^

PSN Showbiz

Martin, nagnakaw ng eksena sa Mega Event!

- Veronica R. Samio -
Hindi si Martin Nievera ang star of the show kundi si Mega o si Sharon Cuneta na siyang nagdiriwang ng kanyang silver anniversary sa pamamagitan ng naturang concert na pinamagatang The Mega Event. Dalawang gabing palabas ito sa Araneta Coliseum na masasabing isang malaking tagumpay kahit na ang pinagbabatayan ko lamang ay ang second night na kung saan ay pinalad akong makapanood. Akala ko nga ay hindi ko na mapapanood ang show sapagkat nahirapang magparada ng sasakyan ang mister ko. Maski na sa bangketa sa tapat ng coliseum ay may mga nakaparada nang sasakyan, mga mamahaling vans na buong tapang na ipinarada ng mga may-ari! Puno na raw ang paradahan sa parking ng coliseum bagaman at may mangilan-ngilang sasakyan akong nakita na pinapasok.

Malayo ang naparadahan at nilakad namin. Kumakanta na si Sharon na i-usher kami sa aming upuan na marami sa aming nakatabi ay mga kasamahan ko sa panulat, mga entertainment writers and editors.

The night before, narinig ko na hindi raw maganda ang show. But in fairness to the producers and organizers of the show, sulit naman ang ibinayad ng manonood. Napakahaba ng palabas, 3 oras, at ni minsan ay hindi naman kinakitaan ng pagkapagod si Mega who seemed to enjoy reliving the past of one person na ang gusto lamang ay kumanta at marinig sa buong bansa. Mas higit pa rito ang narating niya. Narinig din siya sa labas ng bansa. Bukod sa pagiging isang matagumpay na singer, isa rin siyang ipinagkakapuring aktres, isang maligayang maybahay at ina ng dalawang mababait na anak. Ano pa ba ang mahihiling niya?

Ang ganda ng bahagi na ipinakikita ang mga nakapareha niyang aktor sa kanyang mga pelikula. Ispesyal na ispesyal ang presentation kay Christopher de Leon na sinabi niyang crush pa rin niya hanggang ngayon. Itinampok dun sina Richard Gomez, Cesar Montano, Rudy Fernandez, Fernando Poe, Jr. Rowell Santiago at marami pang iba. Syempre, hindi nawala si Gabby Concepcion. Sharon sang all her hit songs, sa recording at maging sa pelikula.

She sang the songs of Rey Valera, Willy Cruz at maging ng mga awitin ni Ryan Cayabyab na musical director ng concert at ng panauhin niyang si Louie Ocampo.

Special guest din ang UP Concert Chorus, si Martin Nievera at si Gary Valenciano.

Bagaman at dapat bilang panauhin, ay maging suporta lamang si Martin sa show, pero hinayaan siya sa stage ni Sharon nang umalis ito sumandali para magpalit ng costume. To his credit, hindi nainip ang tao kaya hindi lumaylay ang show kahit na nang matagalan ang pagbabalik ni Sharon. Ang dapat sana ay napaka-pormal na concert ay naging parang isang Karaoke show sapagkat Martin asked for the audience’s requests and he gave in to all of their requests. Maski na yung "Kahit Isang Saglit" na kasama sa repertoire ni Sharon. It almost became Martin’s show kundi sa maagap na pagbabalik ng Megastar.

Martin was given another opportunity to steal the thunder not only from Sharon but from one of her guests, Gary Valenciano. Sa kanilang trio ng mga Broadway songs, nag-comedy pa si Martin na sinakyan at kinagiliwan ng audience. Buti na lamang at hindi siya naka-pormal na kasuotan, a maong pants and jacket suit, which was in contrast to Gary’s tuxedo and Sharon’s long formal.

Other stars of the show, would have felt offended na maagawan ng eksena ng kanilang guest pero, sa malas ay mas nag-enjoy pa si Sharon, at maski na siguro si Gary, sa malaking naging ambag ni Martin sa The Mega Event.

ARANETA COLISEUM

CESAR MONTANO

GARY VALENCIANO

MARTIN

MARTIN NIEVERA

MEGA EVENT

SHARON

SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with