niya ang aking anak na si Mark at itinuring din niya itong parang tunay na anak. Hindi siya magseselos dahil parang magkapatid na lang ang turingan namin ni Daboy. Nagpapasalamat ako sa concern na ibinibigay nila sa akin."
Idinagdag pa ng aking source na kahit may mga offer kay Ness para sa teleserye ay tinatanggihan na niya ito. "May problema na nga ako ay madrama pa ang lalabasan ko. Mas gugustuhin ko pang lumabas ngayon sa sitcom," sabi raw ni Ness.
Marami ngayong nagpapalipad-hangin sa magandang aktres at minsan nga ay itinukso siya kay Sec. Nanie Perez na umanoy nagpadala sa kanya ng bulaklak. Pero pinabulaanan naman ang tsismis ni Ness at sinabing wala siyang natatanggap na bulaklak mula sa Justice Secretary.
Simpleng tao lang si Aljo Bendijo. Simple rin ang uri ng pamumuhay. Mula sa pagiging reporter sa ABS-CBN (Davao) ay napadpad siya ng Maynila sa tulong ni Arlene de Castro. "Isandaan kaming aplikante noon sa Davao at apat lang kaming nakapasa. Problema ko ang aking boses dahil maliit ito at parang totoy ang nagsasalita. Nang sabihing ililipat ako sa ABS-CBN (Manila) ay na-challenge ako at nagpraktis para mapalaki ang boses. Wala akong ginawa kundi humarap sa salamin at magsanay araw-araw hanggang sa ma-develop ako sa pagsasalita. Nang mag-live-report na ako kay Noli de Castro (Davao) ay sinabihan ako ni Arlene na ihanda ko ang aking sarili, mag-aral ng Tagalog dahil luluwas na ako ng Maynila at naganap ito noong Marso 5 last year," pagbabalik tanaw niya.
Ano ang mga pagbabago sa kanyang buhay ngayong sikat na siya? "Umuuwi ako ng Davao once a month at very proud naman sila sa akin. Kapag walang trabaho ay nasa bahay lang ako dahil wala naman akong barkada at delikado pa ang lumabas ng bahay sa panahong ito. Noon, kapag umuuwi ako ng bahay ay umiinom din ako ng alak pero hindi naman yung magpapakalasing ka pampaalis lang ng pagod. Ngayon ay di na ko pwedeng uminom sa tabi-tabi dahil baka may makakita lalo na kapag sumuka ako," aniya.
May nobya na siya na isa ring reporter sa Davao at apat na taon na ang kanilang relasyon. Pero malayo pa silang magpakasal dahil marami pa siyang pangarap sa buhay gaya ng pagkakaroon ng sariling bahay.
Sino pa ang pangarap niyang mainterbyu? "Sana mainterbyu ko si Bin Laden o si Abu Sabaya kung buhay pa siya. Tiyak na malaking istorya ito di ba?" dagdag pa ni Aljo.
Magkasama sila ni Catherine de Castro o Katkat sa Magandang Umaga Bayan (MUB) at maraming nagsasabing bagay silang pareha.
Akala ng iba ay nawala na sa soap opera na Kung Mawawala Ka si Jay Manalo dahil matagal-tagal ding hindi nila ito napanood. Nagkaroon ng shows sa Amerika si Jay at halos isang buwan din itong tumagal doon. Ngayong nakabalik na ay balik-taping na naman siya sa teleserye.
Pero nasermunan siya ni Direk Joel Lamangan dahil laging late na naman ito sa taping. Tinanggap naman ng aktor ang lahat ng sinabi ni direk at sinabing babawasan na niya ang nightlife para hindi na gumigising ng tanghali kaya nali-late sa kanyang commitment.
Tinatapos na ni Jay ang pelikulang Paraisong Parisukat katambal ang ex-girlfriend na si Joyce Jimenez.
Gaya nang inaasahan, kumita sa takilya sa opening day ang pelikulang Derailed na pinagbibidahan ni Jean Claude Van Damme.
Ayon sa mga nakapanood ay makapigil-hininga ang eksena tungkol sa labanan ni Vam Damme at mga terorista sa rumaragasang tren. Muling pinatunayan ng Hollywood action star ang lakas nito sa takilya sa pagiging number one martial arts hero. Palabas pa rin hanggang ngayon ang Derailed na release ng Solar Films.
Ayon sa aking source, kinausap na ng action star ang aktres at nag-offer ng tulong gayundin si LT. May nagtanong tuloy kung di ba nagseselos si LT. Sabi raw ni Alma ay "Love ko si LT dahil minahal niya ang aking anak na si Mark at itinuring din niya itong parang tunay na anak. Hindi siya magseselos dahil parang magkapatid na lang ang turingan namin ni Daboy. Nagpapasalamat ako sa concern na ibinibigay nila sa akin."
Idinagdag pa ng aking source na kahit may mga offer kay Ness para sa teleserye ay tinatanggihan na niya ito. "May problema na nga ako ay madrama pa ang lalabasan ko. Mas gugustuhin ko pang lumabas ngayon sa sitcom," sabi raw ni Ness.
Marami ngayong nagpapalipad-hangin sa magandang aktres at minsan nga ay itinukso siya kay Sec. Nanie Perez na umanoy nagpadala sa kanya ng bulaklak. Pero pinabulaanan naman ang tsismis ni Ness at sinabing wala siyang natatanggap na bulaklak mula sa Justice Secretary.
Ano ang mga pagbabago sa kanyang buhay ngayong sikat na siya? "Umuuwi ako ng Davao once a month at very proud naman sila sa akin. Kapag walang trabaho ay nasa bahay lang ako dahil wala naman akong barkada at delikado pa ang lumabas ng bahay sa panahong ito. Noon, kapag umuuwi ako ng bahay ay umiinom din ako ng alak pero hindi naman yung magpapakalasing ka pampaalis lang ng pagod. Ngayon ay di na ko pwedeng uminom sa tabi-tabi dahil baka may makakita lalo na kapag sumuka ako," aniya.
May nobya na siya na isa ring reporter sa Davao at apat na taon na ang kanilang relasyon. Pero malayo pa silang magpakasal dahil marami pa siyang pangarap sa buhay gaya ng pagkakaroon ng sariling bahay.
Sino pa ang pangarap niyang mainterbyu? "Sana mainterbyu ko si Bin Laden o si Abu Sabaya kung buhay pa siya. Tiyak na malaking istorya ito di ba?" dagdag pa ni Aljo.
Magkasama sila ni Catherine de Castro o Katkat sa Magandang Umaga Bayan (MUB) at maraming nagsasabing bagay silang pareha.
Pero nasermunan siya ni Direk Joel Lamangan dahil laging late na naman ito sa taping. Tinanggap naman ng aktor ang lahat ng sinabi ni direk at sinabing babawasan na niya ang nightlife para hindi na gumigising ng tanghali kaya nali-late sa kanyang commitment.
Tinatapos na ni Jay ang pelikulang Paraisong Parisukat katambal ang ex-girlfriend na si Joyce Jimenez.
Ayon sa mga nakapanood ay makapigil-hininga ang eksena tungkol sa labanan ni Vam Damme at mga terorista sa rumaragasang tren. Muling pinatunayan ng Hollywood action star ang lakas nito sa takilya sa pagiging number one martial arts hero. Palabas pa rin hanggang ngayon ang Derailed na release ng Solar Films.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended