Beteranang aktres patuloy sa paggamit ng droga
August 22, 2002 | 12:00am
Kung ang nakarating sa aming kuwento ang pagbabasehan namin tungkol sa isang beteranang actress, malinaw na hindi pa rin ito tumigil sa bisyo nitong paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ipinagmalaki noon ng beteranang aktres na tuluyan na niyang iniwan ang kanyang bisyo at balik siya sa malinis na lifestyle. Pero nagulat kami sa kuwento sa amin na minsan daw, dahil sa sobrang high, na-pack up ang taping ng teleserye kung saan involved ang veteran actress.
Ang kuwento, bangag ang aktres na dumating sa set. Nong time na kailangan nang i-rehearse ang kanyang mga lines at eksena, bulol ito at wala sa sarili. Napansin na ito ng director at staff ng teleserye kaya agad na ipina-pack up ng director ang taping.
Sa totoo lang, nalungkot kami nang marinig namin ang kuwento. Kasi nong presscon para sa isang show kung saan main cast ang aktres, buong ningning nitong ipinagmalaki na tapos na siya sa kanyang bisyo. Hindi na nga ito nahihiyang pag-usapan ang kanyang pinagdaanan. Pero ngayong balik siya sa kanyang bisyo, tiyak na hindi muling kukunin ang kanyang serbisyo ng alin mang network.
Sa lahat yata ng kasama sa cast ng Jologs mukhang ang role ni Baron Geisler ang pinaka-aabangan. Ibang Baron ang mapapanood sa big screen on August 28 dahil sa role ng isang transvestite ang kanyang ginampanan.
Sa all cast presscon ng Jologs, si Baron ang naging paboritong batuhin ng mga tanong dahil na-curious sa role niya bilang gay. Aminado si Baron na mahirap pero enjoy ang role niya.
"Mahirap kasi maraming preparations lalo na sa damit, make-up pati sa pag-arte. Kailangan kasi mabusisi para mas convincing ang portrayal ko pero I really had fun. Ive played gay roles before pero mas exciting ito kasi sa big screen," sabi ng batang aktor.
Kami man ay nag-aabang na sa showing ng movie dahil mukhang maganda ito. May nagtatanong sa amin kung parang Trip din daw ba ang movie. Mismong ang director na si Gilbert Perez (incidentally ay director din ng Trip) ang nagpatunay sa amin na malaki ang pinagkaiba ng Jologs dahil mas seryoso at malalim ang tema nito na tungkol sa kabataan.
Minsan nakasakay kami sa MRT at nakita ng dalawang estudyante ang billboard ng movie sa Edsa. Narinig namin ang comment nila. Sabi ng isa, "Mukhang maganda ang Jologs ah!" At sagot naman ng isa "Oo nood tayo ha?" Maging noong unang ipalabas ang MTV ng movie ay napapalakpak ang mga taga-Talent Center sa ganda.
Hindi na kami nagtataka na ganun na lang abangan ang movie dahil trailer pa lang ay hanga kami sa pagkakagawa ni Manong. What more kung sa big screen pa?
Ngayon pa lang, nais naming i-congratulate ang buong cast, Direk Gilbert at Star Cinema dahil sure kami na tatabo ito sa takilya.
Nanatili pa ring nangunguna ang mga ABS-CBN soap opera namely Kay Tagal Kang Hinintay, Pangako Sa Yo, Sa Puso Ko Iingatan Ka at Sa Dulo Nang Walang Hanggan. Sa tinagal na sa ere ng mga shows na ito, consistent na mataas ang rating at patuloy na well-loved ng mga tagasubaybay. Mula nang mag-umpisa sa mga teleserye ng ABS-CBN, naging very loyal ang mga viewers kaya naman worth it ang hirap na ginagawa ng production para mapaganda ang bawat episode.
Hindi natitinag ang mga said ABS-CBN soaps. Kahit nga ang mga soap ng GMA 7 ay nagsi-settle na lang sa number 5,6,7,8 slots.
Balita na matatapos na ang Pangako Sa Yo sa end of August kaya marami ang nag-aabang sa papalit dito. May bagong soap opera na gagawin si Nora Aunor kaya hindi malayong ang Bituin ang magiging kapalit ng Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Kasama ng Superstar sina Cherie Gil, Desiree del Valle at Carol Banawa.
Hindi pa talaga confirm pero kung anut ano pa man siniguro ng ABS-CBN na pagagagandahin nila ito at magugustuhan tulad ng ibang soap operas.
Ang kuwento, bangag ang aktres na dumating sa set. Nong time na kailangan nang i-rehearse ang kanyang mga lines at eksena, bulol ito at wala sa sarili. Napansin na ito ng director at staff ng teleserye kaya agad na ipina-pack up ng director ang taping.
Sa totoo lang, nalungkot kami nang marinig namin ang kuwento. Kasi nong presscon para sa isang show kung saan main cast ang aktres, buong ningning nitong ipinagmalaki na tapos na siya sa kanyang bisyo. Hindi na nga ito nahihiyang pag-usapan ang kanyang pinagdaanan. Pero ngayong balik siya sa kanyang bisyo, tiyak na hindi muling kukunin ang kanyang serbisyo ng alin mang network.
Sa all cast presscon ng Jologs, si Baron ang naging paboritong batuhin ng mga tanong dahil na-curious sa role niya bilang gay. Aminado si Baron na mahirap pero enjoy ang role niya.
"Mahirap kasi maraming preparations lalo na sa damit, make-up pati sa pag-arte. Kailangan kasi mabusisi para mas convincing ang portrayal ko pero I really had fun. Ive played gay roles before pero mas exciting ito kasi sa big screen," sabi ng batang aktor.
Kami man ay nag-aabang na sa showing ng movie dahil mukhang maganda ito. May nagtatanong sa amin kung parang Trip din daw ba ang movie. Mismong ang director na si Gilbert Perez (incidentally ay director din ng Trip) ang nagpatunay sa amin na malaki ang pinagkaiba ng Jologs dahil mas seryoso at malalim ang tema nito na tungkol sa kabataan.
Minsan nakasakay kami sa MRT at nakita ng dalawang estudyante ang billboard ng movie sa Edsa. Narinig namin ang comment nila. Sabi ng isa, "Mukhang maganda ang Jologs ah!" At sagot naman ng isa "Oo nood tayo ha?" Maging noong unang ipalabas ang MTV ng movie ay napapalakpak ang mga taga-Talent Center sa ganda.
Hindi na kami nagtataka na ganun na lang abangan ang movie dahil trailer pa lang ay hanga kami sa pagkakagawa ni Manong. What more kung sa big screen pa?
Ngayon pa lang, nais naming i-congratulate ang buong cast, Direk Gilbert at Star Cinema dahil sure kami na tatabo ito sa takilya.
Hindi natitinag ang mga said ABS-CBN soaps. Kahit nga ang mga soap ng GMA 7 ay nagsi-settle na lang sa number 5,6,7,8 slots.
Balita na matatapos na ang Pangako Sa Yo sa end of August kaya marami ang nag-aabang sa papalit dito. May bagong soap opera na gagawin si Nora Aunor kaya hindi malayong ang Bituin ang magiging kapalit ng Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Kasama ng Superstar sina Cherie Gil, Desiree del Valle at Carol Banawa.
Hindi pa talaga confirm pero kung anut ano pa man siniguro ng ABS-CBN na pagagagandahin nila ito at magugustuhan tulad ng ibang soap operas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended