Judy Ann walang ginagawa kundi mag-text
August 6, 2002 | 12:00am
Isang iritadong fan ni Judy Ann Santos ang nagpadala sa amin ng text message na hindi na niya nagugustuhang nakikita ang kanyang idolo na palaging may kausap sa cellphone o nakipag-text.
Ang ipinagtaka ng tagahanga ay wala itong pinipiling lugar. Tulad daw sa taping na wala itong ginawa kundi makipag-usap sa phone o text ng text at kahit magti-take na ito, hawak pa raw ang cellphone. Ang pinaka-height ng kanyang pagka-irita sa kanyang idolo ay nitong katatapos lang ng grand opening ng bar ng aktres. Kasalukuyang nagsasayaw noon ang kanyang idolo kasama si Piolo Pascual ng isang Igorot dance habang nasa stage ay nakuha pa raw nitong makipag-usap sa kung sino sa kanyang cellphone. Gusto na sana nitong hablutin ang cellphone sa aktres at itakbo pero di niya kayang gawin.
Napansin din namin ito mula kay Juday kaya kinausap namin si Direk Cathy Perez-Molina, isa sa mga direktor ng Sa Puso Ko, Iingatan Ka kung ano ang komento nito sa nakagawian ng aktres na kahit sa oras ng taping ay abala ito palagi sa pakikipag-text o pakikipag-usap sa cellphone.
"Wala namang problema," pambungad ng babaing direktor. "Okey lang naman siya sa mga take namin dahil magaling naman siyang makipagbatuhan ng mga linya sa kanyang kausap sa eksena na punong-puno ng emotion. Okey lang iyong pagti-text niya dahil hindi naman niya napapabayaan ang kanyang gawain.
"Iba si Juday sa mga artistang na-handle ko dahil dumarating iyan sa set na alam na niya ang kanyang mga linya. Kahit abala siya sa pagti-text, kabisado na naman niya ang kanyang susunod na gagawin. Walang epekto sa amin ang madalas niyang pagti-text dahil naibigay naman niya ang gusto namin sa eksena.(Ulat Ni Alex Datu)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended