Maagang menopause ni ZsaZsa
July 23, 2002 | 12:00am
Napakabata pa ni Zsazsa Padilla at 38 para makaramdam ng maagang sintomas ng menopause.
Sinabi niya sa presscon ng Morning Girls, na nagsimula nang mapanood sa TV kahapon, Hulyo 22, ABS-CBN 2, 11:30 ng umaga at mapapanood araw-araw hanggang Biyernes, na madali na siyang mapagod ngayon. Kapag napapagod daw siya ay nawawala ang boses niya. Nangyari ito sa kanya nung magkaroon siya ng konsyerto sa Las Vegas. Nasa kalagitnaan siya ng kanyang show nang abandonahin siya ng kanyang boses. Nag-panic siya nung una pero nanaig ang kanyang pagiging isang professional entertainer. Medyo "nandaya" siya, nagsali-salita. Bumalik naman agad ang boses niya at natapos niya ang kanyang concert ng walang nakahalata ng kanyang pinagdaanan.
"Hindi lamang ito, nararamdaman ko na humihina na rin ang aking libido. Madalas, mas feel ko pang matulog pero, paano mo naman ito sasabihin sa asawa mo na kahit na sa kanyang gulang na past 60 ay malakas pa rin ang sexual appetite?" sabi niyang nangingiti.
Naikonsulta na niya ito sa kanyang doktor na nagsabi sa kanya na wala naman siyang dapat na ipag-alala. Nangyayari ito sa lahat, babae man o lalaki. Kailangan lamang ay malaman niya kung paano niya ito tatanggapin na isang normal na kaganapan ng kanyang katawan.
Si Zsazsa ay isa sa tatlong hosts ng Morning Girls. Ang dalawa pa ay sina Pops Fernandez at Kris Aquino.
Nakakatuwa itong si Andrew E. Presscon na presscon ng pelikula nila ni Eddie Garcia na pinamagatang DUragons pero mas marami siyang kwento tungkol sa kanyang first born, isang 3 months old baby boy na cute na cute daw at hindi sa kanya kumuha ng mga features kundi sa kanilang dalawa ng asawa niyang si Mylene. "Ang cute at ang puti. Hindi ko kamukha," aniya, thinking na dahil dito ay magiging mas guwapo si Andrew Fordy, ang pangalang ibinigay niya rito. Hindi marahil siya aware na maganda ang kumbinasyon nila ng asawa niya na nakuha ng bata.
Sinabi ni Andrew na marami silang pagkakatulad ng kanyang anak. Bukod sa napuluputan ito ng kanyang pusod nang isilang ng kanyang ina na tulad niya ay mayroon din itong letrang M sa kanang palad at isang star sa left. "Parang ako," sey niya sabay pakita sa letra at estrella na nasa dalawa niyang palad.
"Please understand my excitement. Lumaki akong walang kapatid. It took me years para magkaroon ng best friend. Ngayong naririto na siya, I intend to enjoy him."
Sasama si Andrew Fordy sa kanya pagpunta ng Canada next month para mag-concert. Hindi siya natatakot na magkaroon ito ng ear problem na nangyayari sa maraming sanggol na isinasakay sa eroplano dahil pag-alis nila ay apat na buwan na ito. "Yung mga bagong silang lang ang di pwedeng ibiyahe," pagliliwanag niya.
Bago kami naghiwalay, sinabi niya na ang pagsasama nila ni Eddie sa D Uragons ang nagpakita sa kanya kung gaanong pagpapahalaga ang ibinibigay dito ng buong industriya. "Talagang propesyonal siya at magaling na artista. Hindi lang sa drama at aksyon kundi maging sa komedi. Maraming beses di ko malaman kung nagpapatawa na ba siya o ano. Nakakatawa kasi ang ginagawa niya pero napaka-poker faced naman niya," ani Andrew E.
Kapareha nila ni Eddie sa movie sina Angelu de Leon at Patricia Javier.
Sinabi niya sa presscon ng Morning Girls, na nagsimula nang mapanood sa TV kahapon, Hulyo 22, ABS-CBN 2, 11:30 ng umaga at mapapanood araw-araw hanggang Biyernes, na madali na siyang mapagod ngayon. Kapag napapagod daw siya ay nawawala ang boses niya. Nangyari ito sa kanya nung magkaroon siya ng konsyerto sa Las Vegas. Nasa kalagitnaan siya ng kanyang show nang abandonahin siya ng kanyang boses. Nag-panic siya nung una pero nanaig ang kanyang pagiging isang professional entertainer. Medyo "nandaya" siya, nagsali-salita. Bumalik naman agad ang boses niya at natapos niya ang kanyang concert ng walang nakahalata ng kanyang pinagdaanan.
"Hindi lamang ito, nararamdaman ko na humihina na rin ang aking libido. Madalas, mas feel ko pang matulog pero, paano mo naman ito sasabihin sa asawa mo na kahit na sa kanyang gulang na past 60 ay malakas pa rin ang sexual appetite?" sabi niyang nangingiti.
Naikonsulta na niya ito sa kanyang doktor na nagsabi sa kanya na wala naman siyang dapat na ipag-alala. Nangyayari ito sa lahat, babae man o lalaki. Kailangan lamang ay malaman niya kung paano niya ito tatanggapin na isang normal na kaganapan ng kanyang katawan.
Si Zsazsa ay isa sa tatlong hosts ng Morning Girls. Ang dalawa pa ay sina Pops Fernandez at Kris Aquino.
Sinabi ni Andrew na marami silang pagkakatulad ng kanyang anak. Bukod sa napuluputan ito ng kanyang pusod nang isilang ng kanyang ina na tulad niya ay mayroon din itong letrang M sa kanang palad at isang star sa left. "Parang ako," sey niya sabay pakita sa letra at estrella na nasa dalawa niyang palad.
"Please understand my excitement. Lumaki akong walang kapatid. It took me years para magkaroon ng best friend. Ngayong naririto na siya, I intend to enjoy him."
Sasama si Andrew Fordy sa kanya pagpunta ng Canada next month para mag-concert. Hindi siya natatakot na magkaroon ito ng ear problem na nangyayari sa maraming sanggol na isinasakay sa eroplano dahil pag-alis nila ay apat na buwan na ito. "Yung mga bagong silang lang ang di pwedeng ibiyahe," pagliliwanag niya.
Bago kami naghiwalay, sinabi niya na ang pagsasama nila ni Eddie sa D Uragons ang nagpakita sa kanya kung gaanong pagpapahalaga ang ibinibigay dito ng buong industriya. "Talagang propesyonal siya at magaling na artista. Hindi lang sa drama at aksyon kundi maging sa komedi. Maraming beses di ko malaman kung nagpapatawa na ba siya o ano. Nakakatawa kasi ang ginagawa niya pero napaka-poker faced naman niya," ani Andrew E.
Kapareha nila ni Eddie sa movie sina Angelu de Leon at Patricia Javier.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
18 hours ago
By Salve Asis | 18 hours ago
18 hours ago
By Boy Abunda | 18 hours ago
18 hours ago
By Gorgy Rula | 18 hours ago
Recommended