^

PSN Showbiz

Dranreb 15 months sa rehab

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Napanood namin ang pilot telecast ng Magandang Umaga Bayan and I would say na mas maganda ang tema ng show kumpara sa Alas Singko Y Medya. Mas fast-paced ang MUB at malaman, kumbaga.

Gusto namin ang rapport nina Julius Babao, Cheryl Cosim at Erwin Tulfo. Mixed din ang kani-kanilang views sa mga isyung kanilang dini-discuss. Like si Cheryl, kitang-kita namin ang pagkaimbyerna niya kay Dennis da Silva at sa live-in partner nito na mas kinampihan pa ng babae si Dennis kaysa sa anak nito na ni-rape at nabuntis diumano ni Dennis.

Equally fast-paced din ang Fast Break Balita nina Aljo Bendijo at Katherine de Castro. Sina Bobby Yan at Pia Guanio naman ay okey din sa kanilang mga feature stories.

Kahit nga ‘yung mga payong legal nina Congressman Miguel Zubiri at Atty. Andres ay gusto namin. And what made the episode more exciting? Ito ‘yung blind item segment ng kaibigan naming si Ogie Diaz. Funny ‘yung pagkaka-discuss ni Ogie ng kanyang balita. Medyo give-away nga lang ‘yung identity ng kanyang blind item.

Sana ay regular na naming mapanood si Ogie sa MUB dahil nakakatuwa ‘yung portion niya. Happy kami dahil regular na naman naming mapapanood si Ogie sa telebisyon. Mapapanood pa rin siyempre si Jeff Fernando sa kanyang mga showbiz balita.

Gusto naming batiin ang bumubuo ng MUB dahil may dahilan na naman para kami gumising ng maaga araw-araw.
* * *
Mabigat sa loob ni Divina Valencia ang kanyang desisyon na ipasok sa rehabilitation ang anak na si Dranreb Belleza. Naikuwento ni Divina sa Morning Girls noong Lunes na hindi madaling gawin ang naging decision niya pero aniya, iyon daw ang nararapat.

"It was a tough decision," sabi ni Divina. "Pero kailangan, eh. The situation is getting out of hand and before everything gets worse, ginawa ko na ‘yun."

Naikuwento ni Divina na may kamahalan ang pagpapa-rehab ng anak pero aniya, wala nang ibang recourse kundi ito. Umaabot sa mga P600,000 ang gagastusin para sa 15 months na rehabilitation ni Dranreb. After ng period na ‘yun, gusto niyang dumiretso na sa America ang anak at mamumuhay ito ng masaya.

Kasabay ng kanyang ginawa, nakikiusap din si Divina sa mga magulang na may similar na problemang ‘tulad sa kanya. Huwag daw i-tolerate ng mga magulang ang paggamit ng kanilang anak ng bawal na gamot.

Sa ngayon, madalas na maging resource person si Divina sa mga talks on the effect of illegal drugs dahil nga sa naging karanasan niya sa kanyang anak. Gusto niyang maging instrumento para makapag-save pa ng buhay ng mga drug user.
* * *
Inihahanda na ng ABS-CBN si Heart Evangelista for stardom. Maingat ang pamunuan ng ABS-CBN Talent Center sa decision nito sa magandang teen actress. Kumbaga, carefully-chosen ang mga projects na ibinibigay kay Heart. Mula sa telebisyon, pelikula at pati sa endorsements ay maingat sila.

Isa nga sa mga big projects ni Heart ay ang pagpasok sa Arriba, Arriba bilang anak ni AiAi delas Alas na magsisimula ngayong Sabado. Kinailangang mag-resign ni Heart sa OK, Fine Whatever para makapag-concentrate sa isang sitcom. Bukod kasi sa Arriba, Arriba, regular din siya sa MTB at MYX bilang video jock. Sa MYX at MTB ay hinahasa nang husto ang hosting skills ni Heart.

Sa pelikula, kasama siya bilang isa sa mga anak ni AiAi delas Alas sa launching movie nitong Tanging Ina under Star Cinema. Dito ay makakasama niya si John Prats.

For updates, recent photos and other info on Heart, puwede n’yong pasukin ang kanyang website, http//heart. pinoycentral. com.
* * *
For your comments and feedback, you can e-mail me at [email protected].

ALAS SINGKO Y MEDYA

ALJO BENDIJO

ANAK

BOBBY YAN

CENTER

CHERYL COSIM

DIVINA

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with