Isang buwan na lang ang itatagal ng soap ni Judy Ann
July 20, 2002 | 12:00am
Opisyal na ipinahayag ni Alfie Lorenzo sa kanyang programa sa DZMM na tatlong linggo na ang pagiging numero uno sa rating ang soap opera ni Judy Ann Santos, ang Sa Puso Ko Iingatan Ka kung saan kapareha nito ang kanyang ka-loveteam na si Piolo Pascual.
Ayon sa manager ni Juday, pumapayag na siyang tapusin ang naturang soap sa buwan ng Agosto dahil napakalaking kumplikasyon ang nagagawa nito sa mga natanguang obligasyon ng aktres. Tulad ng gagawing pelikula ni Juday sa Viva na ang makakatambal ay si Robin Padilla na agad sisimulan kung hindi na matutuloy ang pelikulang pagtatambalan ng numero unong loveteam ng bansa. Matatapos na umano ang mga araw na dapat gugulin sa paggawa ng pelikula ng dalawa.
Sa huling pakikipag-usap ni Lorenzo sa big wigs ng ABSCBN ay humihingi ang mga ito na bigyan pa ng isang buwang palugit ang naturang soap dahil hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagpasok ng mga advertiser. Ito ay nangangahulugan ng panibagong pagbabago sa time table ni Lorenzo para sa kanyang alaga kung sakaling papayag siya sa kahilingan. Tulad ng show ni Juday na posibleng maililipat ito sa buwan ng Oktubre para tupdin ang natanguang palabas sa Hawaii at sa mainlad USA.
"Naiiyak ako kung totoong matatapos na ang soap ngayong Agosto. Para akong namatayan. Paano na ang loveteam?" isinasaad ng isang text message na natanggap namin at may isa pa, "Sana pumayag na si Tito Alfie na i-extend ang soap dahil ito lang ang outlet na nakikita namin ang dalawa. Wala na nga silang pelikula, pati ba naman ito ay ipagkakait nila. Basta gagawa kami ng aksyon."
Tiyak na ipag-aalburuto ng mga tagahanga ng dalawa ang balitang pagkatapos ng Sa Puso Ko ay posibleng magkakaroon ng panibagong soap opera si Juday at ang napipisil na ipapareha sa kanya ay si Jericho Rosales. (Ulat Ni Alex Datu)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended