^

PSN Showbiz

Jologs, Gamitan naglalaban para sa P.5-M

- Veronica R. Samio -
Alin kaya sa Jologs at Gamitan ang mapipiling Best Picture for the month of August at tatanggap ng P500,000 mula sa pondo na ipinagkaloob ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa industriya ng pelikula?

Parehong box office hits ang dalawang pelikula. Bold ang isa at bagets movie naman ang ikalawa. Magagaling ang direktor ng movies, si Quark Henares sa Gamitan at si Gilbert Perez sa Jologs. Dalawang newcomers ang featured sa pelikula ni Quark, sina Maui Taylor at Jordan Herrera na parehong nagpakita ng potensyal sa pag-arte. Star studded naman ang Jologs with Baron Geisler stealing the thunder from his co-stars.
*****
Very proud si Phillipson Chua na ilibot kami sa Club V, isang membership club na matatagpuan sa dating lugar ng Louie THX, ngayon ay Premiere Cinema na at nagpapalabas ng mga mula sa dalawa hanggang sa tatlong pelikula araw-araw.

"Kami lang ang sinehan na gumagawa nito, ang magpalabas ng hanggang sa tatlong pelikula araw-araw," pagmamalaki ni G. Chua na pinasyalan namin nung Huwebes ng gabi nina Letty Celi, Nora Calderon at Joseph dahilan sa hindi kami nakasipot sa kanyang kaarawan na dun din ginanap sa Mile Long sa Amorsolo St., Makati. Dahilan sa kaabalahan niya sa nasabing lugar kung kaya isang beses sa isang linggo na lamang siya matatagpuan sa kanyang opisina sa Gotesco Theater.

Marami namang nanood ng Signs, ang pelikulang ipinalalabas nung dumating kami. He was inviting us para sa 10:30 showing ng Austin Powers pero, tumanggi kami dahilan sa napakalayo ng Makati sa aming mga inuuwian sa Quezon City.

Nanatili pa rin ang Premiere Cinema na nagtataglay ng isa sa pinakamagandang sound system sa bansa at isa rin sa pinakamalamig.

AMORSOLO ST.

AUSTIN POWERS

BARON GEISLER

BEST PICTURE

CLUB V

GAMITAN

GILBERT PEREZ

JOLOGS

PREMIERE CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with