Asawa, gf kasama sa lahat ng lakad ng Salbakuta
August 15, 2002 | 12:00am
Hindi na mapipigil pa ang tuluyang pagsikat ng rap group na Salbakuta. Mayroon silang bagong pelikula, tentatively titled AB Normal sa Viva Films. Makakasama nila dito sina Mikey Arroyo, Andrew E. at Blakdyak. Tungkol ito sa mga mag-aaral sa isang iskwela na ibinibenta na. Gagawa sila ng paraan para i-save ito. Ang mga nabanggit na mga artista ang mga gumaganap ng roles ng ilang mga estudyante rito.
Very humble ang Salbakuta at ayaw amining sikat na nga sila. Pero, maliwanag na pruweba ng kanilang kasikatan ang madalas ay pagkakaintriga nila sa ilang mga kapwa singers nila. Tulad ni Aiza Seguerra na napatunayan din nila ay inosente sa mga naging isyu na kinasangkutan nito tungkol sa kanila. Mayroon lamang daw sigurong gumagawa ng paraan para silay sirain. Kung ano ang dahilan ay hindi nila masabi at ayaw na nilang pahalagahan pa. Na-intriga rin sila recently kay Mystica pero sinabi na nila sa kanilang mga sarili na ang mga ganitong bagay ay hindi na lamang nila papatulan. "Sakyan na lamang daw namin, ni Andrew," anang tatlong myembro ng grupo na sina Edwin Encarnacion (Mad Killah), Romel Tejada (Bendetta) at Charlito Dellosa (Charlie Mack).
Pawang malulusog ang tatlo na umaming wala silang bisyo bukod sa pag-inom ocassionally. Itinatwa nila na they are on drugs. Dati ay hard core ang musika nila. Si Andrew E. ang naging malaking impluwensya para silay dumako sa rap music. At nagpapasalamat sila dito sapagkat pangunahing grupo na sila sa mundo ng rap. Lalo na nang bigyan sila ng malaking break ni Andrew E. na makasamang kumanta ng "Stupid Love" at makasamang lumabas sa pelikula na may kaparehong titulo.
In a way, ipinagmamalaki ng grupo na parang katulad din namin sila, mga reporter na nagsasabi ng mga kaganapan sa mundo sa pamamagitan ng rap music, positive rap, ang gusto nilang ipagdiinan.
Isa lang ang may asawa sa grupo, si Edwin. Ang dalawa pa ay pawang mga binata. Kasama nila sa lahat nilang mga lakad ang asawa ni Edwin na siyang tumatayong road manager ng grupo at ang gf nina Charlie at Romel na nagsisilbing support at inspirasyon hindi lamang ng mga bf nila kundi maging ng buong grupo.
Minsan ay naisulat ko si Karen delos Reyes dito dahil sa hindi magandang trato niya sa naging konsorte niya sa isang santacruzan. Nagawa niyang maibigay ang kanyang panig sa nasabing insidente sa isang gathering ng mga bagets ng Click, Saturdays, 4:30 ng GMA, na ginanap sa Ratsky Morato kamakailan lamang.
"Hindi po kami magkakilala ng naging konsorte ko. It was our first time to meet. Kaya nagulat na lamang ako nang ipulupot niya ang kanyang mga braso sa aking beywang nang kukunan na kami ng photo. I felt uncomfortable. Sinabi ko sa kanya yun. Hindi ko inakala na mamasamain niya. At nung naglalakad na kami, maputik ang daan pero, hindi niya ako inalalayan," anang bagong star. Ayun.
Isa si Karen sa pinaka-most promising sa grupo ng bagets na lumalabas sa Click. Maganda rin ang kanyang role sa seryeng Ang Iibigin ay Ikaw. Bagaman at malalaking artista ang kanyang mga kasama rito (Boyet, Goma, Alice, Lani, etc) nagagawa niyang makuha ang interes ng mga manonood sa kanyang role, lalo na ngayong naka-sentro ang istorya sa kanya bilang isang nagtatago na nanghiram ng identity sa isang namatay na para hindi siya matunton ng mga naghahanap sa kanya.
Magkakaroon ng isang worship seminar ang religious leader, composer at Bible teacher na si Bob Fitts bukas, Agosto 16, 1-5 nh, sa Lighthouse Christian Community, Buencamino, Alabang City. Registration fee ay P100.
Kinabukasan ay mapapanood naman siya sa isang concert na pinamagatang I Will Bow to You, 7 ng, sa Philsports Complex (dating Ultra). Available ang mga tickets sa House of Praise Kiosks. Tumawag sa 9205291 loc. 201, 202, 125 at 139. Hanapin si Lyn.
Very humble ang Salbakuta at ayaw amining sikat na nga sila. Pero, maliwanag na pruweba ng kanilang kasikatan ang madalas ay pagkakaintriga nila sa ilang mga kapwa singers nila. Tulad ni Aiza Seguerra na napatunayan din nila ay inosente sa mga naging isyu na kinasangkutan nito tungkol sa kanila. Mayroon lamang daw sigurong gumagawa ng paraan para silay sirain. Kung ano ang dahilan ay hindi nila masabi at ayaw na nilang pahalagahan pa. Na-intriga rin sila recently kay Mystica pero sinabi na nila sa kanilang mga sarili na ang mga ganitong bagay ay hindi na lamang nila papatulan. "Sakyan na lamang daw namin, ni Andrew," anang tatlong myembro ng grupo na sina Edwin Encarnacion (Mad Killah), Romel Tejada (Bendetta) at Charlito Dellosa (Charlie Mack).
Pawang malulusog ang tatlo na umaming wala silang bisyo bukod sa pag-inom ocassionally. Itinatwa nila na they are on drugs. Dati ay hard core ang musika nila. Si Andrew E. ang naging malaking impluwensya para silay dumako sa rap music. At nagpapasalamat sila dito sapagkat pangunahing grupo na sila sa mundo ng rap. Lalo na nang bigyan sila ng malaking break ni Andrew E. na makasamang kumanta ng "Stupid Love" at makasamang lumabas sa pelikula na may kaparehong titulo.
In a way, ipinagmamalaki ng grupo na parang katulad din namin sila, mga reporter na nagsasabi ng mga kaganapan sa mundo sa pamamagitan ng rap music, positive rap, ang gusto nilang ipagdiinan.
Isa lang ang may asawa sa grupo, si Edwin. Ang dalawa pa ay pawang mga binata. Kasama nila sa lahat nilang mga lakad ang asawa ni Edwin na siyang tumatayong road manager ng grupo at ang gf nina Charlie at Romel na nagsisilbing support at inspirasyon hindi lamang ng mga bf nila kundi maging ng buong grupo.
"Hindi po kami magkakilala ng naging konsorte ko. It was our first time to meet. Kaya nagulat na lamang ako nang ipulupot niya ang kanyang mga braso sa aking beywang nang kukunan na kami ng photo. I felt uncomfortable. Sinabi ko sa kanya yun. Hindi ko inakala na mamasamain niya. At nung naglalakad na kami, maputik ang daan pero, hindi niya ako inalalayan," anang bagong star. Ayun.
Isa si Karen sa pinaka-most promising sa grupo ng bagets na lumalabas sa Click. Maganda rin ang kanyang role sa seryeng Ang Iibigin ay Ikaw. Bagaman at malalaking artista ang kanyang mga kasama rito (Boyet, Goma, Alice, Lani, etc) nagagawa niyang makuha ang interes ng mga manonood sa kanyang role, lalo na ngayong naka-sentro ang istorya sa kanya bilang isang nagtatago na nanghiram ng identity sa isang namatay na para hindi siya matunton ng mga naghahanap sa kanya.
Kinabukasan ay mapapanood naman siya sa isang concert na pinamagatang I Will Bow to You, 7 ng, sa Philsports Complex (dating Ultra). Available ang mga tickets sa House of Praise Kiosks. Tumawag sa 9205291 loc. 201, 202, 125 at 139. Hanapin si Lyn.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended