^

PSN Showbiz

Juday, Piolo hinulaang magpapakasal

-
Nagreklamo sa amin si Madam Suzette Arandela dahil walang katigil-tigil ang pagri-ring ng kanyang telepono mula nang ilathala namin sa isang magasin ang kanyang naging pahayag tungkol kina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Ibinigay pa niya ang kanyang numero (714-6226) para makuha sa kanya ng mga tagahanga ang kanyang hula sa dalawa.

"Sabi ko sa mga tumatawag ay iyon ang nababasa ko sa cards at puwede kong panindigan ang aking naging pahayag base sa mensahe ng mga cards (tarot cards) na nababasa ko. Ang totoo nito, masyado nating pinangungunahan ang dalawa sa kanilang plano na sa aking palagay ay gusto nilang mailihim muna.

"Nabasa ko sa mga cards na may posibleng magaganap na kasalan sa dalawa sa buwan ng Disyembre at sa simbahan ito. Muntik na silang magpakasal na wala sa oras o wala sa plano dahil apektado na sila sa mga intriga nina Alfie Lorenzo at Cristy Fermin. Mabuti na lang at nanaig pa rin sa dalawa lalo na kay Juday ang pagmamahal sa pamilya dahil naisip nito ang obligasyong maiiwan niya lalo na kung maninirahan ang dalawa sa Amerika," pahayag ng magaling na psychic nang dalawin namin sa kanyang office sa Bacood, Sta. Mesa.

Matatandaang nalagay sa limelight si Madam Suzette nang magkatotoo ang hula nitong hiwalayan nina Martin Nievera at Pops Fernandez na itinatago noon sa publiko.

Marami pa siyang nabasa sa kanyang cards tungkol kina Juday at Piolo pero mas maganda kung kayo mismo ang magsadya sa kanyang tanggapan at ipahula ang lahat ng gusto ninyong malaman sa dalawa.

"Gusto ko lamang iparating sa mga gustong magtanong o magpahula na lahat ng mga magiging pahayag ko ay base sa cards at magkakatotoo in God’s will and time."

Sa kabilang banda, di pa rin nagbago ang naging pahayag ni Madam Suzette nang tanungin namin siya sa nabalitang nagpa-secret marriage ang dalawa. "Positibo ang nabasa ko sa aking cards. Di ko puwedeng kontrahin."(Ulat Ni Alex Datu)

vuukle comment

ALFIE LORENZO

CARDS

CRISTY FERMIN

DALAWA

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KANYANG

MADAM SUZETTE

MADAM SUZETTE ARANDELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with