^

PSN Showbiz

Joey may bagong problema sa babae; Kris nag-quit sa Morning Girls

-
Umalis kahapon si Parañaque Mayor Joey Marquez papuntang Amerika. Tanging ang talent manager niyang si Douglas Quijano ang kasama niya sa pag-alis. Rason ng pag-alis ni Joey, ayon sa source ng PSN, may panibago na namang problema si Mayor Tsong na naghihintay sa US dahil nagbanta ang isa pang girlfriend ni Joey na may initial na ED at naka-base sa US na manggugulo rin siya. May anak din daw si Joey kay ED kaya marami siyang alam na lihim ng actor-turned-politician.

Lihim daw ang pag-alis ni Joey para ayusin ang panibago niyang problema dahil sa threat ni ED.

Anyway, nagpa-interview na si Joey kahapon kay Richard Gomez sa S-Files kung saan sinagot niya lahat ng issue tungkol sa kanila ni Kris Aquino kung saan pati sina ex-President Cory at Rep. Noynoy Aquino ay nagsalita na tungkol sa relationship nila.

Samantala, nag-resign na si Kris sa Morning Girls - ang bagong morning show niya with Pops Fernandez and Zsazsa Padilla. Ayon kay Kris, hindi na siya puwede sa nasabing programa dahil nagbibigay siya ng advice sa mga televiewers samantalang, hindi niya ma-solve ang sariling problema.

Halos isang buwan pa lang ang Morning Girls. Pero since mag-start ito, nag-start na rin ang problema at intriga sa relasyon nila ni Joey.

Si Carmina Villaroel ang papalit kay Kris na nauna nang nag-guest co-host kina Pops and Zsazsa nang umalis si Kris. (Ulat Ni Salve V. Asis)

vuukle comment

CARMINA VILLAROEL

DOUGLAS QUIJANO

JOEY

JOEY MARQUEZ

KRIS AQUINO

MAYOR TSONG

MORNING GIRLS

NOYNOY AQUINO

POPS AND ZSAZSA

POPS FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with