Pelikula ni Joyce lumusot
July 27, 2002 | 12:00am
Madalas ulanin ng puna at kantiyaw kapag lumalabas ang pantasya ng bayan sa mga nauna nitong pelikula hanggang pantasya na lang daw ang paglabas nito sa mga eksena dahil wala itong ipakikita kundi ang pagpapaseksi ng aktres.
Mabigat ang role at mga kaeksena ni Joyce Jimenez bilang "Babes" sa pelikulang prodyus ng Imus Productions.
Nang mabasa nito ang script ng Ang Galing Galing Mo Babes ay inihanda na ni Joyce ang kanyang sarili sa mga eksenang sasabakan niya.
Humihingi siya ng mga panahong makausap ang direktor nitong si Ed Palmos para pag-usapan ang mabibigat na eksena. Sa mga dramatikong pagtatagpo nila ni Albert Martinez , lalong nakilala ang matibay na tambalan ng dalawa na nag-ugat pa sa pelikulang Scorpio Nights 2. Maraming hininging mabibigat na eksena ang script na kailangang paghandaan ni Joyce bilang Babes. Inamin niyang nahirapan siya noong una dahil hindi pa niya alam ang atake sa role pero dahil sa masusing motivation at paliwanag ni direk Ed Palmos na kilala sa industriyang actors director naging magaan kay Joyce ang paghimay sa katauhan ni Babes.
Noong una ay nahihirapan siya dahil first time niyang makatrabaho si Direk Ed, pero nang sigaw sigawan na raw siya nito at pinagmumura sa maraming tao ay nagbago ang pananaw nito, hindi na siya si Joyce Jimenez, ang feeling niya siya si Babes. Lalong luluwag ang dibdib nito pagkatapos siyang palakpakan at paliwanagan ng direktor na kaya lang ginagawa iyon para mailabas nito ang kanyang talent. Nagpapasalamat si Joyce kay Marlon Bautista ang prodyuser at sa mga kapatid nito sa suporta at pagtitiwalang ibinigay sa kanya para gampanan ang role ni Babes. Alam daw niyang hindi siya ang original choice para sa role kaya ang laking tuwa niya nang mapasakanya ito dahil napakaganda ng pagkakasulat ng script. Nakipagtagisan siya ng akting sa beteranang si Perla Bautista at mga eksena nila ni Marcus Madrigal na kahit masasabing baguhan din ay nagpapakita rin ng promise at potential na mahasa bilang mahusay na artista. Paborito raw niya iyong eksenang sinugod niya ang kapatid niyang si Lester Llansang, sinampal at pinamukhaan siya nito tapos nilayasan. Ang feeling daw niya gumuho lahat ang pangarap niya sa buhay at nawalan siya ng pag-asa. Masaya ang pantsya ng bayan sa mga ginawa niya sa pelikula. Ang feeling niya parang ginagawa pa rin daw niya ang Scorpio Nights na pinagtambalan din nila ni Albert Martinez ang paboritong leading man ng mga aktres na kagaya niya. Pero sa pelikulang ito madarama mo ang needs ng mga character ang reasons kung bakit sila ganun kumilos, bakit sila ganun mag behave in a given situation.
Habang sinusulat ito inapruban ng MTRCB ang pelikula at binigyan ng R18 rating matapos ma-X ng tatlong ulit. (Ulat ni Ben Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 7, 2025 - 12:00am