^

PSN Showbiz

Allen, malalim na aktor

-
Nakatrabaho ni Allen Dizon ang mga premyadong director gaya nina Jose Javier Reyes (Luksong Tinik), Mario O’Hara (Sindak), Edgardo ‘Boy’ Vinarao (Saranggani), Jeffrey Jeturian (Pila-Balde), Gilbert Perez (Trip) at marami pang iba.

Subalit, memorable sa morenong aktor ang Molata na dinirek ni Francis ‘Jun’ Posadas at napasali sa Asia Pacific Film Festival sa Bangkok, Thailand nung 1999. Ipinagmamalaki ni Allen na kahit di siya nanalo, nominated siya for Best Actor sa nasabing filmfest.

"Pumunta ako sa awards night sa Bangkok. Di man ako nanalo, napakasaya ko naman dahil napasama ang pangalan ko sa Asian actors na kapwa ko nominated," paglalahad ni Allen.

Sa pelikulang Mamasan na 2002 Manila Filmfest entry ng FLT Films, at dinirek ni Joey Romero, pinuri ng mga nakapanood ang epektibo niyang pagganap bilang slow-learner driver/lover ng grandslam best actress na si Elizabeth Oropesa na kapareha niya sa nasabing pelikula.

Panay din ang papuri kay Allen ng award-winning director na si Celso Ad. Castillo sa pelikula nilang Virgin People 3 na malapit nang ipalabas. Leading man dito si Allen na tumuhog sa tatlong magkakapatid na pawang birhen.

Bidang-bida si Allen sa Tukaan ng Leo Films, bilang sabungerong babaero na madrama ang buhay.

Ayon sa director ng Tukaan na si Arman Reyes, "Malalim na aktor si Allen-simple ang atake niya sa role. Hindi siya umaakting." Ipapalabas ang Tukaan sa Setyembre. Rodel Fernando

ALLEN

ALLEN DIZON

ARMAN REYES

ASIA PACIFIC FILM FESTIVAL

BEST ACTOR

CELSO AD

ELIZABETH OROPESA

GILBERT PEREZ

TUKAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with