Onemig nagbago na!
August 14, 2002 | 12:00am
Inulan kami ng reaksyon mula sa mga kaibigan tungkol sa isiniwalat ni Kris Aquino sa The Buzz noong Sunday tungkol sa insidenteng naganap between her and Alma Moreno sa Asian Hospital kung saan nag-undergo si Joey Marquez ng angiogram. Tulad ko, marami ang naniniwala sa mga statements ni Kris. We feel for her.
Inamin ni Kris ang tanging kasalanan niya ay nagmahal siya ng totoo. At nagkataon nga na si Joey yung lalake na dumating at the time na ready na siyang muling magmahal. Nag-apologize si Kris sa kanyang mom, si Tita Cory Aquino dahil nasaktan niya ito. Sa pamamagitan ng isang sulat, nagpahayag si Tita Cory ng kanyang sama ng loob.
Sa basa namin sa insidente sa ospital, mukhang umiral na naman ang may pagkapalengkerang ugali ni Alma. Hindi ito namili ng lugar kung saan gagawa siya ng iskandalo. Kunsabagay, noted naman talaga si Alma sa pagkabungangera. Isa itong ugali ni Alma na ayaw na ayaw ni Joey nong nagsasama pa sila. What Alma did was a desperate move. A pathetic one.
Sabi ng isang kaibigan namin, "Kaya ganyan yang si Alma, hindi kasi siya sineryoso nung lalakeng ipinagpalit niya kay Joey! Yung si Julian Say. Kung tutuusin, si Alma talaga ang unang nagloko!"
Well, kung saan man hahantong ang isyung ito nina Joey, Kris at Alma, only time will tell.
Marami ang agree sa akin sa obserbasyon ko na malaki na talaga ang in-improve ni Onemig Bondoc bilang aktor. Nakita namin ito sa mga shows kung saan regular na napapanood ang aktor. Very convincing ang portrayal na ipinapakita niya sa Pangako Sa Yo. Kaya na niyang makipagsabayan kina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Kahit sa Tabing Ilog ay iba rin ang istilong ipinapakita ni Onemig bilang bagong lalake sa buhay ni Desiree del Valle.
Kahit nga si Gilbert Perez, ang direktor ng pelikulang Jologs kung saan major cast si Onemig ay nakita rin ang malaking improvement ng aktor. Ayon sa direktor, sa Trip pa lang ay nakita na niya ito kaya he immediately put Onemig sa cast ng Jologs.
Napanood din namin yung music video ng Jologs at napansin namin na si Onemig ang lumabas na pinakaguwapo, although may kanya-kanya kasing drama pa ang iba pang cast. Bumagay siya nang husto sa character niyang band member.
Tiyak na matutuwa si Onemig sa magagandang feedback sa kanya ngayon. Si Onemig kasi yung klase ng tao na kapag pinuna mo, he wont take it against you bagkus, pagbubutihan niya.
Speaking of Jologs, showing na ito sa August 28.
Masayang-masaya si Maoui David nang ibalita sa kanya ni Mr. Johnny Manahan na magiging regular na siyang host ng Magandang Tanghali Bayan simula noong nakaraang Linggo. Si Maoui ay Star Circle Batch 10 member at nung launch nga nila ay siya yung sinasabing real performer. Dahil bukod sa magandang boses, mahusay pa itong sumayaw.
She attributes her innate singing talent to her dad na isa ring performer noong kabinataan nito. Her dad, Andrei David ay kilala sa mga singing spots sa San Diego, California kung saan lumaki si Maoui. Si Andrei mismo ang nag-train sa anak pagdating sa pagiging performer nito. Kahit si Maoui ay kilala na rin ng mga Pinoy sa San Diego dahil napapanood ito sa The Filipino Channel.
Bukod sa MTB, Maoui is doing the rounds of ABS-CBN programs.
Nagkaroon din siya ng one-month gig as regular performer sa Klownz Music Bar na pag-aari ni Allan K.
Mukhang makakagawa na naman ang ABS-CBN ng isang junior diva in the person of Maoui. Soon, she will join the league of Roselle Nava, Nikki Valdez, Diane dela Fuente at Carol Banawa. Suwerteng bata ni Maoui.
Inamin ni Kris ang tanging kasalanan niya ay nagmahal siya ng totoo. At nagkataon nga na si Joey yung lalake na dumating at the time na ready na siyang muling magmahal. Nag-apologize si Kris sa kanyang mom, si Tita Cory Aquino dahil nasaktan niya ito. Sa pamamagitan ng isang sulat, nagpahayag si Tita Cory ng kanyang sama ng loob.
Sa basa namin sa insidente sa ospital, mukhang umiral na naman ang may pagkapalengkerang ugali ni Alma. Hindi ito namili ng lugar kung saan gagawa siya ng iskandalo. Kunsabagay, noted naman talaga si Alma sa pagkabungangera. Isa itong ugali ni Alma na ayaw na ayaw ni Joey nong nagsasama pa sila. What Alma did was a desperate move. A pathetic one.
Sabi ng isang kaibigan namin, "Kaya ganyan yang si Alma, hindi kasi siya sineryoso nung lalakeng ipinagpalit niya kay Joey! Yung si Julian Say. Kung tutuusin, si Alma talaga ang unang nagloko!"
Well, kung saan man hahantong ang isyung ito nina Joey, Kris at Alma, only time will tell.
Kahit nga si Gilbert Perez, ang direktor ng pelikulang Jologs kung saan major cast si Onemig ay nakita rin ang malaking improvement ng aktor. Ayon sa direktor, sa Trip pa lang ay nakita na niya ito kaya he immediately put Onemig sa cast ng Jologs.
Napanood din namin yung music video ng Jologs at napansin namin na si Onemig ang lumabas na pinakaguwapo, although may kanya-kanya kasing drama pa ang iba pang cast. Bumagay siya nang husto sa character niyang band member.
Tiyak na matutuwa si Onemig sa magagandang feedback sa kanya ngayon. Si Onemig kasi yung klase ng tao na kapag pinuna mo, he wont take it against you bagkus, pagbubutihan niya.
Speaking of Jologs, showing na ito sa August 28.
She attributes her innate singing talent to her dad na isa ring performer noong kabinataan nito. Her dad, Andrei David ay kilala sa mga singing spots sa San Diego, California kung saan lumaki si Maoui. Si Andrei mismo ang nag-train sa anak pagdating sa pagiging performer nito. Kahit si Maoui ay kilala na rin ng mga Pinoy sa San Diego dahil napapanood ito sa The Filipino Channel.
Bukod sa MTB, Maoui is doing the rounds of ABS-CBN programs.
Nagkaroon din siya ng one-month gig as regular performer sa Klownz Music Bar na pag-aari ni Allan K.
Mukhang makakagawa na naman ang ABS-CBN ng isang junior diva in the person of Maoui. Soon, she will join the league of Roselle Nava, Nikki Valdez, Diane dela Fuente at Carol Banawa. Suwerteng bata ni Maoui.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended