Kyla, anak ni Dan Alvaro?
August 14, 2002 | 12:00am
Nagme-merienda kami ng ating mga kasamahan sa panulat na sina Dennis Aguilar at Ben dela Cruz (ng Bulgar), Gerry Ocampo (ng Peoples Tonight) at si Joe Cesar (ng Remate) sa may Red Ribbon along Hemady St., Quezon City nung nakaraang linggo ng hapon nang biglang dumating ang aktor na si Dan Alvaro at ilang kasama nito. Galing umano sila sa GMA-7.
Ikinuwento sa amin ni Dan na may mga tumawag umano sa kanya at tinatanong siya kung totoo ngang siya ang ama ng fast-rising singer at recording artist ng EMI na si Kyla.
"Ang brother ko ang unang nagsabi sa akin na narinig naman umano niya sa ilang kaibigan. Siyempre, nagulat ako and at the same time, gusto kong malaman kung ano ang totoo. Nagtanong-tanong ako at may nagsabi sa akin na regular si Kyla sa SOP kaya nagtungo kami run. Gusto ko sanang tanungin siya kung sino ang kanyang ina at dun ko lang siguro malalaman kung totoo ngang ako nga ang kanyang ama. Sa akin naman kasi, walang problema kung ako nga ang itinuturong ama dahil lahat ng walong anak ko (sa ibat ibang babae) ay ina-acknowledge ko at magkakakilala sila," pahayag ng aktor.
Twenty-two years old na ang panganay ni Dan na si Stacey Galura (tunay na apelyido ni Dan). Ang iba pa niyang mga anak (sa apat na babae) ay sina Dandren, Cris, Jordan, Ria, Ram-Ram at Ira. Sina Jordan at Ria ay pareho nang sumakabilang buhay. Na-hit-and-run si Jordan at namatay naman sa sakit si Ria.
Tulad ng comedy king na si Dolphy, nananatiling binata si Dan dahil wala pa siyang pinapakasalan sa mga babaeng nakaugnayan niya at kasama na rito ang kanyang live-in partner sa kasalukuyan kung kanino naman siyang may isang anak, ang kanyang pinakabunso na si Ira.
Sa kabila na hindi kasal si Dan (Rolando M. Galura sa tunay na buhay), dala-dala ng kanyang mga anak ang kanyang apelyido.
"Kahit hindi kami magkakasama sa iisang bubong, close sa akin ang mga anak ko at regular kaming nagkikita-kita," anang aktor.
Since madalang pa sa patak ng ulan ang dating sa kanya ngayon ng movie offers, minabuti niyang magtayo ng sarili niyang negosyo, isang restaurant business, ang Wok King sa may 15th Avenue in Cubao, Quezon City. Balak din niyang magtayo ng iba pang negosyo sa tulong ng kanyang mga kaibigan.
May alok kay Dan Alvaro para sa pelikulang Lapu-Lapu ni Lito Lapid pero binarat-barat umano ang kanyang budget kaya umatras na lamang siya.
Tulad sa simula ni Lito Lapid, nagsimula rin si Dan sa pagiging stuntman at taga-double sa mga action stars hanggang sa mabigyan siya ng break sa pelikula ni Baby Pascual sa Chicas at Mad Warrior. Very memorable kay Dan ang pelikulang Condemned dahil naka-partner niya ang superstar na si Nora Aunor.
Come October 7, forty one na si Dan, pero guwapo pa rin ito at matipuno at parang magkapatid lang silang tingnan ng kanyang panganay na si Stacey.
Para malinawan namin ang isyu, personal naming tinawagan ang manager ni Kyla na si Maristel Fernandez na nagulat sa ibinato naming isyu tungkol sa aktor na si Dan Alvaro na siya umanong ama ng kanyang alaga.
Magmula nang i-handle niya si Kyla ay kilalang-kilalang din niya ang pamilya nito, ang parents ni Kyla na sina Atty. Eulysis Calumpad at ang misis nitong si Olivia pati na ang tatlong kapatid ni Kyla at iba pang kamag-anakan nito.
Tinanong din namin si Maristel kung totoo ngang nagpa-interview sa TV si Kyla at inamin nitong si Dan Alvaro ang kanyang tunay na ama.
"Paano mangyayari yon e lahat ng interviews ni Kyla ay kasama ako. Walang ganung interview," pagtutuwid ni Maristel.
Upang lubusan kaming maniwala, pinatawag sa amin ni Maristel ang daddy ni Kyla na si Atty. Calumpad at ito na mismo ang nagpasinungaling sa amin tungkol sa isyu.
"One hundred per cent akong sigurado na ako ang ama ni Kyla dahil nang mag-labor ang asawa ko, ako pa ang tumawag ng kumadrona at sa bahay lang namin ipinanganak si Kyla nung January 5, 1981," deklara ni Atty. Calumpad.
"Paano sasabihin ng iba na hindi ako ang tunay na ama ni Kyla?" buong pagtataka na tinuran ng ama ng singer.
"Bilang ama, nasubaybayan ko ang pagluwal hanggang sa kanyang paglaki si Kyla pati na ang tatlo ko pang anak dahil araw-araw kaming magkakasama. Ang hindi ko lang malaman ay kung sino ang nagpasimula ng maling balitang ito at kung ano ang kanilang motibo," malungkot na pahayag ni Atty. Calumpad.
"Ayokong magkaroon ng problema sa pamilya ko nang dahil lamang sa mga maling balitang ito. Alam namin ng asawa ko ang totoo. Tahimik lamang ang aming pamumuhay at si Kyla naman ay nagsisikap lamang na mapaganda ang kanyang career bilang isang mang-aawit," paliwanag pa ng nababahalang ama.
Speaking of Kyla, very proud ang kanyang mga magulang sa kanyang pagkakapanalo sa nakaraang Aliw Awards bilang Best New Artist. Itoy karagdagan lamang sa napakarami na niyang karangalang natanggap mula sa ibat ibang award-giving bodies sa larangan ng musika.
Si Kyla rin ang ka-duet ni Gary Valenciano sa remake ng hit song ni Joe Mari Chan, na "Can We Just Stop & Talk Awhile" at mabentang-mabenta ang kanyang dalawang albums sa EMI Music, ang "Way To Your Heart" at ang kanyang self-titled album na "Kyla."
Personal: Ang aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng taong nakiramay sa aming pamilya sa pagyao ng aking kapatid na si Ma. Clarita Gonzales-Gayo na sumakabilang-buhay nung nakaraang Hulyo 30. Sa inyong lahat, maraming-maraming salamat po!
Email:[email protected]
Ikinuwento sa amin ni Dan na may mga tumawag umano sa kanya at tinatanong siya kung totoo ngang siya ang ama ng fast-rising singer at recording artist ng EMI na si Kyla.
"Ang brother ko ang unang nagsabi sa akin na narinig naman umano niya sa ilang kaibigan. Siyempre, nagulat ako and at the same time, gusto kong malaman kung ano ang totoo. Nagtanong-tanong ako at may nagsabi sa akin na regular si Kyla sa SOP kaya nagtungo kami run. Gusto ko sanang tanungin siya kung sino ang kanyang ina at dun ko lang siguro malalaman kung totoo ngang ako nga ang kanyang ama. Sa akin naman kasi, walang problema kung ako nga ang itinuturong ama dahil lahat ng walong anak ko (sa ibat ibang babae) ay ina-acknowledge ko at magkakakilala sila," pahayag ng aktor.
Twenty-two years old na ang panganay ni Dan na si Stacey Galura (tunay na apelyido ni Dan). Ang iba pa niyang mga anak (sa apat na babae) ay sina Dandren, Cris, Jordan, Ria, Ram-Ram at Ira. Sina Jordan at Ria ay pareho nang sumakabilang buhay. Na-hit-and-run si Jordan at namatay naman sa sakit si Ria.
Tulad ng comedy king na si Dolphy, nananatiling binata si Dan dahil wala pa siyang pinapakasalan sa mga babaeng nakaugnayan niya at kasama na rito ang kanyang live-in partner sa kasalukuyan kung kanino naman siyang may isang anak, ang kanyang pinakabunso na si Ira.
