^

PSN Showbiz

Joey Marquez vs bigamya?

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Walang katotohanan ang umiikot na balitang sasampahan ng kasong bigamya ni Alma Moreno si Mayor Joey Marquez.

Kung magpapatianod si Alma sa daloy ng mga sulsol ay posibleng maganap ang senaryo, pero kung maninindigan si Ness sa kanyang katwiran na bali-baligtarin man ang mundo ay ama pa rin ng kanyang mga anak si Mayor Joey ay mananatiling kuwentu-kuwento lang ang lahat.

Matagal na kasing may mga nagbubuyo kay Alma na para makaganti siya kay Mayor Joey ay kasuhan niya ito ng bigamya, tutal ay naglabas na ng konpesyon si Kris Aquino na totoong meron silang relasyon ng aktor-pulitiko.

Ang akala siguro ng mga taong ’yun ay napakasimple lang ng prosesong ipinangsusulsol nila kay Alma, hindi nila alam na sanga-sangang problema ang idudulot no’n, at pare-pareho lang silang mapapahiya.

Kung sakaling sasampahan nga ng kasong bigamya ni Alma si Mayor Joey ay hindi naman du’n nagtatapos ang kuwento, siyempre’y dedepensa rin si Mayor Joey, kaya makakaladkad din ang pangalan ni Julian Say sa isyu.

Lugar na hindi na gaanong napag-uusapan ang mga ganu’ng paksa ay mahahalukay pa, lalo na’t may hawak ding mga ebidensiya ang komedyante-pulitiko na wala pa si Kris sa buhay nito, ay nauugnay na sa pangalan ni Alma ang Cebuano.

Magiging magulo lang ang sitwasyon, magpipilitan sila sa korte kung sino ba ang tunay na nagkasala sa kanilang relasyon, kaya mabibilad ang kanilang mga baho sa publiko.

Ganu’n kaselan ang pagdinig sa mga ganyang kaso, binubusisi talaga ng huwes kung sino ba talaga ang nagkasala, kaya titilarin ang isyu nang maliliit hanggang sa desisyunan ng husgado.
* * *
Ang mga ordinaryong mamamayan na kapareho ni Kris ang kapalaran ay nakakatanggap din ng pagpuna ng publiko, pero isandaang doble nu’n ang katapat, kapag kilalang personalidad na ang sangkot sa usapin.

Tulad na lang ni Kris na bukod sa sikat na ay anak pa ng isang itinuturing na bayani at ng dating pangulo ng ating bayan.

Nakakulong sa isang maliit na kahon si Kris, dahil ang inaasahan ng publiko ay wala siyang karapatang magkamali, dahil dudungisan nga niya ang magandang pangalan ng kanyang pamilya.

Sa panukat ng iba ay malaking kahihiyan ng pamilya ang mga ginagawa ni Kris, lalo na’t ang kanyang ina ay masyadong kritikal sa mga isyung kahawig ng imoralidad.

Isang kaibigan namin ang nagtanong-nambusisi sa amin kung ano raw kaya ang itsura ni Tita Cory nang makarating dito ang balitang nakipagrelasyon na naman ang bunso nito sa isang may asawa na?

’Yun din ang madalas na paksa ng mga manunulat na tumututok sa buhay pag-ibig ni Tetay, ano nga raw kaya ang nasabi ni Tita Cory nang malaman nitong pamilyado na naman ang kanyang manugang na hilaw?

Marami namang matatalinong taong nagiging tanga sa larangan ng pag-ibig, pero hindi gaanong binabatikos, hindi tulad ni Kris na halos ipako na sa krus ngayon ng publiko.

Tao lang si Kris na nagkakamali, wala namang perpekto sa mundong ito, pero kung bakit ang inis ng publiko kay Kris ayaw maalis-alis.

Nakakaawa ang kalagayan ngayon ni Tetay, gusto niyang lumigaya, pero kalaban niya naman ang mundo.

Pero ganu’n ba talaga ang gusto ni Kris? ‘Yung para siyang sumusuot sa butas ng karayom sa pakikipagrelasyon?

vuukle comment

ALMA MORENO

JOEY MARQUEZ

JULIAN SAY

KRIS

KRIS AQUINO

KUNG

MAYOR JOEY

TETAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with