^

PSN Showbiz

Albert, tinalbugan ng mga kasamahan

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nalungkot si Albert Martinez pagkatapos ng press preview ng Ang Galing-Galing Mo Babes nung Sabado. Posible raw ang dahilan ay natalbugan siya nina Lester Llansang at Joyce Jimenez sa movie.

Earlier that evening, si Albert kasi ang pinag-uusapan. Kung gaano siya kahusay sa pelikulang ’yon. After all, hindi naman siguro siya magiging best actor sa Brussels Int’l. Filmfest for nothing.

Pero, laking sorpresa nga ang naganap nang gabing iyon. Talagang umani ng palakpakan lalo na sa eksenang pinapalo to death ni Lester si Albert dahil binubugbog nito si Joyce na hindi lang pala niya ate, kundi tunay pa niyang ina. Bunga si Lester ng panggagahasa ng kanilang ama sa kanyang kinikilalang kapatid.

Hindi lamang palakpak ang natanggap ni Lester kundi pagbuhos din ng luha, lalo sa female members of the press. Sayang at na-late ng dating ang batang aktor na posibleng manalong best supporting actor sa pelikulang ito ng Imus Productions.

Never has Joyce been bolder than in her role as Babes. She’s the undisputed X-Rated Queen. Nag-iisa siya sa tronong iyon.

Tiyak na dudurugin ang inyong mga puso nina Lester at Joyce habang kinamumuhian ninyo ang halimaw na si Albert.

Natitiyak kong masaya na rin si Albert sa karangalang natanggap ng kanyang mga co-stars. Di ba Albert?
Pasasalamat
Nagpapasalamat ang aming co-writer na si Len Llanes sa maagap na pagtulong ni Mr. Arnold Mallari ng Gemini Adjustment Co. Inc. noong maaksidente sila at ng kanyang anak kamakailan lang. Si Mr. Mallari na nagkataong number one tagahanga ng Ang Galing-Galing Mo Babes na si Joyce Jimenez ay siyang gumawa ng paraan para maisaayos ang halos wasak na wasak na sasakyan ng aming kasamahan sa panulat. Sana’y dumami pa ang mga taong busilak ang puso na tulad ni Mr. Mallari na di nag-atubili sa hangaring makatulong sa mga nangangailangan sa gitna ng kagipitan. Mapalad ang Gemini Adj. sa pagkakaroon ng isang imbestigador na tulad niya.
Isa Pang Commercial Model Ang Nag-Artista!
Siya yung modelo ng Rexona na nagtatanong kung "Wala ba kayong mga kamay?" si Jordan Hermogenes na pinalitan ng Jordan Herrera for screen purposes. Winner siya sa 2002 Mossimo Bikini Summit.

Unang pelikula niya ang Gamitan, ang launching movie ni Maui Taylor sa Viva Films. Ginagampanan niya ang role ni Lui, isang loner na ginamit ni Maui sa kanyang paghihiganti.

"Sobrang kaba ko nang humarap ako sa kamera pero, mabait si direk, pinagtiyagaan niya akong turuan," simula ni Jordan. "Pero kahit baguhan pa ring maituturing si Maui, siya ang nagdala ng eksena namin. Kumbaga, sumama na lang ako sa agos.

"Kahit sexy ang first movie ko, ayaw ko namang ma-type cast sa iisang uri ng pelikula. Pero, di ibig sabihin na hindi na ako tatanggap muli ng sexy role, pwede pa rin kaya lang dapat maganda rin ang istorya.

"Walang magiging problema sa aking commercial kung mag-sexy man ako. Hindi naman ako pinagbabawalan na mag-sexy.

"Nakakatanggap na rin ako ng mga gay proposal pero, hindi ko iniintindi. Seryoso man o hindi, tinatanggap ko na lamang na bahagi yun ng aking propesyon," anang bagong aktor na nai-excite sa mga fans na nagsasabing kinikilig sila sa kanya.

Ang Gamitan ay nasa direksyon ni Quark Henares at tinatampukan din ni Wendell Ramos.

ALBERT MARTINEZ

ANG GALING-GALING MO BABES

BRUSSELS INT

GAMITAN

GEMINI ADJ

GEMINI ADJUSTMENT CO

JOYCE JIMENEZ

MR. MALLARI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with