Mikey naunahan na naman ng ina
August 14, 2002 | 12:00am
Natatawa na lamang ang presidential son na si Mikey Arroyo dahil for the second time ay na-preempt ng kanyang ina, ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang pagsasabi na malapit na siyang maging lola sa kanyang panganay na anak, na buntis na ang kanyang manugang na si Angela Montenegro Arroyo, na kailan lamang ay naging pangunahing tauhan sa itinuturing na kasal ng milenyo, kasama si Mikey.
"Hindi ko pa sana sasabihin dahil hindi ko pa tiyak kung ilang buwan na ang baby nor kung lalaki ito o babae pero, nasabi na ng mom ko. If you remember, it was also her who told of my impending wedding to Angela," natatawang kwento ni Mikey sa first shoot ng kanyang action comedy movie sa Viva Films with Andrew E., Blakdyak and Salbakuta.
"I have no more time for Angela. Tinext nga niya ako kanina saying na Im sad. Youre always leaving me now.
Pero, sabi ko sa kanya, pinag-usapan naman namin ito before the wedding. But just the same, nami-miss na niya ako.
"Bigla naman kasi kailangang maglagare ako ng three films. Aside from this one for Viva, I am shooting another one for FLT and a third one for MMG. Not that I am complaining pero, talagang napapagod na ako. I can not shoot on weekdays, only on weekends because of my job as Vice Governor of Pampanga which is my priority," dagdag pa niya.
Going back to Angela, sinabi niya na chocolate cookies ang pinaglilihian nito.
"Masarap may asawa. May naghihintay na sa akin pag-uwi ko ng bahay. May kakwentuhan na rin ako.
"Marami ring nagbago sa akin. Like mas kuripot pa ako ngayon kaysa dati. Mas masipag na rin ako ngayon and more careful with what I say because may masasaktan ng iba, like my wife," he ended.
Maganda rin pala sa personal ang 2nd prize winner natin sa Asia International Song Festival na ginanap sa Kasakhstan Republic (dating bahagi ng Russia) na si Arnee Hidalgo. Kaya naman pala nanalo rin siya bilang "Most Beautiful Contestant" sa nasabing three day song festival na ang last year grand prize winner ay isa ring Pinay, si Ladine Roxas, na ngayon ay may pino-promote na record sa Europe. She is being helped by composer Vehnee Saturno, na instrumental sa pagkakasali ni Arnee sa competition. Isa ito sa mga judges sa songfest kung kaya tinanggihan niya ang kanyang award bilang composer ng nanalong best song. Sinabi na lamang niya na ibigay na lamang ito sa iba, bilang delicadeza.
Tatlo ang entries ng Pilipinas na inawit lahat ni Arnee, ang "Where I Wanna Be", "Til My Heartaches End at "Sing But One Song", ang nanalo ng pangalawang premyo. Lahat ng nakalaban niya ay pawang mga consistent songfest winners. Si Arnee lamang ang baguhan.
Si Arnee ay may gagawing album sa Universal Records.
Maituturing ko namang napaka-swerte nitong si James Blanco. Talagang nakatakda siyang sumikat. Biruin mo, akala ko napatungan na ang papel niya bilang partner ni Angelika dela Cruz sa Ikaw Lang Ang Mamahalin nang pumasok si Mark Anthony Fernandez sa serye pero, hindi naman ito nagtagal at nawala rin. Now, James is back playing his role as Angelikas leading man at pinatutunayan niyang muli na hindi nagkamali ang GMA sa pagbibigay ng tiwala sa kanya. Bukod sa ILAM, maganda rin ang role niya sa Kahit Kailan opposite Jolina Magdangal.
Maganda rin ang future niya sa pelikula. Sa Regal Films na kung saan siya ay naka-kontrata ay may tatlong movies siyang gagawin. Pinayagan din siya dito na gumawa ng isa sa isang independent outfit.
Sa kasalukuyan ay endorser siya at image model ng Bratt Shirts.
"Hindi ko pa sana sasabihin dahil hindi ko pa tiyak kung ilang buwan na ang baby nor kung lalaki ito o babae pero, nasabi na ng mom ko. If you remember, it was also her who told of my impending wedding to Angela," natatawang kwento ni Mikey sa first shoot ng kanyang action comedy movie sa Viva Films with Andrew E., Blakdyak and Salbakuta.
"I have no more time for Angela. Tinext nga niya ako kanina saying na Im sad. Youre always leaving me now.
Pero, sabi ko sa kanya, pinag-usapan naman namin ito before the wedding. But just the same, nami-miss na niya ako.
"Bigla naman kasi kailangang maglagare ako ng three films. Aside from this one for Viva, I am shooting another one for FLT and a third one for MMG. Not that I am complaining pero, talagang napapagod na ako. I can not shoot on weekdays, only on weekends because of my job as Vice Governor of Pampanga which is my priority," dagdag pa niya.
Going back to Angela, sinabi niya na chocolate cookies ang pinaglilihian nito.
"Masarap may asawa. May naghihintay na sa akin pag-uwi ko ng bahay. May kakwentuhan na rin ako.
"Marami ring nagbago sa akin. Like mas kuripot pa ako ngayon kaysa dati. Mas masipag na rin ako ngayon and more careful with what I say because may masasaktan ng iba, like my wife," he ended.
Tatlo ang entries ng Pilipinas na inawit lahat ni Arnee, ang "Where I Wanna Be", "Til My Heartaches End at "Sing But One Song", ang nanalo ng pangalawang premyo. Lahat ng nakalaban niya ay pawang mga consistent songfest winners. Si Arnee lamang ang baguhan.
Si Arnee ay may gagawing album sa Universal Records.
Maganda rin ang future niya sa pelikula. Sa Regal Films na kung saan siya ay naka-kontrata ay may tatlong movies siyang gagawin. Pinayagan din siya dito na gumawa ng isa sa isang independent outfit.
Sa kasalukuyan ay endorser siya at image model ng Bratt Shirts.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
22 hours ago
By Salve Asis | 22 hours ago
22 hours ago
By Boy Abunda | 22 hours ago
22 hours ago
By Gorgy Rula | 22 hours ago
Recommended