Sa kabila na hindi kasal si Dan (Rolando M. Galura sa tunay na buhay), dala-dala ng kanyang mga anak ang kanyang apelyido.
"Kahit hindi kami magkakasama sa iisang bubong, close sa akin ang mga anak ko at regular kaming nagkikita-kita," anang aktor.
Since madalang pa sa patak ng ulan ang dating sa kanya ngayon ng movie offers, minabuti niyang magtayo ng sarili niyang negosyo, isang restaurant business, ang Wok King sa may 15th Avenue in Cubao, Quezon City. Balak din niyang magtayo ng iba pang negosyo sa tulong ng kanyang mga kaibigan.
May alok kay Dan Alvaro para sa pelikulang Lapu-Lapu ni Lito Lapid pero binarat-barat umano ang kanyang budget kaya umatras na lamang siya.
Tulad sa simula ni Lito Lapid, nagsimula rin si Dan sa pagiging stuntman at taga-double sa mga action stars hanggang sa mabigyan siya ng break sa pelikula ni Baby Pascual sa Chicas at Mad Warrior. Very memorable kay Dan ang pelikulang Condemned dahil naka-partner niya ang superstar na si Nora Aunor.
Come October 7, forty one na si Dan, pero guwapo pa rin ito at matipuno at parang magkapatid lang silang tingnan ng kanyang panganay na si Stacey.
Magmula nang i-handle niya si Kyla ay kilalang-kilalang din niya ang pamilya nito, ang parents ni Kyla na sina Atty. Eulysis Calumpad at ang misis nitong si Olivia pati na ang tatlong kapatid ni Kyla at iba pang kamag-anakan nito.
Tinanong din namin si Maristel kung totoo ngang nagpa-interview sa TV si Kyla at inamin nitong si Dan Alvaro ang kanyang tunay na ama.
"Paano mangyayari yon e lahat ng interviews ni Kyla ay kasama ako. Walang ganung interview," pagtutuwid ni Maristel.
Upang lubusan kaming maniwala, pinatawag sa amin ni Maristel ang daddy ni Kyla na si Atty. Calumpad at ito na mismo ang nagpasinungaling sa amin tungkol sa isyu.
"One hundred per cent akong sigurado na ako ang ama ni Kyla dahil nang mag-labor ang asawa ko, ako pa ang tumawag ng kumadrona at sa bahay lang namin ipinanganak si Kyla nung January 5, 1981," deklara ni Atty. Calumpad.
"Paano sasabihin ng iba na hindi ako ang tunay na ama ni Kyla?" buong pagtataka na tinuran ng ama ng singer.
"Bilang ama, nasubaybayan ko ang pagluwal hanggang sa kanyang paglaki si Kyla pati na ang tatlo ko pang anak dahil araw-araw kaming magkakasama. Ang hindi ko lang malaman ay kung sino ang nagpasimula ng maling balitang ito at kung ano ang kanilang motibo," malungkot na pahayag ni Atty. Calumpad.
"Ayokong magkaroon ng problema sa pamilya ko nang dahil lamang sa mga maling balitang ito. Alam namin ng asawa ko ang totoo. Tahimik lamang ang aming pamumuhay at si Kyla naman ay nagsisikap lamang na mapaganda ang kanyang career bilang isang mang-aawit," paliwanag pa ng nababahalang ama.
Speaking of Kyla, very proud ang kanyang mga magulang sa kanyang pagkakapanalo sa nakaraang Aliw Awards bilang Best New Artist. Itoy karagdagan lamang sa napakarami na niyang karangalang natanggap mula sa ibat ibang award-giving bodies sa larangan ng musika.
Si Kyla rin ang ka-duet ni Gary Valenciano sa remake ng hit song ni Joe Mari Chan, na "Can We Just Stop & Talk Awhile" at mabentang-mabenta ang kanyang dalawang albums sa EMI Music, ang "Way To Your Heart" at ang kanyang self-titled album na "Kyla."
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended