Aktres di marunong makisama sa set
August 26, 2002 | 12:00am
Napakaganda ng aktres na ito kaya naging bida agad sa teleserye. Kaya lang, hindi ito marunong makisama sa mga kasamahan niya sa teleserye. Kwento ng isang beteranang aktres, noong una silang magkita sa set at ipakilala siya sa aktres ay ni hindi man lang ito (batang aktres) ngumiti at tiningnan lang siya. Inaasahan nito na makikipagbeso-beso sa kanya pero dedma lang ito.
Feeling daw ng young actress ay lagi siyang nag-iisa ayon sa mga kasamahang artista at di type makipagkwentuhan kahit kanino. Kaya tuloy sabi ng mga ibang kasamahan niya, hindi makakuha ng pointers sa akting sa mga beteranong kasamahan niya dahil hindi nga ito marunong makisama.
Ang aktres ay isa sa may pinakamagandang mukha ngayon sa kalipunan ng mga kabataang artista at bida sa isang teleserye.
Hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago si Ricky Reyes kahit sabihing naabot na niya ang tagumpay sa buhay at karangyaan. Sipag at tiyaga ang puhunan niya para gumanda ang kabuhayan.
Halos lahat ng pagpapala ay nasa mabait na hairstylist kaya naman ibinabahagi niya ito sa kanyang kapwa. Isa sa kinakalinga nito at sinusuportahan ay ang mga cancer patients ng Philippine General Hospital lalo na ang mga bata. Kaya nakikiusap siya sa mga gustong mag-donate na dextrose ang ibigay na pangunahing kailangan ng cancer patients na nakatakda niyang dalawin sa Agosto 29, ganap na alas-10:00 ng umaga.
Pagkatapos ni Ruffa Gutierrez ay pipili uli si Ricky ng ibang modelo para sa "Gandang Ricky Reyes".
Samantala, gustung-gusto namin ang programa niyang Beauty Plus na napapanood tuwing Linggo sa RPN 9, 11:00 a.m. to 12 noon.
Masayang idinaos ang unang taon ng Sis kung saan naimbitahan kami sa taping ng programa. Panauhin ang mga sikat na mang-aawit noon na VST & Company, Boyfriends, Gabriela, Mystica at April Boy Regino.
Isang taon nang kasama ng magkapatid na Gelli at Janice de Belen ang mga ina ng tahanan at maraming paksang tinalakay na makakatulong sa kanilang buhay.
Mahigit sa dalawang daang episodes ang lumipas pero nanatili pa ring matatag ang Sis. Maraming dahilan kung bakit nangunguna ang Sis. Una, may chemistry ang magkapatid kaya buhay na buhay at interesante ang kanilang paksang tinatalakay at maganda rin ang pakikisalamuha nila sa mga guests. Hindi rin nagsasapawan ang magkapatid. They complement each other, ika nga.
Higit sa lahat, kuhang-kuha ng magkapatid ang kiliti at tiwala ng mga ginang ng tahanan. Alam nila ang problema, hilig at interes ng mga misis dahil tulad din nila sina Gelli at Janice.
Simula ngayong Lunes, August 26 hanggang 29, alas-10:30 ng umaga ay mapapanood ang anniversary episode ng programa.
Isa sa mga bini-build-up nang husto ng GMA-7 si James Blanco. Magaling naman itong umarte at mahusay makisama sa mga kapwa artista at manunulat.
Malaking break para sa kanya ang makasama si Jolina Magdangal sa youth oriented program na Kahit Kailan. Nagpapasalamat nga ito dahil pumayag si Jolens na makatambal siya. "Mabait siyang talaga at kailanman ay hindi nag-prima-donna. Down-to-earth pa kahit malaking artista. Magkasundo kami sa trabaho at masaya kapag kasama ko siya," aniya.
Hindi nga makapaniwala si James na sa tatlong taong inilagi niya sa showbiz ay madali siyang nakilala. Mula sa Click ay nakatambal niya si Angelika dela Cruz sa Ikaw Lang Ang Mamahalin. Malapit na rin siyang gumawa ng pelikula under Regal Films.
Nanalo siya ng Best New Male TV Personality sa Star Awards.
Hindi kaya siya ma-develop kay Jolina? "Posible yun dahil napakabait ni Jolens pero sa ngayon ay hindi ko muna iniisip ang bagay na ito dahil gusto ko pang pagbutihin ang aking trabaho at ipagpatuloy ang mabuting pakikisama sa kapwa," pagtatapos pa ni James.
Feeling daw ng young actress ay lagi siyang nag-iisa ayon sa mga kasamahang artista at di type makipagkwentuhan kahit kanino. Kaya tuloy sabi ng mga ibang kasamahan niya, hindi makakuha ng pointers sa akting sa mga beteranong kasamahan niya dahil hindi nga ito marunong makisama.
Ang aktres ay isa sa may pinakamagandang mukha ngayon sa kalipunan ng mga kabataang artista at bida sa isang teleserye.
Halos lahat ng pagpapala ay nasa mabait na hairstylist kaya naman ibinabahagi niya ito sa kanyang kapwa. Isa sa kinakalinga nito at sinusuportahan ay ang mga cancer patients ng Philippine General Hospital lalo na ang mga bata. Kaya nakikiusap siya sa mga gustong mag-donate na dextrose ang ibigay na pangunahing kailangan ng cancer patients na nakatakda niyang dalawin sa Agosto 29, ganap na alas-10:00 ng umaga.
Pagkatapos ni Ruffa Gutierrez ay pipili uli si Ricky ng ibang modelo para sa "Gandang Ricky Reyes".
Samantala, gustung-gusto namin ang programa niyang Beauty Plus na napapanood tuwing Linggo sa RPN 9, 11:00 a.m. to 12 noon.
Isang taon nang kasama ng magkapatid na Gelli at Janice de Belen ang mga ina ng tahanan at maraming paksang tinalakay na makakatulong sa kanilang buhay.
Mahigit sa dalawang daang episodes ang lumipas pero nanatili pa ring matatag ang Sis. Maraming dahilan kung bakit nangunguna ang Sis. Una, may chemistry ang magkapatid kaya buhay na buhay at interesante ang kanilang paksang tinatalakay at maganda rin ang pakikisalamuha nila sa mga guests. Hindi rin nagsasapawan ang magkapatid. They complement each other, ika nga.
Higit sa lahat, kuhang-kuha ng magkapatid ang kiliti at tiwala ng mga ginang ng tahanan. Alam nila ang problema, hilig at interes ng mga misis dahil tulad din nila sina Gelli at Janice.
Simula ngayong Lunes, August 26 hanggang 29, alas-10:30 ng umaga ay mapapanood ang anniversary episode ng programa.
Malaking break para sa kanya ang makasama si Jolina Magdangal sa youth oriented program na Kahit Kailan. Nagpapasalamat nga ito dahil pumayag si Jolens na makatambal siya. "Mabait siyang talaga at kailanman ay hindi nag-prima-donna. Down-to-earth pa kahit malaking artista. Magkasundo kami sa trabaho at masaya kapag kasama ko siya," aniya.
Hindi nga makapaniwala si James na sa tatlong taong inilagi niya sa showbiz ay madali siyang nakilala. Mula sa Click ay nakatambal niya si Angelika dela Cruz sa Ikaw Lang Ang Mamahalin. Malapit na rin siyang gumawa ng pelikula under Regal Films.
Nanalo siya ng Best New Male TV Personality sa Star Awards.
Hindi kaya siya ma-develop kay Jolina? "Posible yun dahil napakabait ni Jolens pero sa ngayon ay hindi ko muna iniisip ang bagay na ito dahil gusto ko pang pagbutihin ang aking trabaho at ipagpatuloy ang mabuting pakikisama sa kapwa," pagtatapos pa ni James.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am