^

PSN Showbiz

Jao Mapa, nadala sa intriga

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Aksidenteng nagkita kami ni Jao Mapa sa isang bangko. Nagkaroon kami ng pagkakataong mag-usap sandali at nasabi niya sa akin na nagpaplano siyang magbalik showbiz pelikula man o telebisyon. Napanood ko nga siya sa Maynila (GMA 7) at palagay ko ay desidido na siyang maging aktibong muli na makisalamuha sa daigdig ng showbiz na minsan na niyang iniwan dahil sa grabeng intriga.

Nakita ko noon ang malaking potential ni Jao para maging isang Christopher de Leon. Pero umiral ang favoritism sa mga taong humawak sa kanya kaya nadiskaril ang career niya noon. Tapos hinaluan pa ng iba’t ibang intriga na ang pinaka-grabe ay ang tungkol sa droga kaya sumuko ang bata.

Sayang talaga si Jao. Pero andiyan na ’yan, wala na tayong magagawa, hindi na natin maibabalik ang panahon.

Sana maging aral na ito sa ibang tao o sa isang TV station na huwag naman nilang daanin ang lahat ng bagay sa palakasan. Kung sino ang malakas sa kanila, ’yun ang parati mong mapapanood sa kanilang mga programa na nagiging rason para magreklamo ang mga televiewers na pare-parehong artista na lang ang kanilang napapanood.

Basta ako Jao, kung may maitutulong ako sa ‘yong pagbabalik showbiz, tawagan mo lang ako at handa akong tumulong.
* * *
Binabati ko ang Bayanihan Dancers na nagdiwang ng kanilang ika-45th anniversary noong nakaraang Huwebes sa pamamagitan ng isang party sa Century Park. Dumalo ang mga dating miyembro ng Bayanihan kabilang na si Manila Mayor Lito Atienza dahil sa maniwala kayo’t sa hindi, naging miyembro ng Bayanihan si Mayor Atienza.

Dahil nga anniversary nila, nagkaroon sila ng production numbers. Ang galing nila. Kaya nga tinanong ko sila kung bakit hindi sila magkaroon ng isang malaking show para naman mapanood sila ng marami nating kababayan.

Natatandaan ko, no’ng panahon ni Madam Imelda Marcos, ipinagmamalaki niya ang Bayanihan dahil pang-world class talaga ang galing nila. Sayang nga lang at wala silang exposure dito sa atin - ni hindi man lang sila napapanood sa mga TV shows dahil alam naman natin ang priority ng mga shows ngayon, mga bagets na kahit hindi marunong kumanta at sumayaw ay pinipilit maging singer at dancer.

Ganoon pa man, sinabi nilang pagdating ng golden anniversary nila, gagawa sila ng isang malaking show na siguradong magbibigay sa atin ng isang magandang karanasan na hindi natin malilimutan. Bagama’t malayo pa ‘yun, limang taon pa ang ating hihintayin, nai-excite na ako.

Sa bumubuo ng Bayanihan, binabati ko kayo. Sana ay patuloy n’yong bigyan ng karangalan ang ating bansa na nagpapaalala sa ating pagkakaisa at paggunita sa ating kultura.
* * *
Medyo naalarma ako sa mga naglalabasang issue tungkol kay Jordan Herrera. Parang nakakapanghinayang. Ang dami-daming issue na ipinupukol sa kanya. Isa na rito ang pagiging unprofessional niya Hindi raw dumarating sa mga commitment niya. Samantalang kung tutuusin, magagandang oportunidad ang dumarating sa kanya. Bihira ang ganitong pagkakataon. ‘Yung iba nga d’yan ang tagal-tagal nang naghihintay na magkaroon ng break sa pelikula at telebisyon, pinagdadamutan ng kapalaran, pero ikaw na lahat ng magagandang bagay ay dumarating sa ‘yo, parang binabalewala mo.

Pinaalalahanan lang kita iho bilang pangulo ng Kapisanan ng Mga Artista ng Telebisyon at Pelikula. Hindi madaling makapasok sa showbiz, kaya samantalahin mo ang pagkakataon.
* * *
Parang ang labo naman nang nangyari sa kasamahang si Cristy Fermin. Parang wala silang basehan o kahit konting dahilan para biglang sabihin sa kanya na hindi na matutuloy ang show niya sa ABS-CBN.

Nakakapanghinayang ang nangyari, hindi pa man nagsisimula, may tao nang gustong sirain si Cristy.

Bakit kaya may ibang tao na ang tanging hangarin ay pigilan na umangat ang ibang tao? Pilit nilang hinaharangan ang mga bagay na magbibigay ng kaginhawahan sa ibang tao.

Kunsabagay, may kasabihan naman tayong hindi natutulog ang Diyos. Alam niya kung anong ginagawa ng ibang tao sa kanilang kapwa. Pasasaan ba’t mari-realize rin nila sa bandang huli ang kanilang mga masamang ginawa.

BAYANIHAN

BAYANIHAN DANCERS

CENTURY PARK

CRISTY FERMIN

IMELDA MARCOS

ISANG

JAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with