^

PSN Showbiz

Carlos hindi na inaagnas ang make-up

-
Ilang ulit na naming nasusubukan ang tunay na kulay ni Carlos Agassi. Sa kabila ng mga puna namin sa kanya in the past, good or bad criticisms, he’ll take it constructively. Hindi siya yung tipong bengatibo at nagtatanim ng galit, tulad ng ibang artistang pikon. Hahanapin pa ang writer kapag hindi nagustuhan ang sinulat tungkol sa kanya para komprontahin.

Isa kami sa ilang pumupuna kay Carlos tungkol sa kanyang acting. Nahihirapan pa kasi siya noon na gampanan effectively ang karakter na Benjie sa teleserye nilang Sa Dulo Ng Walang Hanggan.

Bukod kasi sa kanyang good looks, nakaka-distract din yung humuhulas niyang make-up kapag nagdadrama siya. Paano ka madadala ng malulungkot niyang eksena kapag nakikita mong parang naaagnas yung foundation sa mukha niya, di ba sa halip, matatawa ka na lang?

Parehong kaso rin ito noon kay Luis Alandy. Drama rin ang eksena, halos paiyak na itong nagda-dialogue, pero mako-confuse ka dahil sa kintab ng kanyang mga labi. Wet lips at halatang ginamitan ng lip gloss, ka-lalaking tao!

Mabuti na lang, hindi na gumagamit ngayon ng pakintab sa labi itong si Luis. Hanga pa naman kami sa acting capacity niya, in fairness. Tingnan ninyo siya ngayon sa kanyang mga eksena, lalaking-lalaki na ang dating.

And Carlos, wala na kaming masabi sa kanya. Kuntento na kami sa akting niya ngayon. Kahit paminsan-minsan, naiinis kami at sumusobra na naman ang lagay ng make-up sa mukha niya. Sino na naman kaya ang make-up artist nila ngayon sa seryeng SDNWH?

Hindi naman kasi si Carlos per se, ang pinupuna ng ilang manunulat. Gusto lang nilang mag-improve siya sa klase ng kanyang pagganap. Kalakip noon ang malasakit, na sana’y pagbutihan pa niya.

Siguro na-realize na niyang hindi naman talaga siya pine-personal ng mga pumupuna sa kanya. Ngayon, malaki na ang improvement niya at napapansin na lang ang ilang flaws na likha ng di makatotohanang pangyayari ng ilang eksena sa serye. But in all honesty, hindi na yun kasalanan ni Carlos.

Samantala, kabilang ang Dekada ‘70 sa sampung napiling script para sa darating na 2002 Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP). Kasama si Carlos sa pelikulang ito na pinangungunahan ng mga premyadong artista, sina Lipa Mayor Vilma Santos-Recto and Christopher de Leon.– Ben Dela Cruz

BEN DELA CRUZ

BENJIE

BUKOD

CARLOS

CARLOS AGASSI

DEKADA

LUIS ALANDY

MAYOR VILMA SANTOS-RECTO

METRO MANILA FILM FESTIVAL PHILIPPINES

SA DULO NG WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with