Dahil sa boyfriend, Isabel ibinasura na ang ina ?
August 31, 2002 | 12:00am
Marami sa mga nakakakilala sa mag-inang Isabel Granada at Mommy Guwapa ang lubhang apektado sa naging paghihiwalay nila. May isang buwan na mula nang lisanin ni Isabel ang tahanan nilang mag-ina at bumukod ng bahay. Naiwang nag-iisa ang kanyang ina na ayon sa mga balita ay nagbabalak nang bumalik ng Espanya. Sayang nga at namayapa na ang ama ni Isabel kaya wala nang babalikan pa ang kanyang ina. Mag-isa itong magpapanibagong buhay. Nung buhay pa ang ama ni Isabel ay mas binigyan ng prioridad ng kanyang ina ang tungkulin nito kay Isabel kaysa ang pagiging asawa nito. Hindi nito inaasahan na magkakahiwalay din silang mag-ina, gaya ng nagaganap ngayon.
Balitang ang boyfriend ni Isabel na si Geryk Genaskey ang naging dahilan ng kanyang pagri-rebelde sa ina.
"Hindi po totoo ito. Ang dahilan ng pag-alis ko ng bahay ay may kinalaman sa aming mag-ina lang, wala nang iba. At hindi rin po totoo na ibinabasura ko na ang aking ina. Wala po akong sinasabing masama laban sa kanya. Hindi lamang mapigilan na sumagot ako kapag may nagtatanong sa akin pero never na pinalabas kong masama si Mama. Nakakalungkot lamang na dahilan sa kakapusan ng impormasyon ay nagkakaroon ng maraming ispekulasyon at haka-haka na malayo sa katotohanan. Pero ayaw kong patulan ang mga ito. Pribado ang buhay naming mag-ina at gusto kong panatilihin ito. Ang problema namin ay sa aming dalawa lamang. Sana ay igalang ito ng iba.
"Its unfair na idamay si Geryk sa problema namin. Siya man ay nabigla sa mga pangyayari. Gusto man niya kaming ayusin, alam niya na kami lamang ng Mama ko ang makakagawa nito pero, naririyan lamang siya para suportahan ako. Yun lamang ang ginagawa niya, ang maging suporta ko," pagtatapos ni Isa sa isang mahaba-habang text message.
Isang malakas na suporta rin si Bernard Palanca ng kanyang girlfriend na si Rica Peralejo. "Bernard is more of a best friend than a boyfriend," ani Rica sa presscon ng Hibla, ang pelikula ng Viva na magtatampok sa kanilang dalawa ni Maui Taylor, kasama sina Ricky Davao at Antonio Aquitania.
"Hindi lamang inspirasyon ang ibinibigay niya sa akin kundi isang malakas na suporta lalo na sa mga araw na pagod na pagod ako. Kulang ang pitong araw para magampanan ko ang lahat ng dapat kong gawin. It is his presence which lessen my load. Palagi siyang may panahon para sa akin, pinakikinggan ang mga kwento ko at kahit samahan lang ako."
Bukod sa kanyang trabaho sa TV at pelikula, nagsisimula na rin si Rica sa kanyang album para sa Viva. Pansamantala siyang tumigil dito nang magipit siya sa panahon pero, nakaka-tatlong kanta na siya.
"Maski nga yung luxury na ibinibigay ng bathtub ko ay hindi ko na ma-enjoy. Bihira na rin akong magpa-massage. The other day nga, nang magkaroon ako ng time para rito, napakaraming hangin ang natanggal sa katawan ko. Kung pwede ko lang dagdagan pa ng isang araw ang isang linggo, gagawin ko," kwento niya.
She misses her sister, Joanne, a lot. Dati ay team sila nito kasama ang kanyang inang si Alice. Silang dalawa ang nag-aayos ng sked niya at maski na mga gamit niya. "Wala nga akong alam, kung ano ang sukat ng boobs ko at maski na waistline ko. Mom ko kasi ang bumibili ng lahat ng gamit ko, clothes, pants and even underwears. Except shoes, dahil iba ang sukat ng paa ko. Si Joanne naman took care of my schedule. Nag-migrate na ito sa US kasama ang kanyang pamilya. Nadi-depress ako kapag naaalala ko siya. Pero, wala akong magagawa. May pamilya rin siya na kailangan niyang asikasuhin," aniya.
Balitang ang boyfriend ni Isabel na si Geryk Genaskey ang naging dahilan ng kanyang pagri-rebelde sa ina.
"Hindi po totoo ito. Ang dahilan ng pag-alis ko ng bahay ay may kinalaman sa aming mag-ina lang, wala nang iba. At hindi rin po totoo na ibinabasura ko na ang aking ina. Wala po akong sinasabing masama laban sa kanya. Hindi lamang mapigilan na sumagot ako kapag may nagtatanong sa akin pero never na pinalabas kong masama si Mama. Nakakalungkot lamang na dahilan sa kakapusan ng impormasyon ay nagkakaroon ng maraming ispekulasyon at haka-haka na malayo sa katotohanan. Pero ayaw kong patulan ang mga ito. Pribado ang buhay naming mag-ina at gusto kong panatilihin ito. Ang problema namin ay sa aming dalawa lamang. Sana ay igalang ito ng iba.
"Its unfair na idamay si Geryk sa problema namin. Siya man ay nabigla sa mga pangyayari. Gusto man niya kaming ayusin, alam niya na kami lamang ng Mama ko ang makakagawa nito pero, naririyan lamang siya para suportahan ako. Yun lamang ang ginagawa niya, ang maging suporta ko," pagtatapos ni Isa sa isang mahaba-habang text message.
"Hindi lamang inspirasyon ang ibinibigay niya sa akin kundi isang malakas na suporta lalo na sa mga araw na pagod na pagod ako. Kulang ang pitong araw para magampanan ko ang lahat ng dapat kong gawin. It is his presence which lessen my load. Palagi siyang may panahon para sa akin, pinakikinggan ang mga kwento ko at kahit samahan lang ako."
Bukod sa kanyang trabaho sa TV at pelikula, nagsisimula na rin si Rica sa kanyang album para sa Viva. Pansamantala siyang tumigil dito nang magipit siya sa panahon pero, nakaka-tatlong kanta na siya.
"Maski nga yung luxury na ibinibigay ng bathtub ko ay hindi ko na ma-enjoy. Bihira na rin akong magpa-massage. The other day nga, nang magkaroon ako ng time para rito, napakaraming hangin ang natanggal sa katawan ko. Kung pwede ko lang dagdagan pa ng isang araw ang isang linggo, gagawin ko," kwento niya.
She misses her sister, Joanne, a lot. Dati ay team sila nito kasama ang kanyang inang si Alice. Silang dalawa ang nag-aayos ng sked niya at maski na mga gamit niya. "Wala nga akong alam, kung ano ang sukat ng boobs ko at maski na waistline ko. Mom ko kasi ang bumibili ng lahat ng gamit ko, clothes, pants and even underwears. Except shoes, dahil iba ang sukat ng paa ko. Si Joanne naman took care of my schedule. Nag-migrate na ito sa US kasama ang kanyang pamilya. Nadi-depress ako kapag naaalala ko siya. Pero, wala akong magagawa. May pamilya rin siya na kailangan niyang asikasuhin," aniya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended