^

PSN Showbiz

Jolina, mabait na artista, mahigpit na negosyante!

- Veronica R. Samio -
Dinayo ang pagbubukas ng Jolina’s Fashion Gallery sa SM Fairview nung Linggo ng hapon. Bagaman at araw ng Linggo at talagang tinatao ang mga malls, lalo na ang SM, talagang hindi mahulugang karayom ang mga dumayo sa ikatlong palapag ng SM Fairview na kung saan ay nagbukas ng ikatlo niyang branch ng Jolina’s Fashion Gallery si Jolina Magdangal. Kasabay nito ay ang pagbubukas din ng kanyang snack bar na tinawag niyang Chuva Chicha.

Very wise naman ang decision ni Jolina na dun sa 3rd floor ng SM Fairview ilugar ang kanyang dalawang bagong negosyo. Puntahan ito ng mga bata at kasama ang kanilang mga magulang, kapatid at yaya, sapagkat entertainment center ito ng mall. Mayroon itong karnabal na katatagpuan ng iba’t ibang rides. Naririto rin ang bowling alley, ang billiard center at ang stage na kung saan ginaganap ang maraming shows.

Third branch na ito ng Jolina’s Fashion Gallery na pag-aari ni Jolina pero maraming humawak ng franchise ng nasabing novelty shop na ang konsentrasyon ay sa mga female accessories na si Jolina mismo ang gumagawa ng disenyo. May isa nang franchisee sila sa US.

Sinabi ni Jolina sa isang panayam matapos ang blessing ng dalawang stores niya na may ipinasara silang isang franchise nila pero ayaw na niyang banggitin pa kung saan ito. "Sa isang surprise visit namin kasi ay nakita namin na nagbebenta sila ng iba pang items bukod sa mga items namin. Eh bawal na bawal ito. Wala kaming choice kundi ipasara sila.

"Nakakalungkot man pero, kinakailangan naming protektahan ang mga negosyo namin. Kundi mawawalang saysay ang ginawa naming pagtatatag at pagpapalakas nito," anang batang batang-negosyante na patuloy na napapanood sa Kahit Kailan, Linggo, sa GMA7.

She is looking forward to her movie with Dolphy, ang Home Along Da River na pang Manila Filmfest at ang Annie Batungbakal na kung saan ay makakasama niya si Nora Aunor.

Lumabas na ang kanyang album na "Jolina Sings the Masters" mula sa Star Records.
* * *
Bagong banda kung tutuusin ang Asciano Band, binuo ni Kelly Nucum, pangulo ng Mother Of Asia International, isang taon pa lamang. Kung gaano kabago ang banda ay siya namang ka-seasoned ng mga myembro nito na binubuo nina Topher Cailao (vocal & rhythm guitar), Butch Montejo (vocals & percussion), Boyet Puro (guitar), Al Cobarrubia (bass), Aldus Ramento ll (percussion), Teddy Tipon (drums) at Tony Casil (keyboards).

Mayroon na silang debut album na inilunsad sa Hard Rock Cafe may ilang gabi na ang nakararaan.

Pinamagatang "In My Dreams", mayroon itong 11 cuts na nagtataglay ng iba’t ibang musical styles at nagpapatunay sa versatility ng mga myembro. Carrier single nito ay "Why Can’t We Be Friends?". Ang iba pang cuts ng album ay ang "Sailor Girl", "The Best", "Sexy Mama", "She’s Got Me Hooked", "Young Girl", "Helping Hand", "It’s Too Late", "I Won’t Quit", "En Mi Sueno" at ang remake ng "You’ve Made Me So Very Happy", isang Motown classic.

May nagawa ng solo album ang dalawang bokalista ng Asciano, sina Topher at Butch, under major record labels.

Nagkaroon ng special show ang Asciano sa Matina Town Square sa Davao kahapon. Mapapanood sila regularly sa FAT Tuesday tuwing Martes, Shiraz tuwing Miyerkules at Bedrock tuwing Linggo.

AL COBARRUBIA

ALDUS RAMENTO

ANNIE BATUNGBAKAL

ASCIANO

FAIRVIEW

FASHION GALLERY

JOLINA

LINGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with