Leo, naghahanda para sa stand-up comedy series
July 23, 2002 | 12:00am
Nasa kalahatian pa lamang ng taong 2002 pero kitang-kita na magiging isang magandang taon ito para kay Leo Martinez.
Si Leo na nasa pangangalaga ng Manila Genesis Entertainment and Management ay napapanood sa kasalukuyan sa Idol Ko si Kap sa GMA-7 at ISPUP ng ABC 5. Isa rin siyang popular na commercial endorser. Nag-renew siya ng contract sa Ponkana, ang orange juice drink na nagpasikat sa kanyang "Uncle Leo" character.
Sinabi ng asawa ni Leo at manager pa rin na si Gina Valenciano-Martinez na nagsisimula na ang mga plano para sa gagawing stand up comedy series ni Leo. Kapag natuloy ito, magiging isang malaking achievement ito ng isang aktor komedyante at ang involvement niya sa live stand up comedy na nagsimula 15 years ago nang gampanan niya si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa long running Meldita ni Tessie Tomas. Pinaka-malaking break niya sa TV ang palabas na Mongolian Barbecue na kung saan ay napanood siya bilang Congressman Manhik-Manaog.
Abala rin si Leo sa Actors Workshop Foundation na siya ang namumuno. Itinatag ito nung 1984 bilang isang proyekto ng Actors Guild For Acting para sa adult at Improvisation para sa mga children. Nagtuturo dito ang komedyante na si Gabe Mercado sa Comedy Improvisation.
Sa mga interesado bumisita sa Actors Workshop Foundation sa 1781 E. Rodriguez Ave., Cubao, QC o tumawag sa 7232297, 4122576 at sa e-mail address na [email protected].
Sa susunod na buwan pupunta siya ng US para magtanghal sa New Jersey Expo kasama si Nanette Inventor.
Hindi lamang ang pag-arte at pagpi-perform ang pinagkakaabalahan ni Leo. Mayroon din siyang mga ginagawa na non-showbiz. Gaya ng kampanya niya para maibalik ang ating pride sa pagiging Pilipino.
"Tawag ko dito ay Pride Campaign. I want to encourage talk shows and variety shows na magtanong ng "Taga-saan ka? Ano ang maipagmamalaki mo sa lugar nyo? Kesa naman kung anu-anong mga katanungan ang ibinibigay natin sa mga bisita," ani Leo na ipinagmamalaking siya ay isang Batangueno (mula Balayan, home ng famous Bagoong Balayan)." Kilala rin ang bayan ko sa mga beautiful churches, ang annual na Parada ng Lechon, at ang pinsan kong si Ryan Cayabyab.
Inaasahan ni Leo na magtagumpay ang kanyang kampanya at suportahan ng mga kapwa niya artista at kasamahan sa showbiz, at sa mga darating pang araw, ng buong sambayanan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended