^

PSN Showbiz

Beth ginamit ng ex-bf

-
Walang kabuhay-buhay ang lovelife ngayon ni Beth Tamayo. Mismo ang aktres ang nagsabi sa amin na mula noong naghiwalay sila ng boyfriend niyang mayor ng Bogo, Cebu, hindi na ganoon kasigla ang kanyang buhay pag-ibig.

Ilang buwan na rin ang nakalipas nang mag-cool-off ang dalawa at umaasa, lalo na si Beth na magkakabalikan din sila. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ang aktres na isang araw ay tatawag sa kanya ang dating syota at hindi lamang makikipagbalikan kundi yayayain na siyang pakasal.

Isang source ang aming nakausap at sinabing iniyakan ng aktres ang paghihiwalay nila ng kanyang kasintahan. Isang pagpapatunay na nagkaroon siya ang matinding pagmamahal sa dating bf. Hindi naman nagkulang sa paalala ang aming kausap na huwag masyadong ibigay ng buo ang kanyang pagmamahal sa kanyang bf dahil hindi pa siya nakakasiguro na magkakatuluyan sila. "Ayaw kong isipin na magkakatotoo ang aking hinala na nagamit lang ang aking kaibigan para sa kapakanan ng isang taong naghahangad ng popularidad para sa napiling propesyon," himutok ng aming kausap.

Nakailang kasintahan na rin si Beth at hindi nagtagal ang relasyon pero sa kanya, pagsubok lang ang lahat. Kailangang dadaanan niya ang mga bagay na lalong magpapalakas sa kanyang pag-iisip. Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

AYAW

BETH TAMAYO

CEBU

HANGGANG

ILANG

ISANG

KAILANGANG

MISMO

NAKAILANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with