Si Allan K na ang host sa 'TWL'
July 28, 2002 | 12:00am
Simula bukas, Lunes, ang komedyanteng si Allan K na ang host ng The Weakest Link ng Viva TV bilang bagong host ng nasabing game show. Bilang host, inaasahang mas magiging exciting ang programa dahil sa kanyang pagiging komedyante.
Nagsimula ang showbiz career ni Allan bilang sing-along master sa karaoke joints. Ang kanyang kakayahan ang naging daan para maging matagumpay siya bilang komedyante sa telebisyon.
Nakapag-record na rin siya ng solo album para sa Viva Records at umarte na rin sa entablado. Kilala rin siya bilang one-man-act - sa pinagsamang singing at stand-up comedy. Sa kasalukuyan, isa siya sa host ng Eat Bulaga at Sing Galing. Ang TWL ang kanyang kauna-unahang solo stint bilang host.
Sinasabing pinagsamang Survivor at Who Wants To Be A Millionaire, ang TWL ay nangangailangan ng grupo ng contestant na sasagot sa rapid-fire trivia questions mula sa host. Pagkatapos ng bawat round, ang teammates ay boboto para tanggalin ang isa sa kanila hanggang maging dalawa ang strongest link at pagpipilian kung sinong mag-uuwi ng jackpot prize. Ang matatalo ay sasabihan ng "You are the Weakest Link. Goodbye" at magsasagawa ng Walk of Shame. At ang matitirang contestant ay ang mag-uuwi ng lahat ng kanilang nai-bangko.
At narito ang good news mula sa TWL: Ang mga homeviewers ay maaari nang bumoto ng kanilang mga favorite contestants na maaari nilang i-consider na strongest link. I-text lang sa 2968 ang mga sumusunod: TWL (Name Strongest Link). Ang conTEXtant ay tatanggap ng tanong: Halimbawa: Sino ang mukhang nakalagay sa P500? Mag-replay ng inyong sagot. Isa pang tanong ang maga-appear sa tuwing ang conTEXTtant ay makakasagot ng tama ay magi-earn sila ng points. At pag ang contestant na napili nila ang strongest link, lahat ng tamang sagot sa ilalim ng strongest link ay magmu-multiply ng limang beses. Ang mga conTEXtant ay maaaring bumoto ng maraming contestant para madagdagan ang kanilang raffle entries.
Hanggang head-to-head portion maaaring sumagot ang mga gustong sumali. Ang mananalo ay sasabihan sa pamamagitan din ng text message.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am