GMA gustong lumabas sa pelikula
August 15, 2002 | 12:00am
Sa press interview na idinaos noong Sabado sa Malakanyang kasama sina Atty. Espiridion Laxa, Reynaldo Malonzo at ibang entertainment writers ay nalaman namin kung gaano ang malasakit na ibinibigay ng Pangulong Gloria Macapagal sa industriya ng pelikulang Tagalog. Katunayan, siya lang ang bukod tanging presidente na nagkaloob ng P50 milyong subsidy sa movie industry.
Hindi naman ito kataka-taka dahil inamin niyang isa siyang movie fan at halos lahat ng klase ng pelikula ay pinanonood niya kahit cartoon o karate. Tagahanga siya ni Mayor Rey Malonzo pagdating sa kahusayan sa karate. Type rin niyang lumabas sa pelikula.
Nalaman namin na ang kanyang yumaong ama ay isang stage actor at sa isang stage play ay naging kontrabida ang dating pangulong Diosdado Macapagal ni Rogelio dela Rosa.
Ang kanyang anak na si Mikey Arroyo ay artista rin at ipinagpapatuloy ang pagmamahal sa sining na likas sa kanilang pamilya.
Mismong sa bibig ni Gob. Lito Lapid nanggaling ang papuring inuukol kay Fernando Poe Jr. na muling gagawa ng pelikula para sa Metro Manila Film Festival Philippines.
Ayaw ni Lito na makipagsabayan kay FPJ dahil may movie rin ito titled Lapu-Lapu na entry ng Calinauan CineWorks.
Pero sinabihan ang malalaking artista na kasali sa MMFFP ni FPJ na ipagpatuloy ang syuting at huwag mangamba dahil gusto nitong lahat sila ay makasali sa darating na filmfest. Sinabi rin nito na pagandahin ang kanilang mga entries.
Tinatayang pinakamalaking film festival ang magaganap sa taong ito dahil bukod kay FPJ ay kasali rin sina Dolphy, Vilma Santos, Bong Revilla, Rudy Fernandez, Lito Lapid, Maricel Soriano at Richard Gomez.
Kahit magiging mahigpitan ang labanan sa takilya at sa awards night para sa pilian ng magagaling na artista ay sama-sama naman sila sa iisang layunin at itoy ang maiangat ang kalidad ng pelikulang Tagalog.
Nagtataka si Rufa Mae Quinto kung saan nanggagaling ang balitang lilipat na siya sa Dos. Siya raw ang magiging kapalit ni Joyce Jimenez sa Whattamen.
Ayon sa seksing actress ay mananatili siyang loyal sa GMA at kuntento na siya rito. Kasama siya sa tatlong shows sa Siyete at balitang may bagong game show siya sa Channel 13 kasama si Allan K. Bibigyan din siya ng soap opera na siyang ipapalit sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Nasa market na ngayon ang debut album ng Freshmen Band at pumapailanlang na sa ere ang "Walang Hanggang Ligaya". Nanggaling ng Puerto Galera ang grupo kung saan doon sila nag-shoot ng MTV ng nasabing carrier single. Nanggaling din sila ng Cebu kung saan tumugtog sila sa Ratsky. Tutugtog ang banda sa El Camino Blanco sa Dumaguete City sa Agosto 23, 24 at 25 para sa selebrasyon ng Foundation Day ng Siliman University.
Ang mga guwapong miyembro ng Freshmen Band ay sina Roel Aldana, Edward dela Cruz, Walton Zerrudo, Jerome Raymundo, Daziel Ledda at Trician Andres.
Nakita ng aking source nang di inaasahan sa CR ng isang first class na hotel ang isang sikat na baklitang aktor. Hindi napansin ng aktor na naroon din ang reporter dahil nakatungo ito habang dyumidyingel. Biglang pumasok ang bagets na ka-date ng aktor at hinihingi sa kanya ang susi dahil mauuna na itong pumasok sa suite. Namula ang aktor nang makita ang reporter habang iniaabot ang susi sa kasamang bagets.
Pero nagbiro ito sa kaibigang aktor at sinabing huwag mag-alala dahil parang wala siyang nakita.
Ang aktor ay isa sa pinaka-talented actors ng bansa.
Hindi naman ito kataka-taka dahil inamin niyang isa siyang movie fan at halos lahat ng klase ng pelikula ay pinanonood niya kahit cartoon o karate. Tagahanga siya ni Mayor Rey Malonzo pagdating sa kahusayan sa karate. Type rin niyang lumabas sa pelikula.
Nalaman namin na ang kanyang yumaong ama ay isang stage actor at sa isang stage play ay naging kontrabida ang dating pangulong Diosdado Macapagal ni Rogelio dela Rosa.
Ang kanyang anak na si Mikey Arroyo ay artista rin at ipinagpapatuloy ang pagmamahal sa sining na likas sa kanilang pamilya.
Ayaw ni Lito na makipagsabayan kay FPJ dahil may movie rin ito titled Lapu-Lapu na entry ng Calinauan CineWorks.
Pero sinabihan ang malalaking artista na kasali sa MMFFP ni FPJ na ipagpatuloy ang syuting at huwag mangamba dahil gusto nitong lahat sila ay makasali sa darating na filmfest. Sinabi rin nito na pagandahin ang kanilang mga entries.
Tinatayang pinakamalaking film festival ang magaganap sa taong ito dahil bukod kay FPJ ay kasali rin sina Dolphy, Vilma Santos, Bong Revilla, Rudy Fernandez, Lito Lapid, Maricel Soriano at Richard Gomez.
Kahit magiging mahigpitan ang labanan sa takilya at sa awards night para sa pilian ng magagaling na artista ay sama-sama naman sila sa iisang layunin at itoy ang maiangat ang kalidad ng pelikulang Tagalog.
Ayon sa seksing actress ay mananatili siyang loyal sa GMA at kuntento na siya rito. Kasama siya sa tatlong shows sa Siyete at balitang may bagong game show siya sa Channel 13 kasama si Allan K. Bibigyan din siya ng soap opera na siyang ipapalit sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Ang mga guwapong miyembro ng Freshmen Band ay sina Roel Aldana, Edward dela Cruz, Walton Zerrudo, Jerome Raymundo, Daziel Ledda at Trician Andres.
Pero nagbiro ito sa kaibigang aktor at sinabing huwag mag-alala dahil parang wala siyang nakita.
Ang aktor ay isa sa pinaka-talented actors ng bansa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended