^

PSN Showbiz

The Hunks, bubuwagin na?

RATED A - Aster Amoyo -
Napanood namin ang episode ng Morning Girls nina Pops Fernandez, Zsazsa Padilla at Kris Aquino nang dumalaw sila sa set ng mga teleserye ng Channel 2, kasama si John Lapus. Si Kris ay dumalaw sa set ng Sa Puso ko, Iingatan Ka at si Piolo Pascual ang kaeksena niya na ni-request daw ni Kris na kumain sila ng almusal dahil galing siya sa taping ng Game K N B at gutom na gutom siya talaga.

Si Pops naman ay sa taping ng Recuerdo de Amor nagpunta at nakaeksena niya sina Carmina Villarroel, Angelene Aguilar, Ricky Rivero, John at Diether Ocampo. Nakausap din ni Pops si Diet at biniro ito sa paghahanap ng girlfriend samantalang lagi raw naman silang nakikitang magkasama ni Andrea Bautista. Sagot pa rin si Diet, noon pa sila magkakilala ni Andeng at best of friends daw lamang sila. Pero aminado siya na wife material si Andeng.

Sa set naman ng Pangako Sa ’Yo bumisita si Zsazsa at nakaeksena niya sina Jericho Rosales at Jestoni Alarcon. Grabe talaga si Jericho, ang dali niyang napatulo ang kanyang luha, pumasok sina Zsazsa at John. Sabi ni John, siya raw si Yna na hindi nakilala ni Angelo (Jericho) dahil namaga siya at nagdadalantao. May ibig bang ipakahulugan dito si John Lapus?
* * *
Wala na yatang pahinga ang kilalang bandang Freestyle. Kadarating lamang nila from a series of shows with Zsazsa Padilla sa States, pero hataw na naman sila sa sunud-sunod na shows dito sa bansa.

Tonight, sila ang tampok na banda sa Virgin Café, sa Tomas Morato - "Freestyle Live" Live!". Ang Freestyle ang umawit ng mga hits na "Before I Let You Go", "So Slow", "Till I Found You", "This Time" and a lot more.

For ticket inquiries, please call 926-8039 and 373-8766.
* * *
Isa pa ring soap ang mawawala na sa GMA-7 naman, ang Ikaw Lang Ang Mamahalin na nagtatampok kay Angelika dela Cruz. Matagal na ring napapanood ang soap, more than a year na, lumampas na sa one-year contract nito. Ang maganda naman sa GMA-7, sinabihan na nila agad ang bumubuo ng cast na matatapos na ang kanilang soap para nga naman hindi sila mabigla.

Pero may kapalit itong bagong soap na malamang si Angelika pa rin ang lead star. Ito raw ang ipinangako sa dalaga, na may mas magandang plano sila sa kanya bago matapos ang taon. Sa cast ng ILAM, si Albert Martinez lamang yata, bukod kay Angelika, ang makakasama sa susunod na soap.
* * *
May mga fans ang The Hunks na nakausap namin na nag-react sa pagkuha ng ABS-CBN sa Power Boys (dating Rexona Boys). Gusto na raw ba nilang buwagin ang The Hunks kaya nila kinuha ang Power Boys? Lalong hindi nila nagustuhan ang balitang sila ang ididirek ni Joyce Bernal sa isang pelikulang dapat ay ang The Hunks ang gagawa.

Pero six months lamang naman ang pinirmahang kontrata ng Power Boys sa ABS-CBN at ilo-launch sila tomorrow sa Magandang Tanghali, Bayan. At kung hindi man matuloy ang The Hunks na gawin ang pelikula, ito’y dahil sa nahihirapan ang Talent Center na pagtagpu-tagpuin ang schedules nila. Pare-pareho kasi silang busy at pare-parehong may taping ng kani-kanilang teleserye.

Ang Power Boys ay sina Jordan Herrera, 19 years old; Frank Garcia, 18 years old; Geff Rodriguez, 19 years old from Australia; Jay Salas, 21 years old at Greg Martin, 21 years old from Brooklyn, New York.

ALBERT MARTINEZ

ANDENG

ANGELIKA

JOHN LAPUS

NAMAN

PERO

POWER BOYS

SILA

ZSAZSA PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with