Mga paboritong artista at singer sa US
August 4, 2002 | 12:00am
Los Angeles, California Naging masaya at memorable ang dalawang linggong bakasyon ko sa San Diego at Los Angeles, California. Marami akong naging kaibigang Pinoy doon kabilang na ang mag-asawang Nonie at Jesse Rivera. Si Nonie ang nagsilbing tourist guide sa aking pamamasyal sa Wild Animal Park, Balboa Park, Hotel Coronado at ang unang simbahan sa San Diego. Nakita ko rin doon na pinaiiral pa rin ng Filipino community ang pagiging relihiyoso kung saan naglilipat-lipat sila ng Santo sa mga bahay-bahay para mag-novena gaya ng kay San Lorenzo Ruiz at Santo Niño.
Umaga pa lang ay nakabukas na ang TV (The Filipino Channel) sa bahay na tinuluyan ko courtesy ng mabait na mag-asawang sina Juliet at Bong Iglesia at nagsisimula na silang manood ng Game KNB? ni Kris Aquino. Kaya lang, may nagtanong kung bakit lately ay makapal ang make-up ng actress-TV host na nagmumukha umano tuloy siyang matrona na di bagay sa kanyang edad. Pinuna din nila ang kanyang pananamit na minsan ay di bagay sa okasyon. Avid viewers ang mga tao roon ng soap opera at kahit mga kalalakihan ay nanonood ng Pangako Sa Yo at alam na alam ang daloy ng istorya. Type din nila ang Magandang Tanghali Bayan at nagsabi na kapag nagbalikbayan sila ay gusto nilang dumalaw sa ABS-CBN studio para makita si Amy Perez.
Nainterbyu ko rin si Consuelo Orpilla na may-ari ng Conchings Cafe sa San Diego na siyang kinakainan ng mga singer kapag may show sila roon. Siya rin ang isa sa mga sponsors kapag may show ang mga artista at singer. Noong nakaraang Agosto 2 ay nagkaroon ng concert ang magkakapatid na Papin kasama ang anak ni Vice Gov. Imelda Papin na si Maffi sa 4th Downtown Cafe at si Jolina Magdangal naman sa Agosto 19 at 21 sa Broadway kasama si Nikki Valdez. Nanggaling na rin doon ang The Hunks. Para kay Conching at mga kawani nito ay paborito nila si Gary Valenciano dahil nababaitan sila sa singer dahil wala itong kaere-ere. Paborito rin nila sina Martin Nievera, Vina Morales at sa mga kabataan namang artista ay sina Jolina, Judy Ann Santos at Angelika dela Cruz.
Pinakamagandang nakita ko sa San Diego ang Sea World kung saan ibat ibang show ang mapapanood gaya ng Shamu Adventure, Sea Lion at Dolphin show, Pets Playhouse at Pirates 4-D.
Nagsilbing tourist guide naman namin sa Disneyland ang kapatid ng aking hipag na si Bong. Nagmistula kaming fan doon ng mga cartoon characters sa pangunguna nina Mickey at Minnie Mouse at nakipagpilahan pa at nagpa-autograph. Isang dream come true ang pamamasyal namin sa Disneyland. Ibat ibang attraction ang nakita namin sa Adventureland, New Orleans Square, Critter Country, Frontierland, Tomorrow Land at Fantasyland.
Bago kami umuwi ng Pilipinas ay tumuloy muna kami sa bahay nina Wilson at Michelle Tangkingco sa LA para sa isang masaganang hapunan. Gustung-gusto naman nila si Kaye Abad. Sabi nga ni Wilson ay simple lang ang ganda nito at habang tinitingnan ay lalo siyang gumaganda. Wish nito na sa kanyang pagbabalik-bayan ay makita nang personal ang young actress kaya nangako kami na sasamahan namin sila sa ABS-CBN studio.
Umaasa kami na sanay makabalik-uli kami doon next year para sa mahaba-habang bakasyon. Gustuhin ko mang mag-stay pa ng isang buwan ay di ko nagawa dahil may trabahong naghihintay sa akin.
Napag-usapan na rin lang si Kaye Abad, balitang crush siya ngayon ni Vandolph. Pero itinanggi naman ng magandang aktres na nililigawan siya nito sa kasalukuyan dahil ayon kay Kaye ay magkaibigan lang silang dalawa. Lumabas man sila para mag-date ay grupo naman ito kasama sina Mark Anthony, Boy 2 at iba pa.
May mga nanliligaw din kay Kaye na taga-showbiz pero sa ngayon ay naka-concentrate muna siya sa career. Dalawang magkasunod na pelikula ni Kaye ang ipinalabas sa taong ito.
Naibulong ng aking source na may isa ring aktres na nakatira ngayon sa ilalim ng tulay ng Nagtahan. Hindi nito kayang mangupahan sa kahit maliit na kuwarto dahil sa hirap ng buhay niya ngayon.
Hindi naman siya nabigo nang lumapit sa ilang prodyuser para mabigyan ng pelikula. Yun nga lang mga sexy movie ang nilalabasan at role ng ina ng bida ang kanyang madalas gampanan. Naging sikat din siya noon dahil bukod sa matangkad ay maganda pa rin ito. Mga independent prodyuser ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong makalabas muli sa pelikula kahit maikli lang ang role. Ang importante ay kumikita siya. Pero kahit ganoon, mas gusto pa rin niyang tumira sa walang bayad sa ilalim ng Nagtahan.
Umaga pa lang ay nakabukas na ang TV (The Filipino Channel) sa bahay na tinuluyan ko courtesy ng mabait na mag-asawang sina Juliet at Bong Iglesia at nagsisimula na silang manood ng Game KNB? ni Kris Aquino. Kaya lang, may nagtanong kung bakit lately ay makapal ang make-up ng actress-TV host na nagmumukha umano tuloy siyang matrona na di bagay sa kanyang edad. Pinuna din nila ang kanyang pananamit na minsan ay di bagay sa okasyon. Avid viewers ang mga tao roon ng soap opera at kahit mga kalalakihan ay nanonood ng Pangako Sa Yo at alam na alam ang daloy ng istorya. Type din nila ang Magandang Tanghali Bayan at nagsabi na kapag nagbalikbayan sila ay gusto nilang dumalaw sa ABS-CBN studio para makita si Amy Perez.
Nainterbyu ko rin si Consuelo Orpilla na may-ari ng Conchings Cafe sa San Diego na siyang kinakainan ng mga singer kapag may show sila roon. Siya rin ang isa sa mga sponsors kapag may show ang mga artista at singer. Noong nakaraang Agosto 2 ay nagkaroon ng concert ang magkakapatid na Papin kasama ang anak ni Vice Gov. Imelda Papin na si Maffi sa 4th Downtown Cafe at si Jolina Magdangal naman sa Agosto 19 at 21 sa Broadway kasama si Nikki Valdez. Nanggaling na rin doon ang The Hunks. Para kay Conching at mga kawani nito ay paborito nila si Gary Valenciano dahil nababaitan sila sa singer dahil wala itong kaere-ere. Paborito rin nila sina Martin Nievera, Vina Morales at sa mga kabataan namang artista ay sina Jolina, Judy Ann Santos at Angelika dela Cruz.
Pinakamagandang nakita ko sa San Diego ang Sea World kung saan ibat ibang show ang mapapanood gaya ng Shamu Adventure, Sea Lion at Dolphin show, Pets Playhouse at Pirates 4-D.
Nagsilbing tourist guide naman namin sa Disneyland ang kapatid ng aking hipag na si Bong. Nagmistula kaming fan doon ng mga cartoon characters sa pangunguna nina Mickey at Minnie Mouse at nakipagpilahan pa at nagpa-autograph. Isang dream come true ang pamamasyal namin sa Disneyland. Ibat ibang attraction ang nakita namin sa Adventureland, New Orleans Square, Critter Country, Frontierland, Tomorrow Land at Fantasyland.
Bago kami umuwi ng Pilipinas ay tumuloy muna kami sa bahay nina Wilson at Michelle Tangkingco sa LA para sa isang masaganang hapunan. Gustung-gusto naman nila si Kaye Abad. Sabi nga ni Wilson ay simple lang ang ganda nito at habang tinitingnan ay lalo siyang gumaganda. Wish nito na sa kanyang pagbabalik-bayan ay makita nang personal ang young actress kaya nangako kami na sasamahan namin sila sa ABS-CBN studio.
Umaasa kami na sanay makabalik-uli kami doon next year para sa mahaba-habang bakasyon. Gustuhin ko mang mag-stay pa ng isang buwan ay di ko nagawa dahil may trabahong naghihintay sa akin.
May mga nanliligaw din kay Kaye na taga-showbiz pero sa ngayon ay naka-concentrate muna siya sa career. Dalawang magkasunod na pelikula ni Kaye ang ipinalabas sa taong ito.
Hindi naman siya nabigo nang lumapit sa ilang prodyuser para mabigyan ng pelikula. Yun nga lang mga sexy movie ang nilalabasan at role ng ina ng bida ang kanyang madalas gampanan. Naging sikat din siya noon dahil bukod sa matangkad ay maganda pa rin ito. Mga independent prodyuser ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong makalabas muli sa pelikula kahit maikli lang ang role. Ang importante ay kumikita siya. Pero kahit ganoon, mas gusto pa rin niyang tumira sa walang bayad sa ilalim ng Nagtahan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended