Dennis nasa kabilang istasyon na
August 24, 2002 | 12:00am
Ire-reformat pala ang sitcom na Daboy En Da Girl nina Rudy Fernandez at Rosanna Roces sa GMA-7 pero hindi naman ito nangangahulugan na may tatanggalin sa cast. Babaguhin lang umano ang istorya dahil parang hindi na bagay kina Daboy at Osang na magpa-cute sa sitcom. In one of the future episodes ay ikakasal na ang dalawa kaya lalabas na silang mag-asawa sa programa.
Narito ang ating update sa singer-actress na si Carla Guevarra na naka-base ngayon sa New York kasama ang kanyang pamilya:
"Hi Tita Aster! Long time no write! How are you? As usual, I am always updated with showbiz news because I regularly read your column at Pilipino Star Ngayon thru the net. Well, anyway, just wanted to update you on whats happening to my life now. I have good news! Im expecting... Again! I am due to give birth end of January. Sana baby girl naman! My son Bailey is now eight months old, and he can already walk and has four teeth. He can already say "mama and dada". Grabe nga nasundan kaagad... pero actually in a way its good para isang hirapan na lang ako. My parents will be visiting me this December, and they promised to bring a yaya with them so someone can help me with the kids. I am also working at a private pediatric clinic as a medical assistant. My husband is still in school, and is also still working at a restaurant in Manhattan as an assistant chef. I performed last August 17 and 18 for the Philippine Fiesta in New Jersey together with Hotdog. Kaya kahit papaano, nakakaraket din ako rito at nakaka-perform. Last month, I also performed at the Fil-Am Friendship Day, also in New Jersey. Natuwa ako kasi kahit papaano, nakilala naman ako ng mga Pinoy doon. Nagkataon kasi that TFC (The Filipino Channel) was airing re-runs of Star Drama Theater Presents... Burn and Munting Paraiso during that time. It felt good getting all dressed up and made-up again like an artista. Nakaka-miss talaga! Pero now, back to reality muna ako. Balik mother and wife muna. Well, anyway, gusto ko lang i-share yung mga pinaggagawa ko rito sa US of A. I was with Giselle Toengi recently at my sisters apartment. Shes moving na to L.A., and I think she will be based there for a while.
Hope to hear from you soon! Take care and God bless!
Carla Guevarra-Laforteza
Nag-ober da bakod na pala ang actor-politician na si Dennis Padilla dahil napanood namin ito sa Whattamen nung nakaraang Miyerkules.
Everybody knows na si Dennis ay mainstay sa Kool Ka Lang ng GMA na kung saan sina Joey Marquez at Raymart Santiago ang mga pangunahing bida.
Kung totoo ang nasagap naming balita, malaki umano ang alok kay Dennis ng Dos kaya masakit man sa kanya na iwan ang kanyang mga kabarkada (lalung-lalo na si Raymart) kailangan niyang gawin ito.
Kung hindi kami nagkakamali, magiging regular member na rin si Dennis ng Whattamen na katapat naman ng Beh Bote Nga nina Janno Gibbs at Anjo Yllana. Ang maganda lang sa ginawa ni Dennis, nagpaalam siya nang maayos sa pamunuan ng GMA at sa kanyang mga kasamahan kaya walang samaan ng loob.
Ang isa pang programa na dapat pagtutuunan ng pansin ng Dos ay ang Klasmeyts na hindi namin malaman kung ano ang direksyon.
In principle, pumayag na si Ruffa Gutierrez na maging bahagi ng bagong soap opera na sisimulan ng GMA-7 sa Oktubre na siyang makakapalit ng Ikaw Lang Ang Mamahalin. Kinukuha rin ng GMA ang serbisyo ni Robin Padilla para mapabilang sa bagong drama serial na tatampukan pa rin ni Angelika dela Cruz. Binubuo na rin ngayon ng GMA ang casting ng bagong programang ididirek ni Maryo J. delos Reyes.
Personal na pinabulaanan sa amin ng isang executive ng GMA-7 na mawawala na sa kanila ang top-rating noontime show na Eat Bulaga na produced ng TAPE sa pamumuno ni G. Tony Tuviera.
Ayon sa source, malapit na umanong mag-expire ang kontrata ng TAPE, Inc. sa GMA-7 kaya nasa stage sila ngayon ng re-negotiation o renewal ng kontrata sa magkabilang party.
"Hi Tita Aster! Long time no write! How are you? As usual, I am always updated with showbiz news because I regularly read your column at Pilipino Star Ngayon thru the net. Well, anyway, just wanted to update you on whats happening to my life now. I have good news! Im expecting... Again! I am due to give birth end of January. Sana baby girl naman! My son Bailey is now eight months old, and he can already walk and has four teeth. He can already say "mama and dada". Grabe nga nasundan kaagad... pero actually in a way its good para isang hirapan na lang ako. My parents will be visiting me this December, and they promised to bring a yaya with them so someone can help me with the kids. I am also working at a private pediatric clinic as a medical assistant. My husband is still in school, and is also still working at a restaurant in Manhattan as an assistant chef. I performed last August 17 and 18 for the Philippine Fiesta in New Jersey together with Hotdog. Kaya kahit papaano, nakakaraket din ako rito at nakaka-perform. Last month, I also performed at the Fil-Am Friendship Day, also in New Jersey. Natuwa ako kasi kahit papaano, nakilala naman ako ng mga Pinoy doon. Nagkataon kasi that TFC (The Filipino Channel) was airing re-runs of Star Drama Theater Presents... Burn and Munting Paraiso during that time. It felt good getting all dressed up and made-up again like an artista. Nakaka-miss talaga! Pero now, back to reality muna ako. Balik mother and wife muna. Well, anyway, gusto ko lang i-share yung mga pinaggagawa ko rito sa US of A. I was with Giselle Toengi recently at my sisters apartment. Shes moving na to L.A., and I think she will be based there for a while.
Hope to hear from you soon! Take care and God bless!
Carla Guevarra-Laforteza
Everybody knows na si Dennis ay mainstay sa Kool Ka Lang ng GMA na kung saan sina Joey Marquez at Raymart Santiago ang mga pangunahing bida.
Kung totoo ang nasagap naming balita, malaki umano ang alok kay Dennis ng Dos kaya masakit man sa kanya na iwan ang kanyang mga kabarkada (lalung-lalo na si Raymart) kailangan niyang gawin ito.
Kung hindi kami nagkakamali, magiging regular member na rin si Dennis ng Whattamen na katapat naman ng Beh Bote Nga nina Janno Gibbs at Anjo Yllana. Ang maganda lang sa ginawa ni Dennis, nagpaalam siya nang maayos sa pamunuan ng GMA at sa kanyang mga kasamahan kaya walang samaan ng loob.
Ang isa pang programa na dapat pagtutuunan ng pansin ng Dos ay ang Klasmeyts na hindi namin malaman kung ano ang direksyon.
Ayon sa source, malapit na umanong mag-expire ang kontrata ng TAPE, Inc. sa GMA-7 kaya nasa stage sila ngayon ng re-negotiation o renewal ng kontrata sa magkabilang party.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended